21. Paasa

8K 234 11
                                    

Tulala ako sa salamin sa kwarto ko habang hawak ang pisngi ko. Ang bilis bilis pa din ng tibok ng puso ko ng makauwi ako sa bahay. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi.

The way Luther said his sorry to me? It made me confused. I mean-- pwede naman simpleng sorry lang diba? Hindi eh, pakiramdam ko lahat ng nangyari kanina ay planado. Pakiramdam ko may effort, may feelings.

Tsk. Umiling ako. I hate what he's doing.  He gave me hope na naiinlove na siya sa akin. And the thought that he's falling for me makes me lose my own sanity.

Naghiwalay kami right after his sorry without a word, he just left like an alien who teleported in his own planet. Pakiramdam ko nga ay nawala ako ng literal sa sarili. Natauhan lang ako ng magtilian ang mga tao. And then another embarrasing moment ng lumabas sa malaking screen ang mukha namin na magkaharap na nakalagay sa isang malaking puso. The photo of us was candid.

Nakatingin siya sa akin habang ako ay nakatulala sa harap niya! Jusko! Para akong ninja na dali daling lumabas ng mall. Nagsisi pa ako ng hindi ako nakakuha ng kopya ng picture!

"Ate," napasinghap ako ng biglang kumatok si Kristele. Dali dali akong pumasok sa cr para maghilamos. Ang sobrang bilis ng tibok ng puso ay hindi manlang nabawasan.

"Why?" Sagot ko pagbukas ng pinto. Tahimik si Kristele at halatang iritable ng pumasok sa loob ng kwarto ko. "Ano problema mo?" Natatawang sagot ko.

"Inutusan ako ni Mommy na dalin ito sa Starbucks jan sa Mega mall." Inilapag niya ang isang envelope sa kama ko at humiga siya ng padapa dito.

"Tapos?" Umupo ako sa gilid ng kama at nagsimulang magsuklay. Kakainis naman si Kristele! Akala ko naman kung ano na, nasira tuloy ang mga thoughts ko kay Luther. "Duh! Can't you see how I look now? I'm so exhausted." Salita niya habang nakadapa pa din. Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Iniisip ko kung pagod ba talaga siya. Minsan kasi magaling magpanggap si Kristele. Lalo na kapag ayaw niya ang gagawin niya.

"Wag kang magdrama Kristele. Dalin mo yan at baka magwala na naman ang nanay mo." Masungit na sabi ko. Napabalikwas si Kristele mula sa pagkakahiga. "Nanay natin-- ate naman, pagod na pagod ako kaka-aral. Babyahe pa ako pa Mega mall.. maawa ka naman.."

Lalong nanliit ang mga mata ko. "Napagod ka kaka-aral o napagod kaka-online shop?"

"Is that what you think of me? Nag-aral ako noh." Umirap siya kaya napangiti ako ng bahagya. Nagsisinungaling siya!

"Promise?" Tanong ko. Sunod sunod ang pagtango ni Kristele.

"Okay, kung talagang nag-aral ka tatanungin kita. Kapag nasagot the  I'll bring that to mom."

"Okay," nawala ng bahagya ang ngiti ni Kristele sabay kamot ng ulo.

"What part of the body system connected to veins--" agad akong napahinto ng sumigaw si Kristele.

"Tama na ate ako na nga lang.." ngumuso siya kaya napahaglapak ako ng tawa. Sabi na e! Sinungaling tong bata na'to.

"Grabe ka, pinapahinga ko nga ang utak ko dahil over used ko na.."

Tatalikod na sana siya ng natatawa akong hilahin siya. "Ako na nga."

Nagningning ang mga ni Kristele sa akin sabay bitaw sa kamay ko ng envelope at nagmamadaling tumakbo. Ay.. grabe siya, akala ko pagod siya? Kakainis! Nauto na naman niya ako.

So ayun wala akong nagawa dahil ako na magdadala kay Mommy. Pagdating ko sa Mega mall ay madami pa din tao. Alas sais palang naman kasi ng gabi kaya mas doble ang mga nagdedate ngaun. Pumunta ako sa Starbucks kung saan sinabi ni Kristele. I roamed my eyes at agad ko naman nahanap si Mommy.

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon