"Aside sa pagiging boss mo, nobyo mo ba ang binatang iyon?", tanong ng kanyang mama. "O siya ba ang tatay ni Avrielle?"
Napamaang si Avery. Napaka-straight forward talaga ng mama niya.
"Hindi ko po siya nobyo.", sagot ni Avery. "At bakit niyo naman natanong kung siya ang tatay ng baby ko?"
"Grabe naman kasi maka-alaga sa iyo yung tao.", parang kinikilig pa na sabi ng kanyang mama.
"Kamukha din nung lalaking yun ang baby mo.", walang kagatol-gatol na sabat naman ng papa niya.
Napalunok siya ng sariling laway. Mukhang hindi na yata niya matatakasan ang mga katanungan ng kanyang mga magulang. Bumuntong-hininga siya at isinalaysay niya ang lahat - mula sa pagkikita nila sa Vegas hanggang sa pagkikita nilang muli rito sa Pilipinas.
"Anong plano mo ngayon?", tanong naman ng kanyang papa matapos marinig ang lahat mula sa kanya. "Sasabihin mo ba dun ang tungkol sa bata?"
"Hindi ko po alam pa eh.", sabi ni Avery. "Marahil oo pero hindi muna ngayon. Give me days or weeks at masasabi ko rin."
"Sabihin mo ng maaga.", payo ng kanyang papa. "Mukha rin naman na alam na ng batang yun na anak niya ang isinilang mo."
Yun din ang pakiramdam ni Avery. Pero hindi naman iyon inuungkat ni Zyrelle kaya hindi niya pa alam if alam nitong anak nito si Avrielle.
Wala na ring nagawa si Avery kundi tumango na lamang. Ngunit kahit sabihi pa na tumango na siya, hindi naman madaling aminin sa binata na ang anak niya ay ang nabuo nila sa Vegas. Kaya naman kahit na nakabalik na ito kahapunan at naging umaga na lang ay wala pa rin siyang nasasabi sa binata.
"We're here.", sabi ni Zyrelle. Kararating lang nila sa bahay ni Avery. Siya ang nagmaneho para sa mga ito.
Nasa likod ng sasakyan sina Avery na kalong-kalong ang kanyang anak kasama ang mama niya habang nasa front seat naman ang kanyang papa. Nagpresenta na rin ang binata na siya ang magdala sa gamit nila paakyat.
"Mag-meryenda ka muna, iho, bago ka umalis.", paanyaya ng mama ni Avery kay Zyrelle.
"Maraming salamat po, Tita Lina.", nakangiting tanggap ng binata sa alok ng ginang.
Matapos maibaba ng binata ang gamit nila galing ospital ay agad na lumapit ito sa bata na inilapag naman ni Avery sa crib nito na nasa sala. Magiliw na tinititigan at pinipisil nito ang bata.
Si Avery naman ay pumunta sa kusina upang tulungan ang ina na maghanda ng meryenda. Ngunit bago pa man siya makalapit sa ina upang tumulong, sinenyasan na siya nito na sabihin na ang totoo sa lalaki. Bumuntong-hininga siya at bumalik sa sala.
"Sir Zyrelle.", untag niya sa lalaki na kanina pa nakangiti sa kay baby.
"Zyrelle.", sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.
"Ano?"
"Zyrelle lang.", paliwanag nito. "Walang sir."
"Ah, o-okay.", tango niya. "Ano, busy ka ba ngayon? Okay lang ba k-kung mag-usap tayo sa labas. May... may sasabihin kasi sana ako sayo na importante."
Medyo nabubulol pa siya ng sinabi niya iyon. Ibinaling naman ni Zyrelle ang atensyon nito sa kanya. Dahil sa matamang pagtitig nito sa kanya, medyo kinabahan muli siya.
Well, sino nga naman ba ang hindi kakabahan sa sitwasyon niya?
"Oh, okay.", paunlak nito sa kanyang paanyaya.
"Ma, sa labas na lang kami magmi-meryenda ni Zyrelle.", paalam niya sa kanyang ina. "Pa, sa labas lang po muna kami."
Tumango lang ang kanyang mama at papa. Alam naman ng mga ito ang pag-uusapan nila.
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
Любовные романыCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...