Book II: Chapter 10

1.9K 83 27
                                    

Alam kong mali ang ginawa namin ni Caleb pero ramdam kong naging masaya ako sa bawat sandaling pinagsaluhan namin.

Namiss ko yung mga halik niya, yakap, at yung pakiramdam na nasa tabi ko siya.

I know naging unfair ako kay Luke dahil pinagtaksilan ko siya. And I know naging unfair ako dahil naconclude ko na naging rebound lang pala siya.

"Alex I've really missed you." Sabay halik niya sa noo ko.

"Na miss din kita Caleb." Sabay dikit ko sa katawan niya.

Magkayakap kami ngayon at nakahiga sa kama ko.

Para sa akin ay special yung naging moment namin kanina.

Nagkaaminan kami na mahal pa namin ang isa't isa.

"Bakit mukhang problemado ka?" Tanong sa akin ni Caleb.

"Eh kasi naman nakokonsensya ako sa ginawa natin. Alam mo namang may boyfriend ako sa pinas diba." Sabi ko.

"I know at some point ay iniisip mong kasalanan mo. Pero minsan isipin mo rin yung puso mo. Isipin mo rin yung happiness mo. Mas magiging unfair ka lalo kay Luke kung pilit mong itatago yung nararamdaman mo aa akin."

"Hindi ko lang kasi maiisip na magagawa ko tong bagay na to sa kanya. Napakabait niyang boyfriend sa akin, never niyang pinaramdam sa akin na nag-iisa lang ako."

"Here, tawagan mo na siya ngayon. Ikwento mo sa kanya yung buong pangyayari." Sabi ni Caleb at sabay abot sa akin ng phone ko.

I think this is the right time na rin para makipagbreak sa kanya. Hindi ako deserving para sa kanya. Hindi ako yung "the one" niya.

Binuksan ko ngayon yung phone ko at nagvoice call kay Luke.

After a few minutes ay napick up na niya yung call ko.

(Voice call)

Alex: Ahmmm Luke kumusta ka na?

Luke: Ok lang. Sorry pala kung hindi ako nakakatawag sayo.

Alex: Luke? May sasabihin ako.

Tignan ko muna si Caleb. Parang hindi ko yata kaya to. Napamahal na rin naman ako kay Luke, pero mas mahal ko nga si Caleb.

Luke: Alex, may kailangan din akong sabihin.

Bakit parang nahihimigan ko siya ng kalungkutan.

Alex: Ah sige ikaw na mauna.

Luke: Alex, alam mo namang mahal na mahal kita right? Pero sorry Alex, sorry kung nagawa kitang lokohin. Sorry Alex...

Hindi na niya matuloy tuloy yung sasabihin niya dahil umiiyak siya. Naririnig ko yung pagsinghot niya.

Luke: Sorry dahil nagpadala ako sa tukso. Naging marupok ako Alex,nakabuntis ako.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kanina lang ay parang iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Luke yung ginawa ko.

Tapos ngayon ito naman.

Alex: Luke please wala kang kasalanan. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo ngayon. Alam ko kung gaano ka ngayon na sasaktan. Pero isipin mo na lang hindi ako santo, tao lang din ako Luke, gumagawa ng kasalanan.

Luke: What do you mean Alex?

Alex: Nakipagsex ako sa ex-boyfriend ko.

Luke: To be honest, I am speechless right now.

Alex: Let me explain first ok?

Wala naman akong narinig na voice sa kabilang line kaya tinuloy ko na yung pagexplain ko.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon