Chapter 5: Welcome to Peritia Academy

5.1K 214 26
                                    

Chapter 5: Welcome to Peritia Academy

Freya's Point of View

"Syempre mortal ako, bakit kayo hindi?" sarkastiko kong sagot at inirapan sila.

Nagkatinginan silang dalawa at hindi ako sinagot. "Kung isa nga siyang mundane, imposibleng makita ng mga mata niya ang bahay na 'to," sabi ni Cliff at sinulyapan ako.

"Pero hindi imposibleng makita niya ang bahay na 'to kung hindi na gumagana ang glamour," tumango si Cliff sa sinabi ni Sab.

"Kailangan natin 'tong ipaalam kay Professor Fross."

Hampas lang ako nang hampas sa invisible wall, sumasakit na ang palad ko.

"Freya, hindi ka makakapasok dito dahil sa Wards. Dahil isa kang mortal, kailangan ka na naming iwan dito. Patawad, pero walang mortal ang pwedeng makapunta sa lugar na 'to."

Patuloy lang ako sa paghampas. "Wait! 'Wag niyo akong iwan dito!" sigaw ko dahil dahan-dahan na nilang sinarado ang pinto.

Isa akong ordinaryong tao kaya hindi ako makapasok dito. Iyon ang ibig nilang sabihin. Pero si Ada, nakita ko ang ginawa niya sa apoy. Hindi siya ordinaryong tao, kaya nakapasok siya nang walang kahirap-hirap.

Hindi pwede 'to. Naiiyak na ako habang patuloy parin sa paghampas. Napamahal na sa akin si Ada. Ako na ang pumoprotekta sa kanya. Hindi pupwedeng mawala ako sa tabi niya.

Sa paghampas ko'y may narinig ako. Tunog ito ng nabasag na salamin. Nakarinig ako ng paghulog ng mga bubog ng nabasag na salamin.

Sinubukan ko ulit hampasin ang invisible wall pero wala na akong maramdaman pa. Wala na akong mahawakang invisible wall.

Napalunok ako at hinawakan ang doorknob. Agad kong binuksan ang pinto kahit pa malakas ang pintig ng puso ko.

Nadatnan ko silang apat. Nakatayo at may mga tinging nagtataka.

"Pa'no ka nakapasok?" nagkatinginan ulit sila.

Hindi ko alam ang isasagot ko. "Ano... uhm nagbibiro lang ako. Binibiro ko lang kayo. Nakakapasok naman talaga ako, w-wala naman kasi talagang nakaharang," pagsisinungaling ko. Wala na akong ibang choice. Kailangan kong magsinungaling at baka pag nalaman nila na ordinaryong tao lang talaga ako, iiwan lang nila ako.

"Nakuha mo pang magbiro, isara mo na 'yang pinto," nakangiting saad ni Sab.

I pushed shut the door. Tsaka ako lumapit sa kanila.

"Sabi ko sa'yo eh, hindi siya isang mundane. Dahil kung mundane nga siya, hindi niya makikita ang bahay," magiliw na dagdag ni Cliff.

"Oo na Cliff," tinatamad na sagot ni Sab. Nahuli ko pa si Sab na makahulugang napatitig sakin,  yumuko na lamang ako.

Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto. Kagaya sa labas, binabalutan din ng mga spiderweb ang kisame pati na rin ang ding-ding.

Walang makikitang kahit upuan man lang sa paligid. Masyadong empty ang kwartong ito.

At nakatayo lang kami doon, walang ginagawa. Nakatitig sila sa pinto. Hinayaan ko na lamang sila at tumunganga nalang din.

Tinignan ni Sab ang kanyang wristwatch. Na ngayon ko lang napansin. Kinapa ko ang aking bulsa at nabuhayan ako nang malaman na nasa bulsa ko parin ang cellphone ko.

"Nandito na tayo," lumingon si Cliff at ngumiti. Kinuyom niya ang kanyang palad at naglaho ang kulay blue na bola. Noong una ay may naiwan pang asul na usok hanggang sa unti-unti itong nawala.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon