C h a p t e r – E i g h t
"Rian hindi ka papasok? Alas siyete ang klase mo ah. Alas otso na andito ka parin?" tanong ni Kat ng madatnan ako sa sala, nakaupo at nanonood ng TV. Hindi ko siya pinansin. Nanatiling nasa tv yung atensyon ko.
Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko. winagayway niya ang kamay niya sa harapan ko."Earth to Rian?" binalingan ko siya. blanko ang ekspresyong pinakita ko.
Nakita ko ang paglunok niya. "What are you doing here? Diba may klase ka rin ng alas otso?" tanong ko.
"E kung aabsent ka edi aabsent din ako." aniya sabay higa sa balikat ko. tinulak ko siya dahilan para matumba siya at mapahiga sa sofa. Nagulat siya pero agad din siyang tumawa.
Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya o wala siyang alam na galit ako sa kanya at alam ko na ang lihim nila matagal na.
"Pumasok ka. Wag mo akong gayahin." Sabi ko. tumayo na ako tsaka nagtungong kusina para kumuha ng juice. Narinig kong sumunod siya sakin.
"May problema ka ba bes? Ano yun? Si Yoongi na naman? Wag mo na kasing itulo---
"Hwag ko ng ituloy yung plano ko kasi wala din lang naman papupuntahan yun kasi hindi rin lang naman ako magwawagi kasi hindi na niya ako mahal kasi may mahal na siyang iba at mahal na mahal niya yung bago niya, ganun ba ang ibig mong sabihin, best friend?" hindi ko na napigilan ang outburst ko.
Nagulat siya sa biglaan kong pagbabago. Yung parang bigla akong naging monster sa harap niya. I saw a tear fell from her eyes.
"Why are you crying? You're crying because you feel sorry for me? Kasi naawa ka at iniwan ako ng taong mahal na mahal ko? Kasi yung best friend mo iniwan, pinagpalit at patuloy na niloloko?" ako naman na ngayon ang umiiyak...
"Kat hanggang kelan mo ako balak gaguhin? Hanggang kelan niyo ako balak lokohin, ha? Hanggang kelan mo'ko balak pagmukhaing tanga? You're my bestfriend yet inagaw mo pa rin yung dapat ay akin! Alam ko na! mAtagal ko ng alam! At ang kapal ng pagmumukha mong pumasok sa pamamahay ko at umastang best friend ko sa gayong palihim mo naman pala akong inaahas!" napahagulgol siya sa mga sinabi ko.
Nakita kong pumasok sa kusina si Manang. Halatang gulat sa mga nangyayari.
"Don't cry na parang ikaw yung nasasaktan dito! Hwag kang umiyak na parang ikaw yung kaawa awa at niloko!" she bit her lip. Pinanusan niya yung luha niya tsaka ako tinignan samata.
"Hate me to death, Rian. Kamuhian mo'ko. Kasuklaman. Pero nagmahal din lang naman ako tulad mo! At handang gawin ang lahat kagaya mo para lang maging masaya. Pinili kong ilihim ito para mapanitili ang pagkakaibigan natin dahil ayokong magkasira tayo. Dahil mahal kita, best friend kita at ayokong nasasaktan ka. Pinigilan ko naman e. pero kasi katulad mo din ako, nagmamahal!" natawa ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Playing Games With My Ex [BTS-Suga FF]
Fanfiction[BTS-Suga FF] He sees me as his toy. He wants to play games. Instead of being his toy, I will be his opponent. And in this game, I'm going to win. And he's going to lose. Everything! Except my heart. Because in the game of love he win and I lost...