Louis #1: The Besfriend

35 5 0
                                    

Freya's POV

Umuulan na naman.

Nandito ako sa Costa at nagbabasa ng libro habang umiinom ng tea. Ganito lang ako lagi kapag umuulan.

Mga ganitong panahon ko nababalikan ang lahat.

Sa mga ganitong panahon ko nababalikan ang mga Louis na nagging parte ng buhay ko..

Bakit ba kasi ang hilig ko sa Louis?

Bakit lahat na lang ng lalaking dumaan sa buhay ko Louis ang pangalan?

Ano ba'ng meron sa pangalang yon?

Bakit kailangang Louis?

Naalala ko tuloy yung unang lalaking nagpatibok ng puso ko.

Yung unang Louis na nakilala ko. Si Louis Anderson Ariola.

Si Louis Ariola na bestfriend slash first love ko. Cliché diba? E ganon talaga e. Pano ka ba namang hindi mahuhulog sa isang lalaking gentleman, caring, sweet at funny. Tapos idagdag mo pa na gwapo naman talaga sya, hindi ko na itatanggi yon. Saka yung boses nya... masasabi mo talagang voice of an angel.

Singkit, mapupulang labi, maputi, magaganda at malalambot na kamay. Mas maganda pa nga yung kamay nya sakin e. Kaya lagi nya ko'ng iniinis.

"Ano ba naman yan Felynit! Tignan mo nga yang kamay mo. Ang tigas tigas! Mag-hand lotion ka nga!" Sya lang ang tanging tumatawag sakin ng Felynit. Para daw maiba naman.

"Pakelam mo ba? Saka hindi matigas kamay ko no! Nagkataon lang na mas malambot yung kamay mo sakin."

"Concern lang naman ako sa future boyfriend mo. Baka maturn-off pag nakipag-holding hands sayo! Hahahaha "

At ang loko, niregaluhan ba naman ako ng isang box ng hand lotion nung pasko. Kainis talaga yon! Pero ayos na din para libreng supply ng hand lotion ng halos isang taon. Hahaha!

 "Oh ayan! Para naman may magamit ka. You're welcome!" Sabi nya sabay akbay sakin. Pa-fall talaga.

"Anong akala mo sakin, dukha? May pambili ako nyan no!"

"Hay nako, ang arte talaga netong bestfriend ko! Alam mo kasi, gusto na kitang magka-boyfriend. Kaya naisip ko, baka kaya walang nanliligaw sayo dahil jan sa kamay mo. Kaya ayan, para naman may maka-holding hands ka ng iba bukod sakin!"

Mas okay nga sana kung ikaw makaka-holding hands ko....yung paghoholding-hands ng couple. Hindi yung pang bestfriend.

"Wow salamat ha. Sana ibinugaw mo na lang ako diba."

"Pag talaga hindi ka pa nagka-boyfriend bago tayo maka-graduate ng High school, ibubugaw na kita. Hahahahahahahaha!"

Loko talaga to kahit kaylan. Hindi maka-usap ng matino, ang kulit!

Pero may isang nakakapagpaseryoso jan kay Louis.

Si Astrid.

Yung babaeng mahal na mahal nya grade 3 pa lang kami. Hahahaha, bangis ni Ast no? Akalain mo ba namang hanggang ngayong 2nd year High School na kami, sya pa din ang gusto ng bestfriend ko? Galing mo Ast!

Nakaka-inggit ka.

"Bakit nya nagawa sakin yun Felynit? Kulang pa ba? Ilang taon ko ng pinapakita sakanya kung gano ako kaseryoso at kung gano ko sya kamahal. Pakshet naman oh. Bakit nagpaligaw pa sya kay Yuan?! Si Yuan ba ang gusto nya? Shit naman." Sabi nito habang nakaupo sa dulo ng kama nya habang umiiyak.

Loving LouisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon