Kath's POV
"Kath akin ka na lang"
"Kath, ibibigay ko lahat lahat sayo, bsta maging akin ka lng"
"Grabe ang ganda ganda talaga ni Kath, gusto ko sya maging girlfriend"
Hayyy!!! yan ang mga kadalasan kong marinig kapag naglalakad ako hallway ng aming eskwelahan.
Well hindi ko naman sila masisisi eh, sikat ako dito sa scool dahil sa aking kagandahan, katalinuhan, kayamanan at kabaitan.
Pero mabuti pa nga sila at nagkagusto sila sa akin pero ang kaisa-isang tao na gusto ko ay hindi ako pinapansin. Haayy!!
Ayy!! Mamaya na muna yang pag eemote na yan hindi pa kasi ako nagpapakilala eh.
Ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo 18 years old. At yung lalaking tinutukoy ko kanina na gusto ko ay walang iba kundi si Enrique Gil. Pero never pa nya akong pinansin nyan kahit nga magkaklase kami sa ibang subject hindi nya talaga ako pinansin, bukod kasi sa gwapo ay napakatahimik at mysteryoso neto.
"Uy Kath sinong iniisip mo dyan. Nakatulala ka eh"
"Ah wala to juls gutom lng siguro ako." Pagsisinungaling ko sa bestfriend ko.
"Ganun ba, tara punta tayong cafeteria"
" Naku 'wag na baka malate pa tayo sa klase natin. Tara punta na tayong room" Hinila ko na agad sya para hindi na sya makapag angal pa
"Kath malapit na pala Christmas Party natin noh"
"Oo nga at balita ko rin ngayon tayo bubunot ng ating reregaluhan"
"Talaga!! Naku excited na ako. Sana si Dj mabunot ko"
"Hahaha sira ka talaga"
Sana si quen rin ang mabunot ko.
"Ok class tumahimik mo na kayo. Dahil bubunot na kayo ng inyong reregaluhan para sa ating x-mas party"-prof
"Juls sinong nabunot mo?"
"Naku kath lucky day ko to ngayon. Si Dj ang nabunot ko"
"Wow congrats. Sa akin naman si Quen"
"Si Quen?! Yung napakatahimik at mysteryosong kaklase natin?"
"Malamang sino pa ba? Siya lang naman ang nag-iisang Quen ang nickname dito eh"
*Araw ng Christmas Party*
"Ok ang susunod naman na magbibigay ng regalo ay si Kath. Ok kath sinong nabunot mo?"-prof
"Uhmm...... Si Enrique Gil po"
"Ok ibigay mo na ang regalo mo sa kanya. Mr. Gil ikaw na ang susunod. Sino ang nabunot mo?"-prof
"Si Kathryn Bernardo po sir"
Huuuwaaaaaatttt!!!!!! Ako ang nabunot nya at ako ang nakabunot sa kanya. Yeeeeesssss!! Grabe ang saya saya ko.
Pag uwi ko ng bahay binuksan ko agad yung gift nya sa akin.
Wow!!! Isang Gold Bracelet. Grabe ang ganda palagi ko na tong isusuot.
"Kath, anak bumaba ka na dyan at kakain na tayo"
"Opo mom sandali lng--
*BLAG*
Pag gising ko ibang kwarto na ang nakita ko. Teka nasa ospital ba ako. Ang huli kong naalala ay tinawag ako ng mommy ko para kumain tapos bigla akong nahimatay.
"Oh anak. Gising ka na pala" Malungkot na sabi ni mommy. Teka bakit sya malungkot diba dapat masaya sya kasi gising na ako.
"Kasi anak *sob* sabi ng doktor may sakit ka daw. At kapag hindi raw yun mapagamot agad maaari ka raw mamatay"
"Ano!? Mom ayaw ko pang mamatay marami pa akong pangarap sa buhay"
"Alam ko anak kaya nga pupunta tayong America para doon ka na gamutin. Ok lng ba sayo?"
"Opo mommy"
*After 10 years*
Quen's POV
Sampung taon na rin ang nakalipas simula nung makita ko yung babaeng mahal ko. After ng Christmas Party hindi na sya bumalik pa ng eskwelahan.
Nung nalaman ko nga na sya ang nakabunot sa akin ang saya saya ko na. Kahit na hindi nya ako pinapansin ok na sa akin yun kuntento na ako na makita lang syang nakangiti.
Pero hayaan na natin yun sampung taon na rin ang nakalipas eh.
Ako na nga pala ngayon si Dr. Enrique Gil. Nag specialised ako sa ibang bansa. Pinag aralan kong mabuti ang mga sakit na hindi na pwedeng gamutin pero ako lang ang pwedeng makagamot. Kaya sikat na sikat akong doktor dito sa pinas.
"Doc meron po kayong pasyente. Mukhang malala po ang sakit nya"
"Ah ganun ba? Sige susunod na lang ako"
"Doc ito po yung magulang ng pasyente."
"Magandang hapon po Maam ano po ba ang sakit ng anak nyo?"
"Hindi ko nga dn po alm doc eh. Kahit nga po ang mga doctor dun sa america hindi alam ang sakit ng anak ko"
"Sige po maam gagawin ko po lahat ng makakaya ko upang gumaling ang anak nyo"
"Maraming salamat po"
Papunta na ako ngayon sa Emergency room. Nandun kasi ang pasyente ko.
Pagkapasok ko dun nakita ko agad ang pasyente kong natutulog. Malamang dahil sa inenject sa kanya. Pero nung nakita ko agad yung mukha nya bumilis agad ang tibok ng puso ko. Parang ang pamilyar ng mukha nya, hindi ko nga lang matandaan.
"Doc uumpisahan na ba natin ang operasyon?"
Natigil ako sa pag iisip dahil nagsalita ang aking assistant.
"Ha?! Uhhmmm..... Sige"
Haaayy salamat natapos na din ang operasyon sa kanya.
"Doc kamusta na po ang anak ko? Ok na po ba sya?
"Huwag na po kayong mag alala maam ok na po ang anak nyo wala na syang sakit"
"Naku maraming salamat talaga. Natapos na rin ang sampung taon na paghihirap nya.
Ok lang po ba na iwan ko muna sayo ang anak ko? May bibilhin pa kasi ako eh.
"Ahhh sige po maam"
"Maraming salamat, at huwag mo na akong tawaging maam tita Min na lang, aalis na ako"
Nang umalis na si Tita Min tiningnan ko ulit yung mukha ng babae. Ang ganda nya pala talos ang kinis kinis pa ng mukha.
Peri bigla syang nagising.
"Nasaan ako? Sino ka?
"Huwag po kayong mag alala miss nandito po kayo sa ospital may binili lng yung mommy mo at wala na po kayong sakit.
"Talaga edi mabuti"
Nag inat mo na yung babae tapos kinusot-kusot nya yung mata nya.
Teka lang mukhang pamilyar yang bracelet na suot nya ah. At isang babae lang ang binigyan ko ng ganyan.
"Kath?!"
"Paano mo nalaman pangalan ko?"
"Hindi mo ba ako natatandaan?
Ako to si Quen"
"Quen?!"
-------------------
CUT!!
Hahaha pasensya na po kung bitin. Pero sana nagustuhan nyo po.