Hello! :)
Infernum Academia
Chapter 4.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jam's POV
Nandito na kami sa Gate ng School. Grabe kinakabahan ako. Kahit naman may confidence ako o kakapalan ng mukha ika nga ng iba eh kinakabahan pa din ako. Ngayon lang ako papasok sa isang pribadong Unibersidad.
Ang gara ng pangalan ng school Infernum Academia. Tunog Magnum! Haha. San naman kaya nila nakuha yang pangalan na yan?
Habang naglalakad kami papasok. Puro tilian naririnig ko. Syempre bilang isang sugo ng kabutihan sa mundo. Nginitian ko naman ung mga tumitili pero inirapan ako.
Aba't ang taray ha! Kala mo kagandahan, mukha namang pambunot ng sahig ang pagmumukha. Nako! Nako duda na ko sa magiging buhay ko sa school na ito. -_-
"My Ghad ang gwapo ni Messiah" - girl 1
"Oo nga grabe ang hot niya!". - girl 2
Ano daw? Si Aya? Gwapo? Hot? Hahaha. Sabagay may point naman sila. Akala niyo kokontrahin ko? Haha impokrita ako pag sinabi kong panget tong halimaw na to. Haha.
Teka napansin ko may babaeng papalapit samin.
"Prince aya please tanggapin mo tong cake na binake ko for you" sabi nung girl. Nagmamakaawa pa talaga siya.
Wow! Prince tawag sa kanya dito? Haha sikat ang fake boyfriend ko! Pak Pak Ganon! Haha tapos may nagbibigay pa ng gifts. O edi siya na! Ginalingan eh! Haha.
Kinuha naman niya ung cake na binigay sa kanya.
Nagulat ako nung binagsak niya sa sahig yung cake. Dahil don nasira yong cake. Nay bastos! Sayang yung cake e. Binigay na lang sana saken. :( Tapos binuhos niya sa girl yung yogurt na inaabot sa kanya nung isang girl kanina.
Naglakad na siya papalayo. Susundan ko na sana siya kaso naawa ako dito sa girl. Buti na lng may dala akong extra t-shirt. Inabot ko sakanya yung t-shirt ko saka panyo. Grabe ang iyak niya. Bwiset na Aya yon.
"Ok ka lang? " tanong ko habang inaalalayan siya.
"Ok lng sala--" Hindi na niya naituloy yung sinasabi niya kasi may humigit na saken. -_-
Bago pa makasagot yung girl hinila na ako ni aya paalis dun, tss lecheng lalaki to bumalik pa para lng hilahin ako. Galit nanaman siya? Ang sakit ng pagkaahawak niya sa kamay ko.
"Ano ba?! "sabi ko habang hinahawakan yung kamay niya na nakahawak sa palapulsuhan ko. O diba kaaga agang chansing? Hahaha de jk. Masakit kasi kaya inaalalayan ko mahigpit kasi yung hawak niya.
"Wag kang nakekealam sa mga ginagawa ko." sabi niya at galit na tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Academy Series: The Devil's Battle Cry.
Mystery / ThrillerThe Story Behind Every Unanswered Questions. The Untold and Unseen Truth. The Playful Secret of the Past. The Secret under Every Mysterious Answers. The Truth Behind All The Lies. And The Missing Part of Every Lost Memories. "No one saves us but ou...