19. Hindi Maintindihan

7.4K 272 31
                                    


"Ate?" Halos mapalundag ako ng bigla nalang lumitaw si Kristele sa harap ko. Titig na titig siya sa akin kaya bahagya akong napayuko.

"Umiyak kaba?" Inosenteng tanong niya pero di mawala ang tingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at mabilis na pumasok sa sasakyan ko. "Bakit naman ako iiyak?" Malamig na sagot ko ng makapasok ako sa sasakyan. Pumasok din si Kristele sa loob nito sabay kabit ng seatbelt.

"Maga kasi yung mata mo,"

Diniretso ko ang paningin ko sa kalsada habang napahigpit ang hawak ko sa manibela. Damn. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya sasabihin niya na wala naman kaming dalawa? Na itatak ko sa isip ko na wala akong karapatan panghimasukan siya. Bakit nga ba ako nag aksaya ng luha para sa kanya?

Kasi nasaktan ako. Wala man kami pero concern ako sa kanya bilang kaibigan niya. Ibinaba ko ang dignidad ko nang magpanggap kami na kaming dalawa. He broke my rules. Yun lang naman ang hiniling ko diba? Kung hindi niya ako kayang mahalin ng totoo, sana manlang irespeto niya ako bilang tao. Ano nalang ang sasabihin nila kapag nakita si Luther sa na may kasamang iba?

I'm just his another playmate? Fuckmate? flirtmate? or so whatever. Natapakan kasi ng bahagya ang ego at feelings ko. Kung hindi niya pala kayang magpakatino. Sana tinapos niya muna yung samin dalawa.

"Ahh-- napuyat kasi ako sa thesis na ginawa ko." Pagsisinungaling ko. Dinig ko na napabuntong hininga si Kristele. "Akala ko dahil sa away ni Daddy at Mommy." She said inocently. Tumaas ang kilay ko kahit sa daan pa din ako nakatingin. Bakit ko naman iintindihin yon? Bahala na sila Mommy. Stress na nga ako kay Luther maii-stress pa ako sa kanila na sila naman din ang may gusto.

Hindi ako nagsalita. Tahimik kami buong byahe. Nagkakaroon lang ng ingay dahil sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko. Gago siya! Ano? Kailangan niya ako ngaun at tawag siya ng tawag? Bahala siya sa buhay niya!

"Ate hindi mo ba sasagutin?"

"No," malamig na sagot ko. Hindi ko na nga nilingon si Kristele dahil ayokong mahalata niya ang itsura ko.

Nawala ang pagtunog ng cellphone ko na napalitan ng pagtunog ng cellphone ni Kristele. Kumunot ang noo ko. Hindi naman siguro alam ni Luther ang number ng kapatid ko diba?

"Sino to'?" Salita ni Kristele. "Boyfriend ni, ate?" Halos maghesterical si Kristele sa sobrang gulat. Napapreno nga din ako bigla dahil sa gulat. Ano ba problema niya? Bakit niya ako ginugulo? Diba eto naman ang gusto niya? So why the hell is he bothering me now?

"OMG! Ano ba naman ate?!" Pasigaw na salita ni Kristele. "Wala pa sa harap mo yung boyfriend mo natataranta kana." Ngumuso siya at inayos ang nagulo niyang buhok. Napapikit ako ng mariin dahil nasa tainga pa din niya ang cellphone niya at nasa kabilang linya si Luther. Ano nalang iisipin non? Ugh.

"Shut up!" Umirap ako at inagaw ang cellphone niya. Mabilis kong pinatay ang tawag tsaka nilagay sa block list ang no. niya.

"Bakit di mo sinabi na may boyfriend kana?"

"Wala akong boyfriend." Malamig na sagot ko at nagpatuloy ako sa pagdadrive hanggang makarating kami sa school.

"Pakilala mo siya sa akin, ha?" Natatawang sabi ni Kristele kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Mag-aral ka nga!" Tumalikod ako habang umiiling habang si Kristele ay hinaharot pa din ako.

Napahinto ako ng bahagya ng namataan kong padating ang sasakyan ni Luther. Fuck. Mabilis pa sa alas kuatro ay naglakad ako ng mabilis. Halos patakbo na nga ang ginawa ko para hindi niya ako maabutan.

"Sasha," sigaw niya kaya tuluyan na akong tumakbo. "Sasha, hintayin mo ako." Sigaw ulit niya kaya tinaas ko ang middle finger ko hanggang tuluyan na akong nakapasok room. You deserve that asshole! Humalakahak ng malakas si Luther. "Good morning din, sweetheart." Sigaw niya kayo halos lumubog ako sa kinatatayuan ko.

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon