Pasukan nanaman.
Tapos na yung maliligayang araw ko dahil tapos na ang Christmas vacation.
Balik nanaman sa nakakastress kong buhay. Homeworks, essays, recitations, reports, projects, accomplishment reports. Nakakasawa na. Konting tiis nalang makakagraduate din ako.
By the way, I'm Prian Castellejo. Graduating student of Saint Thomas Academy. A student council officer. Senior scout of the GSP. Member of the Chemistry, Math wizards, Debate Team, English and Advance Physics club. Active talaga ako sa mga extra curricular activities.
Dahil first day pa lang naman galing vacation wala pang masyadong ginagawa , well except sa English siyempre nandun nanaman yung walang katapusang My-New-Year's-Resolution and What-Did-I-Do-In-My-Christmas-Vacation essays.
Tapos na ako sa essay ko kaya naman nagsspace out na ako. Mabilis ko lang natapos, nothing much happened in my christmas vacation, tumambay lang ako sa bahay. Di naman kasi ako mahilig gumala.
"So class pass your papers and you may now evaporate " Mr. Samson said.
"Prian, kain na tayo. Nagugutom na ako dinugo utak ko sa English" Ella said then pouted
Hindi ko siya pinansin nakatingin lang ako sa bintana habang hinhintay ko siyang dumaan. Naramdaman ko nalang na may biglang bumatok sa akin.
"Hey! " I exclaimed. "What's that for?!" I said as I glared at her.
"Tss. kanina pa siya dumaan. Kaya kumain na tayo" Ella.
"Talaga? Bakit di niyo sinabi?! Kaibigan ko ba talaga kayo?! Alam niyo namang tatlong linggo ko siyang hindi nakita eh" I frowned.
"Sus. Ang drama mo girl. Dito rin naman yan dadaan pagkatapos niyang bumili ng pagkain. Wag ka ngang OA " Jam.
Well, may point nga naman sila. Bago kasi makapunta ng canteen eh madadaanan talaga yung room namin. Sama-sama kasi yung mga room ng fourth years at dahil saction A kami, unang madadaanan yung room namin.
"Sige na nga kain na tayo "
Okay.Okay. I think nalilito na kayo, sino bang pinag-uusapan namin. Well, Walang iba kung hindi si Keno Aguilar! Ang Lovebabe ko. Chos. Describe Keno Aguilar ? Hmm. Cute, matangkad , mabait ( sabi nila , hindi ko pa naman kasi siya nakakasama noh , nakausap ko na siya pero once lang and saglit lang yon) , gentleman , friendly and he has that cutest smile ever. *blushes*
Since first year crush ko na siya nakasabay ko kasi siya sa accounting non and nagkapalit kami ng receipt so hinabol niya ako and he said "Miss, nagkapalit yata tayo ng receipt " and made that cutest smile that can make you go to cloud 9 ( By the way, yun pala yung sinasabi kong nakausap ko siya :"""> ) tagal na noh , but it's one of my most unforgettable moment , siyempre dun ako nagka'crush at first sight' sakanya. HOHO. Sige ako na , ako ng loyal. Eh siya talaga ang laman ng puso ko .
Tama na cheesy na masyado =.=
Lhea gave me a spank AGAIN.That made me go back to reality.
I glared at her.
"Ya! Nakakarami ka na ! "
She just rolled her eyes. psh.
"Ayan na yung lovebabe mo" Lhea.
"Asan? asan?" I said habang hinahampas siya.
"Ayun oh!" She said then pointed to where Keno is.
BINABASA MO ANG
Just Another Story
Teen FictionNever deny you like someone, because you might don't know, he likes you too.