Chapter 8

77 2 0
                                    

Witney's POV

Hey there! Pinakilala naman na siguro ako ng bestfriend ko no? But anyway, magpapakilala ulit ako.

I'm Witney Chua. They say I'm beautiful, sexy and hot. And I say, that's definitely true!

Kung ang bestfriend ko, maldita and bitch, I'm her opposit side. Sobrang friendly ko. Pero kahit si Xanthene ang bitchest among the bitchest, I still love her kasi alam ko kung bakit siya nagkaganon. Wala ako sa pwesto para ikwento sa inyo so just wait her to tell the whole story of her life.

Sa ngayon, 'yung akin muna. Alam niyo naman na sigurong buntis ako at isang Lee ang ama ng magiging anak ko. Brumer is my first. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil isa siyang Lee.

Sikat ang mga Lees. Sila ang may-ari ng mga malalaking company dito sa Pilipinas.

Sikat din sila, hindi lang dahil mayaman kundi gwapo at hot pa sila. Bukod sa kanilang mga ama, sina Milton Lance at Brumer Jed Lee lang ang lalaki sa mga Lee.

Sila ang sikat na models noon hanggang ngayon. Simula palang nung bata sila, sikat na ang dalawang yun.

Nakakatuwa diba na sikat ang magiging ama ng anak ko? But on the other side, isa siyang Lee.

Ang mga tinaguriang "DIVIRGINIZERS".

Pero wala na akong pakialam kung isa man siyang Lee.

Wala rin akong pakialam kung pananagutan ba niya ako o hindi. Gusto ko lang malaman niyang anak niya ang dinadala ko.

Nandito na ako sa bar kung saan kami unang nagkita.

Nakita ko siyang may kasamang babae. Kasunod nila si Lance Lee. May kasama rin itong babae.

Tss. Mga babaero talaga. Paalis na sana sila pero humarang ako.

"Excuse me. May I talk to you Mr. Brumer?"

Sabi ko habang nakasmile.

Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. So buti at naaalala pa niya ako.

Tinapik siya ni Lance. Buti nga't nagising sa pagkakatulala.

"H-huh?" Utal niyang sabi.

Tss. Ano bang problema nito at parang kinakabahan.

"Pwede ba kitang makausap?" Seryosong tanong ko.

"S-sure." Sagot naman niya. Buti naman.

"What?! May pupuntahan pa tayo di ba?!"

Reklamo naman nung babaeng kasama niya. Di man lang marunong pumili 'to. Mukhang coloring paper ang mukha. Tsk!

"Next time. Let's go."

At inaya na niya kong umalis.

Buti naman at hindi niya pinansin ang pagmamaktol nung flirt na yun.

"Ano ang pag-uusapan natin?" Tanong niya pero di siya nakatingin sakin.

Di naman to makapaghintay. Hindi pa nga kami nakakalabas ng bar eh.

"Pwede bang maghanap muna tayo ng place bago ko sagutin 'yan? Tss."

Pagtataray ko sa kaniya. Oo, friendly ako pero sa sitwasyon na 'to, iba ako.

Huminga muna siya ng malalim. "Okay."

"Let's just go to my house." Tuloy niya.

"Better." Sagot ko naman.

The Bitch and the Devil's Set-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon