[LIANNE'S POV]
"kelan ninyo ba balak magbayad ha ?? aba !!! 2 buwan na ang palugid ko sa inyong mag-ina ha !! hanggang ngayon hindi niyo pa rin ako nababayaran ?!!!"
"aling chayong, magbabayad naman po kami ng renta dito sa apartment niyo .. konting tiis na lang po .. may sakit po kasi si mama kaya hindi pa po ako makakabayad sa inyo"
"nasaan ba ang magaling mo ama ha ?? hwag mong sabihin sa'kin na hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon ??!!!"
napayuko ako sa sinabi niya ....
dahil totoo ..
"kung wala ang tatay mo at may sakit yang nanay mo, eh kelan pa kayo magbabayad ??!! ano ?!! aabutin na naman kayo ng ilang buwan o baka maging taon na ??!! naku, hindi pwede yan !!! ngayon pa lang magempake na kayo !!! malulugi ako ng dahil sa inyo !!!!" sigaw ng may-ari ng apartment
"hwag po muna !! hindi pa po magaling ang mama ko !! promise po paggumaling na po siya sa sakit niya aalis na po kami dito" pagmamakaawa ko
"naku tigil tigilan mo ko Lianne ... hindi mo ko maaartehan ng ganyan !!! LUMAYAS NA KAYO !!! kung ayaw ninyong ipakaladkad ko kayo sa mga tanod !!!!"
wala na akong nagawa ...
kesa naman na makaladkad pa kami ...
si papa .. hindi pa rin kasi siya umuuwi simula nung nakaraang linggo. Iniwan niya sa amin ang lahat ng gastusin dito sa bahay, sa kuryente, sa tubig, sa pagkain at lalong-lalo na sa pag-aaral ko. Ang mama ko naman kasi, inaatake na naman ng kanyang high blood niya kaya hindi siya makapagtrabaho. Kaya ako na ang kumakayod para sa pamilyang ito ..
Ako nga pala si Lianne Morales. 17 years old na ako. Hindi na ako nag-aaral simula nung umalis ang papa ko. Kala nga namin ng mama ko ay nasa sugalan lang ang tatay ko, yun pala nilayasan na niya kami.
ngayon, hindi ko alam kung saan kami pupunta ng mama ko. wala naman kasi kaming kamag-anak dito sa maynila.
bago kami makaalis dito, nakiusap muna ako sa mga kapitbahay namin na kung pupwede ay makitira muna kami ng mama ko hanggang sa gumaling siya, aalis din naman kami. ang kaso, walang may gusto. yung iba gusto sana kami patirahin ang kaso wala na kaming pagtutulugan at masyadong masikip sa tirahan nila.
nang makabalik ako, nakita ko ang mama ko. nakahiga sa kama niya, at malala ang kalgayan. hindi ko na alam kung saan kami pupunta.
lumabas ako ng bahay para doon umiyak, ayoko kasing nakikita ako ng mama ko na nagkakaganito. kaso mga tatlong minuto lang ay pinuntahan ako ng may-ari ng apartment.
"oh ano ??!! nakapag-empake na ba kayo ?? wag ka ng mag-iiyak diyan dahil hindi mababayaran ng luha mo ang tinitirahan niyo !!! sige na umalis na kayo !!!!! at may gusto ng bumili ng apartment na yan !!!"
tumayo na ako at nag makaawa ulit pero hindi niya ako pinagbigyan.
hawak-hawak ko ang mga gamit namin at pasan-pasan ko sa likod ko ang mama ko. nung una ayaw niyang magpabuhat dahil baka daw mahirapan ako. ang sabi ko naman, ok lang kung mahirapan ako hwag lang siyang mahirapan.
hindi ko na dinala yung iba namin gamit, lalo na wala naman kaming sasakyan para magbitbit ng mga yun. si aling chayong na ang bahala sa mga yun kung itatapon niya ba yun o itatago.
lakad lang ako ng lakad habang bitbit ko ang mga gamit namin at buhat buhat ko ang mama ko. hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng mga paa ko. kahit masakit na ang mga kamay ko at ngalay na rin ang leeg ko dahil sa isa naming bag, hindi ko ininda iyon .. ang importante ay kung saan ako makakahanap ng matitirhan namin.
BINABASA MO ANG
My Best Friend
Teen Fictionbest friend or best lover ??? family or best friend ??? kagustuhan ko or kagustuhan nila ??? love or death ??? anong dapat kong piliin ??