"OO"
Tula na isinulat ni Yucca Lily
Oo, darating yung panahon na maiisip mo pa rin siya kasunod ang mga pangungusap na nagsisimula sa salitang "sana".
Oo, darating yung panahon na ma-mi-miss mo pa rin siya kasabay ang mga flashback na matatapos rin sa mga katagang "wala na talaga".
Hindi, hindi mauubos ang tintang nagmumula sa mga mata mo pero darating ang panahon na mauubos rin ang papel niya sa buhay mo.
Oo, darating yung panahon na magsasawa ka rin sa kaka-replay dahil hindi naman magbabago ang katotohanang hindi happy ang ending ng istorya niyo.
Oo, darating yung panahon na yung laman ng bawat "bakit" mo ay mauubos na.
Oo, darating yung panahon na yung jigsaw puzzle ng "acceptance" na matagal mong pinaghirapang hanapin ang mga nagkahiwa-hiwalay na piraso ay mabubuo mo na.
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue (Tagalog & English Poems)
Poetry"Out of the Blue" is a compilation of relatable (well, I assume na makaka-relate ang kung sino man ang makakabasa, kung meron, assumera ako) tagalog and english poems I've written, in different types and forms. Lol. Why "out of the blue"? Because it...