Prologue

15 0 0
                                    

"Kapag gusto, may paraan."

Yan ang adhikain ni Yvanna sa kanyang buhay. Si Yvanna ay isa lamang ordinaryong babae na nagttrabaho ng mabuti upang maging maganda ang kanyang kinabukasan.

"Hindi lahat nakukuha natin kaya dapat marunong tayong makuntento."

Lumaki siyang magisa at nakikitira lamang sa kanyang tiyahin na sobrang sama ng ugali pero kahit ganyan ito ay nagpapasalamat parin siya sa kanyang kaloob-looban na hindi siya pinapaalis nito dahil kung oo ay saan na lang kaya siya pupulutin.

"Magtiwala lamang at manalig sa Diyos dahil lahat ng ginagawa niya ay para sa ating ikabubuti."

Hindi siya nagrereklamo o nagtatanong sa Diyos kung bakit ganito ang kanyang buhay sapagkat alam niyang ito ang itinadhanang buhay sakanya at eto ang gustong mangyari ng Diyos sakanya kaya't mananalig na lamang siya dito.

"Hindi dapat magtiwala agad dahil maraming ahas at traydor sa mundo."

May kasintahan si Yvanna na inagaw ng kanyang matalik na kaibigan. Sa tingin naman niya'y hindi siya nagkulang sa dalawang ito ngunit nagawa parin nitong traydurin siya. Nagbibigay pa siya ng mga payo at tinutulungan magpaganda ang kanyang kaibigan pero para lang pala ito sa boyfriend niya na nagugustuhan nito kaya mas lalong masakit.

"Kapag pagod na, tigil na."

Sobrang pagod na siya sa buhay pero naniniwala parin siyang magbabago din ang kanyang buhay balang araw. Napapaisip siya minsan na paano kaya kung matulog ako tapos magigising na lamang ako na may trabaho na, mayaman, at nasa ibang mundo.

Imposible! Pero... paano nga kung magkatotoo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon