13. Pieces

3 1 0
                                    

Hindi ako nagsinungaling nung sinabi kong mahal ko siya. Halos mag3weeks na rin sana kami. Kaya nga lang.... oo nakipagbreak ako. Masyadong minamaliit ko ang weight na isang relationship. Ganun pala ang ang feeling na magmahal,at minahal balik. Masyadong maraming at stake and lalo na maraming obstacles ang maface ng isang couple. Nakakatakot ngunit napakasaya ng pakiramdam na malaman mong may nagaalala sayo. Na may natutuwa kung pinapangiti ka.

Hindi pala ganun ka dali maghanap ng tamang tao.

At si Jack? Tatlong araw na ang nakaraan mula nung nagbreak kami. Nung mga huling araw, di ko maiiaalis sa isip ko ang lahat ng nangyari. Sadyang ang hirap lang malimutan siya. Nakikita at naaalala ko siya sa bawat kilos na ginagawa ko sa araw-araw na pamumuhay.

I don't know if I'm crazy but.. everyday, I'm reminded of him. I see pieces of him in the world. Sa mga salitang binigkas sa mga naooverheard ko na conversations sa hallway, sa mga boring lectures ni prof, sa jacket ko,--nakakatawa nga eh. Minsan, nararamdaman ko rin na kung saan man siya sa mundo, he feels the same way. Pero hindi eh. I'd be too selfish to ask for something like that.

Namimiss ko siya.

Minsan napatigil nalang ako at nagdadalawang isip sa pagbreak ko sa kanya. Di bale na. Wala na akong magagawa. I'm a fool kung iniisip kong gusto niya pa rin ako.

Kinwento ko na kay Ria ang lahat na nangyari mula sa una hanggang sa huli, pinilit rin ako nun.  Muntik na akong patayin nung bruhang yon. Well, I guess I deserved that. Sinayang ko eh.

Masyadong maraming bagay ang hindi ko nainintdihan. Di ko nga kilala ang sarili ko. I don't think I'm mature enough to have a relationship if hanggangg ngayon, parati nalang sarili ko ang iniisip ko.

Jack? He was the sweetest guy alive. Napakaselfless siya. Ayokong magkarelationship with the attitude that I have now. Di magtatagal ang kahit anong relationship with this attitude. Minsan, it's not about waiting for the right guy to love the me. Minsan, dapat kailangan kong magbago.

I need to appreciate the world more. Maraming bagay na hindi ko pa alam. And I wouldn't realize that without Jack. Making him wait for me would be the most selfish thing. I want to be like him, fearless, strong, loving. 

Napangiti ako sa jacket ko na nakapatong sa upoan ng aking dining table. Basa siya sa ulan. Umuwi ako kanina pero di ko nalaman na uulan pala at hindi ko dinala yung payong so ginamit ko nalang yung jacket na bili ng kapatid ko sa akin as 22nd birthday present ko. Ang lakas parin ng ulan ngayon. Kumikidlat yung langit kaya lumapit ako sa bintana at sinirado iyon.

Biglang kumirot yung puso ko nang naalala ko. Biglang lumingon ako sa kalendaryo malapit sa aming ref. Pula yon at murang chinese calendar lang na binigay ng aming kapitbahay. Nakaencircle and Sept 18 in red ink. 

Sept 18. Date ngayon.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi at agad ko yung pinahid at pinilit ang isang ngiti. Third weeksary na sana namin ni Jack.

Sana.


Puzzle of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon