Nagsimula ang lahat sa isang dare.
Third year high school pa lang ako, may gusto na ako kay Kyla. Madalas ko siyang asarin, kulitin, pahiyain. Oo, medyo mayabang ako. Pero, sa kanya lang. Ang cute niya kasi kapag napipikon:D Para siyang pusa. Mahilig mangalmot, tapos namumula pa siya kung minsan. Kahit puro gasgas ang inaabot ko sa kanya, ayos lang.
"Sayang!" sabi ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Hindi ako top one over-all this quarter eh," :( sagot ko. Ako nga pala si Reg. 16 years old nag-aaral sa isang prestigious high school sa Marikina. Heterogenous ang mga section sa amin, so ang valedictorian or whatsoever ay maaaring manggaling sa kahit anong section. Pangarap ko kasing mag-top one over-all. Pero, isang beses pa lang nangyayari iyon. Madalas, si VIctor ang pinakamagaling. Mamaw siya eh, pero friends kami :D
"Top 3 ka naman ah," sabi niya.
"Eh, hindi ko narinig 'yung I love You mo," sagot ko.
"Dahil doon?"
Oo, dahil doon kaya sobrang nasayangan ako. Nagkaroon kasi kami ng dare: kapag nag-top one ako over-all, magpapagawa siya ng t-shirt na may nakasulat na "I LOVE YOU REG." Kaso lang, hindi ako top one eh :(
"Eto, bagong dare,"
"Ano na naman?" tanong niya.
"Pag nag-top one ako, anytime next school year, magiging tayo for one day. Agree?"
"Kung ibabase iyan sa performance mo these past quarters, mas mataas pa rin si Victor sa iyo. Kahit na may chances na magtop one ka, malakas ang faith ko na si Victor pa rin."
"So, call ?"
"Sige. I agree."
That's it! :D Chance ko na para maamin at mapadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Natatakot kasi akong sa kanya agad. Kaya nga ang yabang ng dating ko sa kanya, para hindi niya mahalata. So, nag-aral ako buong summer. Binasa ko na 'yung caculus books at El Filibusterismo. In short, Nagpaka-nerd ako dahil sa dare na iyon.
Days passed, dumating ang senior year at ang first quarter exams. I made sure na at least lahat nasagutan ko nang tama. To be honest, nagulat ako kasi nakaya ko silang lahat. Ewan ko, bunga ata ito ng inspiration na binigay sa akin ni Kyla. At nang dumating ang results...
"Shit! Ang baba ko sa Calculus :("
"Anong score mo?" tanong ni Kyla habang nakangiti.
"Bakit?" -_-
"Si Victore naka-45 eh, siya raw highest sa section nila! Boom boy! Pa'no ba yan, hindi magiging 'tayo' " :D
"Seryoso? 46 ako eh!" \(^o^)/
"Tsk. Diyan lang yan. For sure mataas ang scores ni Victor sa other subjects :P"
"May mas tataas pa ba sa perfect scores ko?" :D
O_O - kyla.
^_^ - me.
"Hindi lang exams ang basehan noh," sagot niya. May point siya. Hindi lang nga exams ang basehan ng final grades. Still, nananalig pa rin ako na ako ang matatawag na top one sa convocation.
At dumating na nga ang convocation.
Announcer: Top 2 *lahat kabado, lalo na ako. Mahigpit na nakasara ang kamao ko.*
Announcer: And our top top 2 this year, for his second time, Victor Agoncillo! *Palakpahan lahat, except kay Kyla. Ako naman todo ngiti; for the second time, nakuha ko ang top one :D* And our top one is Reginio Adriano!