Sana po magustuhan nyo tong new story ko, please vote and comment;) be a fan !
------------
Prologue:
Simple lang ang buhay ko noon.
Nagagawa ko ng malaya yung mga gusto ko,
Walang iniintinding iba, kundi ang matupad ko ang pangarap ko at maiahon sa hirap ang pamilya ko..
PERO Lahat ng yon nagbago ng dahil lang sa isang kasalan na kung saan,Kailangan kong gawin para makabayad sa utang ng magaling kong tatay -_- Naiinis ako dahil wala akong magawa para pigilan ang kasal.. Ayokong matali sa taong di ko naman mahal at di ko rin kilala.. Pero mas lalong ayokong ikasal ng makilala ko na kung sino ang lalaking pakakasalan ko at yun ay walang iba kundi si....
Adrian Smith ! Ang Pinakababaero, Pinakamanyak at higit sa lahat walang PUSO ! Bakit? Dahil kung magpalit siya ng girlfriends nya parang damit.. grrr -_- nakakainis >,< Bakit kailangan sya pa yung aking...
" My Playboy Husband "
Chapter one: The Meeting
Alice's POV:
Alice anak,sorry talaga pero wala na kong magagawa- malungkot na sabi sakin ni mama.
Ma,bakit?Bakit wala akong kaalam-alam tungkol sa kasalan na to?- Oo.tama kayo ng pagkakabasa ikakasal na ko, miski nga ako nagulat eh -_-
Anak sorry talaga sana maintindihan mo ako- di ko alam pero, nahihirapan akong intindihin sya :(
Ma bakit kailangan akong ipakasal?Pano yung pag-aaral ko?- Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
tsaka ko na lang sasabihin sayo ang lahat kapag naikasan na kayo ok?- Malumanay na sabi ni mama
Ma ! Ano ba? Sabi nyo intindihin ko kayo diba? pero pano ko kayo maiintindihan kung ayaw nyong ipaintindi sakin? - pasigaw na sagot ko kay mama, alam ko ang bastos ng dating ko dahil nasigawan ko sya pero nadala lang ako ng galit.
a-anak, hi-hindi pa talaga ngayon ang tamang panahon para sabihin ko sayo ang dahilan- nakaramdam tuloy ako ng guilty ng makita kong may pumatak na luha sa pisngi ni mama.
Shhh, ma sorry ok?Nadala lang ako ng galit sige na ma hihintayin ko na lang yung tamang panahon na sinasabi nyo:) - nakangiting sagot ko kay mama habang yakap-yakap ko sya !
salamat anak- Nakangiting sabi sakin ni mama, mas gusto ko talaga pag nakikitang nakangiti si mama lalo na kung ako yung dahilan :)
-------------
*tok tok*(sorry for epic sounds.xd)
Hmm, pasok po- maantok-antok na sabi ko sa kumatok
anak, gising na may bisita tayo- Huh? bisita ng ganito kaaga?
Ma, ang aga-aga may bwisita na kagad?- tanong ko kay mama habang kinukusot kusot ko yung mata ko
alice, yung bibig mo naman. At anong maaga? 10 na ng umaga kaya gumising kna at mag-ayos- sabay alis ni mama
Nga pala, bilisan mo at espesyal ang bisita natin sa baba ok?- tsk, espesyal paVIP naman msyado =_= makaligo na nga lang..
(fast forward)
Pagbaba ko ewan ko pero dahan dahan akong bumaba para tingnan kung sino yung espesyal DAW na bisita namin -_-
lakad
lakad
lakad
la-- napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yung pinag-uusapan nila mama sa baba. bigla akong nacurious kaya eto para akong ninja na chismosa, may ganon ba? tsk hayaan mo na nga !!
BINABASA MO ANG
My Playboy Husband(on-going)
Teen FictionSimple lang ang buhay noon ni Alice, Masaya sya sa mga bagay na meron siya Pero pano kung isang araw malalaman na lang nyang ikakasal na sya at ang malala pa ikakasal sya sa isang babaerong nagngangalang Adrian Smith na kilala bilang Campus Playboy...