Chapter 1

11 0 0
                                    

Normal Day

Haay... buhay nga naman. Minsan talaga ang hirap tanggapin na ang malas malas mo na ang isang tulad mo ay pinanganak pa sa mundong ito.

Na sayo na nga ang lahat pero parang hindi ka pa rin kuntento dahil hinahanap mo pa rin ang sarili mo sa isang bagay na magpupuno sayo na  hanggang ngayon hindi mo pa rin mahanap-hanap.

Yan ang buhay ni Jupiter isa siyang Manager sa isang fast food chain na sikat sa buong Pilipinas.

Yung tipong pagkagaling mo sa trabaho ay diretso na kaagad sa bahay na hindi magawang maki hang-out sa mga kasamahan na crew kung saan siya nagtatrabaho. Isa na dun yung pakikipag interaction sa iba't-ibang uri ng tao hindi mo alam kung tama ba o mali ang pakikitungo nila sayo dahil madalas ngayon ay pakikipag-plastikan sa kanila parang normal lang sa kanilang gawin yun.

Madaming nagsasabi sa kanya na kesyo ganito daw siya kesyo ganyan siya. E ginagawa lang naman niya ang nararapat sa kanila at trabaho lang naman ang ginagawa niya hindi personalan pero dumating din naman sa punto na muntik-muntikan na siyang matanggal dahil sa matabil na dila na isa sa mga kasamahan niya.

"Jess, kailangan ka sa loob. Ang daming costumer ngayon." Sabi ko.

"Opo ma'am." Sabi nito na kaagad naman tumalima sa kanya.

"Dine in po ba o take out ma'am?" Tanong naman ni Jesil sa isang matanda na mukhang clown sa sobrang kapal ng make up sa mukha.

"Take out, please." Maarteng sabi kay Jesil na kaagad naman umikot ang mata sa sobrang inis sa costumer na yun.

"Kung hindi ka lang costumer talaga nasapak na kita!" Narinig kong nanggagalaiting bulong ni Jesil.

"Yes, ma'am. Please, wait some minute." Magalang na sabi ni Jesil na may naka plaster na pilit na ngiti.

"Two spaghetti and two ham burger with fries and two coke for number twenty one, please. She's waiting in the counter." Sigaw nito sa loob.

Nilapitan niya ito at binulungan na "Be nice at the costumer. Costumer is always right. Palagi mong tatandaan yan Jesil na kahit na nakakaasar ang pagmumukha at ugali nila." Payo ko sa kanya.

"Sorry ma'am. E ganyan kase ang pagmumukha parang nginudngod sa kolarete. Look at her face? Hindi ka ba maiinis sa kanya kung makaasta parang mayaman. Kayo nga diyan, ang simple simple niyo lang pero kung alam lang ng iba diyan na sobrang yaman niyo maraming magkakainteres sayo pero heto nandito kayo ngayon nagtatrabaho mismo sa isang branch ng food chains niyo." Puri niya sa kanya.

"Silly. Don't say that. Lahat tayo dito ay pantay pantay walang sapawan. Walang mahirap o mayaman." Sabi niya dito na kaagad naman tumango at ngumiti sa kanya.

"I know, we're the same remember?" Tudyo nito sa kanya.

"Yeah, yeah. Wala na akong sinabi." Talo nitong sabi.

Parehas lang kase sila ng estado ni Jesil. Gusto lang naman daw nitong ma-experience na kakaiba na may thrill daw. Kung thrillin ko kaya ang mukha niya. Pero kahit ganyan lang si Jesil siya ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan kong sabihan ng niloloob ko. Kung tutuusin e kaya na nitong magtayo ng isang restaurant sa kinikita palang nito pero hanggang ngayon ayaw pa rin nitong iwan ang nakasanayan na nitong gawin sa buhay.

"Ma'am, pweding magtanong sa inyo?" Tanong sa kanya ni Caloy.

"Ask away." Sabi niya na nakaharap na sa kanya.

"Ma'am, curious lang ako kung nainlove na po ba kayo?" Kuryusidad na tanong sa kanya.

"Of course. I'm not stone that can't be felt something towards to someone. But sad to say I'm just young back then that we need to separate our path to fulfill our dreams." Game niyang sabi dito.

Stay And Wait Until It HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon