Tiwalang nasira (OneShot)

44 3 0
                                    

"Alam mo Alexa, wala pa rin akong tiwala kay Arvin" sabi saakin ni Lyzza habang naglalakad kami dito sa park.

Eversince na naging kami ni Arvin lagi yan sinasabi saakin ni Lyzza. Lagi niyang sinasabi na hindi naman daw matinong lalaki si Arvin at baka iwan lang din niya ako o saktan sa bandang huli. Hindi naman sa wala siyang karapatang sabihin yung mga gusto niya, ang akin lang sana maging masaya man lang siya para saakin.

"Hay, bakit ba ganyan ka kay Arvin?" tanong ko sabay upo doun sa isang bakanteng upuan.

"Basta" blankong sagot niya saakin sabay labas ng cellphone niya.

Minsan nga napapansin ko bakit ba mainit ang dugo ni Ly (Pronounce as Lay not Lee) kay Arvin? Minsan kasi nagugulhan lang ako. Gusto ko lang ngayon maging magkaibigan sila para naman malaman ni Ly kung bakit ko minahal si Arvin.

xxx

"San ba tayo pupunta love" tanong saakin ni Arvin sabay upo duon sa upuan dito sa restaurant.

"Basta love" sabi ko na lang sabay labas nang phone ko.

Ito na rin siguro yung time para magkakilala silang dalawa nang maigi para naman magkatiwala si Ly kay Arvin at wala nang gulo.

To RyzzaBFF:

Ly, pnta ka dto sa restaurant sa may makati..

.

.

.

Send

.

.

.

[Sending Suceed]

(After a Minute)

"Bekz bakit mo ako pinapunta--" hindi na natuloy ni Ly ang sasabihin niya kasi nakita niya si Arvin.

Lumapit saakin si Ly at bumulong sa tenga ko "Lexa, bakit mo naman ako pinapunta dito? Alam mong mainit ang dugo ko diyan sa Arvin mo"

"Pero Ly, sa tingin ko oras na para magkakilala kayo nang maigi" sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Oh hi! Lyzza" sabi ni Arvin sabay ngiti kay Ly pero si Ly tinignan lang siya. Siniko ko si Ly para batiin din pabalik si Arvin.

"Hello" sabi ni Ly na may bored na tono.

"So uhm, pibapunta ko kayo dito Arvin and Ly para naman magkakilala kayong mabuti" sabi ko sabayngiti sakanilang dalawa

"That's a great idea!!" sabi naman ni Arvin sabaw hawak nang kamay ko sa lamesa.

"Tss.." rinig kong bulong ni Ly

xxx

So far mukhang nagkakilala na rin sila Arvs at Ly. Kaso tong si Ly mukhang hindi pa ata ready na maging magkaibigan sila ni Arvin pero saakin ok na yun kasi nitong mga nakaraang araw hindi naman na nagsasabi ng kung ano-anong negative si Ly kay Arvin kaya umuokay na rin kahit paano...

"Musta?" tanong ko kay Ly habang nanunuod ng TV sa bahay

"Eto pinipilit na kinikilala si Arvin mo" sabi niya habang nanunuod din

"Sana talaga maging magkaibigan kayo ni Arvin" sabi ko sabay yakap sakanya

"Kung magiging magkaibigan kami" sabi niya sabay kuha ng remote at lipat ng ibang channel

"Bakit? Pwede naman kayong maging friends ah" sabi ko

"Ewan Lex...ewan" sabi niya sabay tayo at diretsyo ng CR

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tiwalang nasira (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon