Alak...Anak

50 5 0
                                    


Pasuray-auray na naglakad papasok ng kanyang bahay si Anton. Lasing na naman ito. Simula nang mamatay ang mag-anak nito ay tila nawalan

na sya ng saysay upang mabuhay at lagi nalang naglalasing.

Nang makapasok na sya sa loob ng kanyang bahay ay nakita nyang nakaabang si Mimi ang kanyang nag-iisang anak sa loob.

"papa" mahinang tawag nito sakanya ngunit linagpasan lamang nya si Mimi.

Pumunta ng kwarto nya si Anton upang matulog ngunit hindi sya makatulog dahil sa mga mahihinang iyak ni Mimi.

Galit na bumangon sya at hinanap ang anak. Nakita nya itong nakaupo at umiiyak sa hagdanan lalapitan nya na sana ito ngunit may humila sa laylayan ng kanyang damit.

"papa" tawag ni Mimi at ibinigay ang baso ng tubig kay Anton.

Kinuha ito ni Anton. Ngunit naalala nyang galit pala sya dito. Hinanap nya muli ang anak ng mawala na naman ito.

Ngunit napatigil sya. Nawala ang kalasingan nya nang may maalala sya.

Matagal nang patay ang kanyang anak.

"papa" napalingon sya sa hagdan andun si Mimi maputlang nakatayo.

"papa" Napatingala sya sa taas at andun si Mimi

"papa" napatingin sya at nasa pintuan ng sala si Mimi

"papa" nanlaki ang mata nya nang maramdaman ang yakap nito sa kanyang beywang.

unedited

A/N: </3

Pls VOTE or COMMENT :)

Tindig-Balahibo (MyCompilationOfHorrorStories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon