~W~

3.1K 89 22
                                    

           

CHRIS

Natatawang napailing si Arlene pagkatapos kong tumanggi sa gusto niyang mangyari. Kahit gaano ko isiping para iyon sa kabutihan ni Kristoff ay hindi ko maatim na pumayag at maging sunod-sunuran nalang sa kahit anong gugustuhin niya. I'm actually doing her a favor, ayokong umasa lang siya sa wala.

Ilang saglit pa ay halo-halong emosyon na ang mababakas sa mga mata niya.

"Why? Bakit...bakit ba hindi pwede? Bakit?" naguguluhang tanong niya sa'kin.

Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong niya. Ayoko lang na maghisterya at mawalan na naman siya ng kontrol sa sarili niya kapag sinagot ko ang tanong niya.

"Why can't you answer me, huh? Ikaw 'tong gustong gusto maging maayos ang buhay ni Kristoff pero hindi mo naman siya kayang bigyan ng kompletong pamilya! " Tumaas na naman ang boses niya. Ang mga mata niya ay namumula sa galit.

Ipinilig ko ang ulo ko. Siguro nga tama siya...pero sapat na ba na bigyan namin siya ng kompletong pamilya kung wala naman talaga akong pagmamahal para sa ina niya?

"Ano ba!? Magsalita ka! Sumagot ka!" lumapit sa akin si Arlene at pinaghahampas ang dibdib ko. Hinayaan ko lang siya hanggang sa siya na mismo ang mapagod at sumuko.

"M-Mahal mo parin ba si Melissa? Iyon ba ang dahilan?" humihikbing tanong niya habang matalim ang tingin niya sa wedding ring na suot ko.

"A-Arlene—"

"Bullshit!" mura niya. "So mahal mo parin siya?" nanginginig ang labi niya habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata niya.

I could sense fear and loneliness in her eyes but I can't comfort her with damn lies.

"Yes...I still love her." matatag ang boses kong sagot sa kanya.

Mas lalong bumuhos ang mga luha niya. "B-Bakit? Ano bang meron sa kanya? Niloko ka niya, diba? May sarili na din siyang pamilya pero bakit siya parin?"

"Arlene, hindi 'yan ang pinag-uusapan natin. Ang sitwasyon mo—" sinubukan kong ilihis ang usapan pero ayaw niyang paawat.

"Hindi ako ang problema dito! Kundi ikaw! Si Melissa! Bakit hindi nalang kasi ako? Mahirap ba akong mahalin?" hagulhol niya.

My forehead creased. "Ano bang sinasabi mo, Arlene?" maang-maangang tanong ko kahit alam ko kung anong sinasabi niya.

"Mahal kita! Mahal pa rin kita, CJ!" pag-amin niya. Lumambot ang boses niya maging ang kanyang ekspresyon.

And again...I was being speechless. Just like before, I didn't know how to react to her confession. Our friendship was ruined before because of that and now the history just repeats itself.

"Mahal na mahal kita, CJ. Kaya kong gawin ang lahat para sa'yo. Kaya kong higitan ang pagmamahal at ng mga kayang gawin at ibigay sa'yo ni Melissa. Mamahalin kita ng higit pa sa sarili ko, mahalin mo lang ako." desperadong pakiusap niya.. Kinuha niya ang kamay ko at idinampi iyon sa kanyang pisngi habang ang kanyang mga mata ay nangungusap.

But I didn't hesitate to shook my head and took my hand away from her gripped. Nalaglag naman ang panga niya sa ginawa ko.

"Hindi, Arlene. You don't really love me...because to love someone, you need to love yourself first. Kailangan mo munang pahalagahan ang sarili mo." I reasoned out.

Mukhang hindi niya naintindihan ang nais kong ipabatid kaya muling nag-alab ang galit sa kanyang mga mata.

"Fuck your excuses!" she said with gritted teeth. "Sabihin mo nalang sa'kin kung anong pwede kong gawin para mahalin mo rin ako hindi ganito! You're saying shitty nonsense!" she impatiently said habang nagtatagis ang bagang niya.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon