Gusto
Gusto... Salitang masyadong malalim..... Salitang nag papahiwatig na may nais kang makuha o makamit.. Ano man ito o Sino.... Ito ang gusto.Sa kaso ko isa itong sino
Gusto ko ang isang lalaki....
Lalaking magpapakilig ng aking katawan ... Magpapabilis sa aking mga hininga... Magpapalipad sa mga kulisap sa aking tiyan...Magbibigay emosyon sa aking mga mata... Higit sa lahat lalaking kayang magpatibok ng aking puso sa simpleng galaw lamang...Napakaraming dahilan kung bakit kita nagustuhan.. Ngunit kahit ako hindi alam kung ano ba talaga ang nag udyok saakin na ika'y ibigin...
Walangyang puso nga naman kung isipin...akalain mong hahamakin... Mapansin mo lama'y agad nag iiba ang himig.
Bakit nga ba sa tuwing kilos mo ako'y napapatingin.. Mga pag galaw mo'y nagpapadaloy saaking dugo paakyat saaking mga pisngi...
Hindi dahil ikaw ang gusto...dapat ng balewalain... Toy... Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundong aking ginagalawan...
Ako ma'y neneng na...patay na patay sa iyong pag-ibig at sinta... Simula't sapul ikaw lang ang pinipintigPero lintek lang ang walang ganti...ikaw parin ang iniibig ng pusong walang ibang sinisigaw kundi ikaw..
Walang magawa ang isang katulad ko tuwing ikaw ang nakikita ng mga matang ikaw lang ang hanap
Tumingin man sa iba ikaw parin ang laman ng utakAno ba nga naman ang meron ang iba na wala ako? Kailangan ba ganito nalang lagi... Mamahalin ang mga taong hindi man lang makasukli ng kahit isang ganti ng pagmamahal.
Kung isampal ko kaya sayo lahat ng hirap ko mapukaw lang ang interest mo? Konting barya lang para sayong tingin... Konting pera para sa iyong pansin... Putang ina, ni isang kusing walang narating...
Ngunit suntok ang inabot nang matutong hindi ako ang babaeng para sa iyo.Nagmahal ng tunay... Namusyaw ang kulay... Ang pag asang puno ng ingay sa pag ibig kong nawalan ng buhay
Kung sa pag ibig ka nga ba naman susugal ..... Talo na ako dahil ikaw ay aking gusto ngunit iba ang sa iyo...
Ika nga nila sundin mo ang iyong puso... Ha. ha. ha. joke ba to..
Kung susundin ko nga ba...sa iyo ba ako dadalhin? May posibilidad bang ika'y makamit ng aking mga bisig kung yakap naman ng iba ang iyong ninanais....
Ang pagkagusto ay hindi naiiwasan nariyan at nariyan yan.. Pero kung tutuusin napakahangal nga naman at bakit ikaw pa... Sa dami ng populasyon ng tao sa mundo bakit ikaw pa ang napili nito?Potek na Tadhana iyan.. Ililibing ko
Ang sarap sabihin Tangina ikaw nanaman?... Tigilan mo na ako pwede ba... Masyadong masakit na sa tuwing iisiping gusto kita at ako hindi mo gusto dahil ito'y nasa ibang tao.
Pagod na ako kakahabol sa iyo.... Kay kitang inantay... Kay tagal mo ring binalewala ang damdamin kong ika'y sinisinta't inaasam...
Bakit kailangan mong maging ganiyan... Sa tuwing ikaw ngayon ang makikita halong lungkot at saya ang nananaig sa pag ibig na wagas kung magpahiwatig.
Ngunit mas lalong sumakit ni hindi ko alam kung bakit....
Hindi man lang makakuha ng saktong sagot mula sa iyo...gusto mo rin ba ako?.. Kasi ako Oo...gustong gusto...Dapat kitang kasuhan.... Dapat mong panindigan mga kilos mong nag pakilig at nag pagusto saakin...
Isa kang kriminal na dapat kong hulihin.... Ngunit paano kita huhulihin kung sa umpisa pa lang ikaw ay hindi akin...
Dapat sa pusong to ikinukulong... Pero para saan pa kung naka preso ito sa iisang tao... Ikaw yon gagoNararapat bang sabihing ika'y hindi akin... Isang hamak lang na gusto...
Gusto kita...mahal ko
