CHAPTER FORTY TWO
DA'S POV
"Ano bang nangyayare huh?!!" alalang tanong ni Kimber na nakasakay sa kotse ko ngayon at kasunod si Gian.
"Hindi ko alam Kimber, pero alam ni EJ na kalaban niya ang tumira sa kanya" sabi ko sa kanya na todo na rin ang pag-aalala kay Kimber.
Nakita kong napahawak sa noo si Kimber "Wag kang mag-alala, everything's gonna be alright" sabi ko sa kanya.
Pagkarating namin ay nakita naming nakaupo na si Gian sa labas "Asan si EJ?" tanong ni Kimber dito.
Tinuro lang ni Gian ang isang room na katapat nya, "Umupo nalang kayo" sabi ni Gian sa amin.
Nakaupo lang kami ng biglang dumating ang isang babaeng matanda at isang babaeng anak niya ata.
"Where's EJ?" tanong nung babae "Ginagamot na siya ng mga doktor" sabi ni Gian, napakunot naman ako ng noo, magkakilala sila??
"Ate siya ni EJ, nanay naman niya yun" bulong na sabi sa akin ni Kimber, napatungo naman ako sa kanya.
***
Ilang minuto ay lumabas na ang doctor "Doc, how's my daughter?" tanong ng nanay ni EJ "Oh so your the parent"
"Well she's unconscious but she's okay, buti nalang at maagang natanggal ang lason na pupunta sa puso niya na maaari nyang ikamatay" pagpapaliwanag ng doctor.
"P-Pwede na po ba namin syang makita Doc?" tanong nung kapatid ni EJ dun sa Doctor. Nakangiti namang tumango ang doktor.
Agad na pumasok kami kaagad sa loob ng kwarto, at nakita namin ang nakahigang si EJ na may bandage ang braso dahil sa tama ng sibat.
"What happened to you?" tanong ng nanay niya na hinahawakan pa ang kamay neto. "Mom.." tawag nung kapatid ni EJ.
"This are Heaven's friends.." H-Heaven??? Una EJ? Pangalawa Kinter "Tell me, what happened" tanong ng nanay nya sa amin.
Napatingin kaming tatlo sa isa't isa "Ma'am may hindi po taga-Harvard ang pumasok sa campus, nasa canteen po kami nung tamaan ng sibat si EJ"
"What?!! K-Kilala na ba kung sino ang pumasok?!" nag-aalalang tanong ng nanay niya "W-Wala pa po kaming balita Ma'am"
Napasinghap naman ang nanay nya "I think it's one of her enemy Mom" sabi ng kapatid niya habang nakatingin sa natutulog na si EJ.
"Mga nakaraang araw may naririnig ako sa kwarto ni EJ..." napatingin kaming lahat dahil sa sinabi ng kapatid nya.
"O-One time narinig ko na may kasigawan si EJ sa kwarto niya, pinapaalis yun ni EJ..."
"Minsan nakikita kong may kausap siya sa phone, galit na galit sya"
"It's Cosmo" napatingin kaming lahat kay Gian, oo tama siya si Cosmo ang may kasalanan ng lahat.
"S-Sino naman yun?" tanong nung kapatid ni EJ "Kaaway ni EJ, gustong magpakasal ni Cosmo kay EJ para maging hari sa gangsters si Cosmo" sabi ko.
"A-Ano?!!" sigaw ng Mommy niya na halatang gulat-gulat sa sinabi ko "K-Kapag hindi pumayag si EJ, sasaktan niya kaming kaibigan niya pati rin ho kayo" sabi ni Kimber.
"K-Kilala na po namin ang totoong EJ" sabi ni Kimber "Inamin niya po nung kinidnapped po kami ni Cosmo" napayuko si Kimber dahil sa takot.
"Tapos na ba kayong mag-usap?" napatingin kaming lahat sa gising na si EJ, "Heaven!!" sigaw ng nanay niya at lumapit kaagad dito.
"Kamusta ang pakiramdam mo ah?! Ano may masakit ba huh?! Sabihin mo lang!" sabi ng Mommy nya "I'm okay Mom" malamig na sabi neto.
Bigla namang hinampas ng Mommy niya si EJ, "Ano ba kasing gusto mong mangyare huh!! Hindi mo ba alam na pinag-aalala mo kami!" sigaw niya, napangisi lang si EJ.
"Malakas ako okay, bala nga kaya kong saluhin pano kaya kung sibat" mayabang na sabi neto, "Argh!! Nakuha mo pang mag-yabang huh!" napangisi naman si EJ.
Nawala ang ngisi ni EJ ng madako ang paningin niya sa amin, naging seryoso ito "Mom, pwede bang lumabas muna kayo, kakausapin ko lang sila" seryoso nyang sabi.
Kahit labag sa kalooban ng Mommy niya ay tumango nalang ito. Nang makalabas sila ay dali daling tinanggal ni EJ ang mga nakakabit sa katawan nya.
"A-Anong ginagawa mo EJ?" naguguluhan na sabi ni Kimber kay EJ, tumayo naman si EJ at lumapit sa mga damit nya.
May kinuha ito sa bulsa ng palda niya at lumabas ang isang earpiece na hawak hawak niya.
Pinindot niya ang isang pulang button dun at sinuksok sa tenga nya.
Ilang minuto lang ay nagsalita si EJ "Jacob..." sabi nya at umupo sa hospital bed.
"I-Access mo ang mga CCTV sa canteen at tignan mo kung sino ang pumasok sa campus" seryosong sabi nya.
"Okay, pupunta ako dyan bukas" natapos ang usapan nila nung Jacob.
"M-May CCTV k-ka sa school?" nauutal na tanong ko sa kanya, tumango naman ito bilang sagot.
"Paano ka naman nakalagay ng CCTV doon?" tanong ni Gian "Maliliit lang yun, walang makakakita nun"
"Pwede ba kaming sumama sayo bukas?" tanong ni Kimber, napatingin naman si EJ dahil dun.
"Saan naman tayo pupunta?" malamig na tanong nya kay Kimber.
"K-Kung san ka mag-pupunta sasama kami" sabi ni Kimber.
"Delikado na ngayon Kimber" malamig na sabi ni EJ dito.
"Pero gu-"
"Wag ngayon Kimber, alam niyo naman na delikado dahil sa maya't maya binabantayan ako ni Cosmo...."
"Ako ang habol ni Cosmo, makikipaglaban ako sa kanya kung yun ang gusto niya"
Seryosong sabi ni EJ, nagulat ako ng biglang may lumabas na butterfly knife sa kamay neto.
Nilaro niya ito sa kamay nya "Paano kung may mangyare sayo? Paano kung may pahamak?" tanong ni Gian.
Nagulat kami dahil sa biglang pagpunta ng butterfly knife sa pader. Seryoso siyang tumingin sa amin.
"Kasama na ng demonyo ang salitang pahamak....."
"Kalaban ko si pahamak pero naniniwala ako na mananalo ang itinakdang manalo......"
"At ako yun"
END OF CHAPTER FORTY TWO
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AcciónCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?