Chapter 8

50 5 0
                                    

Yung araw na iyon ang araw na naka-set para makipagkita si Cody sa kapwa agent na si Doc. It is not really na makikipag-kita dahil bawal ang contact between two agents sa family. He will just leave Luna at darating naman si Doc. After Doc leaves ay tsaka niya lamang pwedeng balikan si Luna. This way, they can preserve the agents' secret identities.

Sa isip ni Cody, it is possible na hindi basta-bastang mga tao sa lipunan ang iba pang mga agents. Look at him. He's a bachelor billionnaire at the helm of a multinational chain of hotels. Nakakatiyak siya na meron ding ibang agents na kaparehas niya ng estado, if not more. Kaya siguro ganoon na lang kung pangalagaan ang identities ng mga agents. And he's satisfied with that.

Dumaan muna si Cody sa isang pharmacy upang bumili ng wheelchair para kay Luna. Pinili niya yung tingin niya ay hindi mahihirapan si Luna na i-maneuver on her own.

Eksaktong 10AM nang makarating sila sa isang walang katao-taong parking lot. Inilibot niya ang paningin at nakita niya na ang CCTV cameras roon ay hindi gumagana. Bago bumaba, isi-net muna ni Cody ang security lock ng sasakyan niya to allow agent Doc access later on.

Binalingan niya si Luna para mag-explain kung ano ang mangyayari.

"I'll be walking away for a bit dahil may kasamahan ako na titingin sa health condition mo.", paliwanag niya. Cody really thought that Luna is expressionless but nung sabihin niya iyon ay nakita niya na may lumatay na panic and fear sa mukha nito. She also grabbed his sleeves tightly. Agad niya naman itong pinakalma.

"He won't hurt you.", dagdag pa niya. "I'll come back as soon as he leaves. Also, someone is watching over this exchange so hindi ka mapapasama."

Kahit na ba may bumabadha pa ring takot sa mga mata ng babae, kailangan niyang gawin ito. He needs an expert to check on her, after all. At tiwala siya sa kakayanan ng kasamahan niya sa family.

Unti-unti na siyang bumaba sa kotse. A bit farther away ay may Yamaha SCR 950. He straddled it but before he put on his helmet, napatingin muna siya sa wrist watch. May time kasi sila na sinusunod ni agent Doc para sa transaksyong ito.

He revved the engine and drove away from the parking lot. According sa instructions, magpapalipas siya ng isang oras sa malapit na J.Co. May instructions din siya na bumili ng isang box ng donuts at iwanan lang iyon mamaya sa motor na ginamit niya.

Napatawa siya sa instructions na iyon. Every now and then ay may ganoong mga detalye sa kanilang mga natatanggap na instructions. Over time, he deduced na para iyon sa transporters nila.

The family probably has five divisions, as far as he can deduce. Una, silang mga agents, aka the assassins. Ikalawa, ang informants na katulad nila L. There's the management and the scouts, ang nagma-manage sa recruitment and operations ng family. Then, there are the transporters who clean up after their mess. Hindi niya lang alam kung tama ang na-deduce niya though.

Nang malapit na ang isang oras ay nag-take out na si Cody. He made sure na may extra dahil ibibigay niya mamaya kay Luna.

When he returned, wala na si agent Doc sa premises. As instructed, he left the box of donuts hanging on the motorcycle's clutch. Pumasok na rin siya sa kanyang sasakyan.

Pagkabukas niya sa pinto, agad na nagtama ang mata nila ng dalaga. Nakita niyang gumuhit sandali ang takot sa mga mata nito at napapitlag din ito. Ngunit nang makita na siya ang pumasok, para itong nakahinga ng maluwag.

Parang may kung anong humaplos sa puso ni Cody. Seeing her reaction, he's happy to know na Luna trusts him enough. Alam din naman niya sa sarili na hindi niya pababayaan ang dalaga.

"Let's go home.", ani niya rito.

Bago umuwi ay dumaan muna siya sa supermarket dahil kailangan nila ng stocks sa rest house. Kailangan din niyang bilhan ng essentials at damit ang dalaga. Hindi na niya isinama sa loob si Luna dahil baka may makakilala pa rito. Sinigurado na lang ni Cody na safe and secured ang dalaga sa loob ng sasakyan.

Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon