Epilogue

18.1K 422 69
                                    

This is the Epilogue. Maraming maraming maraming Salamat sa lahat ng bumasa. Thank you sa mga sumuporta at matyagang naghihintay ng update ko. Again, Masaya ako at nagi-share ko pa sa inyo ito. Sana po, masuportahan ko pa ang mga darating kong Novels, sa ngaun. Sana po subaybayan din namin ang kwento ni Abby at Ethan sa 'To reach you.'

Maraming salamat. Godbless! =)

P.S LANCE AND JOEY STORY IS OUT: TWO PIECES OF A BROKEN HEART.

Best ending ever for Chris and Brian.

~

Epilogue

 

“Wag na wag ng magpapakita sakin ang Brian na yun!” paulit-ulit na sigaw ko habang binabalibang ang lahat ng mahawakan ko sa kwarto. Alam ko naman busy sya doon, Pero.. Maski isang tawag lang? o text? Wala manlang! Saan na ba un napunta? Baka mamaya nyan napadpad na sya sa Bermuda triangle! Tsss.

“Chris. Kakain na!” sigaw ni Ella. Nirolyo ko ang mata ko.

“Wala akong gana!” sigaw ko pagbalik pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot.

“Hay naku chris, kapag nalaman ni Brian na hindi ka kumakain baka mamaya umuwi un dito ng wala sa oras.” Utas ni Julie.

Umismid ako. “Edi mabuti, para ng Umuwi na sya!” sigaw ko. Sumimangot ako pagkatapos ay tinitigan ang bulaklak na ibinigay ni Alex sakin nung kasal nila ni Kuya. Bakit naman kaya sakin nya ‘to binigay. Ang alam ko, ibinibigay lang ‘to sa mga susunod na ikakasal.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, Mabuti pa sila ni Kuya Ok na. Samantalang kami ni Brian, Wala. Ni, hindi nya ako kinokontak. Para na akong mababaliw kung kumusta na sya doon. Baka mamaya may iba na sya..

“Chris!” utas ni Kuya pagkatapos ay hinila ang kumot sakin.

“Anu ba kuya!” utas ko.

Binalingan ko ng tingin ang nakakunot nyang mukha. “Bakit hindi ka kumakain? Isako kaya kita gusto mo?” tanung nya.

Inirapan ko sya. “Porket sila masaya na.” Bulong ko.

Nakita kong umiling-iling si kuya bago umalis sa harapan ko. kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay umupo sa kama. Nangilid ang luha sa mata ko.

“Brian. Miss na miss na kita. Bakit kasi hindi ka nagpaparamdam sakin!” Bulong ko.

Gusto ko ng ipadyak ang paa ko sa inis, Sobrang nafru-frustrate na ako sa nangyayari, at hindi ko gusto ang pakiramdam.

“Wag ka ngang praning!” utas ni ella sakin.

Sumimangot ako sa kanya. “Paanung hindi ako maprapraning? Cge nga sabihin mo! Halos dalawang linggo na akong hindi kinokontak ng boyfriend ko, ikatutuwa ko ba un?” utas ko sa kanya.

Nirolyo nya ang mata nya sakin.

“Baka busy lang si Brian doon, alam mo naman. Tagapagmana.” Aniya

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon