Tina's POV
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Hingal na hingal na pumasok ang mga kasambahay namin sa room ko dahil sa pagsigaw kong yun.
"Anong nangyari sa'yo, iha?" agad na tanong ni Manang Consia. Sya ang mayordoma ng bahay. Bata pa lang ako ay katulong na namin sya.
"Yung pink brush ko! I just left it on my table. And as I came back, nawala na!" maarteng sagot ko.
I glared at our other kasambahays, "Who among you entered my room?!"
"W-wala pong pumapasok na kahit sinong tao sa kwarto nyo, Senyorita." sagot ni Laida-ang aming cook. Sya ang pinaka-maliit sa lahat.
Tinaasan ko sya ng kilay, "So I'm no longer a human being in your eyes, is that what you mean?"
"H-hindi po ganun ang ibig kong sabihin." napayuko sya.
"You and you!" turo ko kay Rina at Sabel. Sila ang in-charge sa paglilinis ng mansyon at labada.
"H-hindi pa po ako nakakapasok dito sa kwarto niyo, Senyorita." kabadong sagot ni Sabel. Sya ang reyna ng kapalpakan sa lahat ng mga katulong. -___- Abangan nyo na lang sa next chapters kung bakit.
"Hindi ka pa nakakapasok? So, what are you doing here?" pasuplada kong tanong sa kanya.
Tiningnan ko naman si Rina, "How about you? Ikaw ba ang kumuha ng brush ko?" Sya ang hindi palakibo sa kanilang lahat. Malimit ay maikling sentences lang ang nafo-formulate nito tuwing may diskusyon sa bahay.
"Hindi po." See? I told you.
I rolled my eyes heavenward as I look at Samuel. Siya ang driver namin.
"Mas lalong hindi po ako ang kumuha, Senyorita." sabi nya.
"Bakit, tinatanong ko ba?"
Hays! Hindi naman mukhang bakla ang isang ito. Kaya malamang ay hindi nga sya ang kumuha.
DEYM! Favorite ko pa naman ang pink brush ko na yun eh.
"Baka kung saan mo lang nailagay yun, Tina." sabi ni Manang Consia.
I pout, "That's impossible, Manang. I'm still young so I'm not yet ulyanin."
Maliban kay Daddy, si Manang Consia lang ang nirerespeto ko sa bahay. Aside from the fact na sya ang pinaka-matanda sa amin, sya ang naging personal yaya ko nung bata pa ako kaya malapit ako sa kanya.
"Pabayaan mo na. Bibili na lang ako ng bago." sabi nya.
May magagawa pa ba ako? Alangan namang iyakan ko yun?
Lumabas na silang lahat. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba at dumiretso sa garden. Ito kasi ang only place kung saan ako nakakapag-relax.
Umupo ako sa bench na nandun. Ngayon ko lang nahalata, medyo mataas na pala ang mga damo na nakapalibot sa halaman. Mukhang malalanta na din ang mga bulaklak dahil hindi nadidiligan.
Grr! -____- Pinaghirapan tong pagandahin ni Mommy nung buhay pa sya kaya hindi ako makapapayag na masira ito.
Ibinuhos ko ang inis ko sa pagkawala ng brush ko sa pamamagitan ng pagbunot ng mga unwanted weeds. It was so nakakadiri pa naman doing this thing pero para naman to sa pinaghirapan ni Mommy, kaya go lang ako.
*bunot*
*bunot*
Hay naku! I hate these objects! Sinisira nila ang garden ng Mommy ko! Sabi ni Daddy, he already hired a hardinero yesterday. Eh bakit hanggang ngayon, ni anino nun hindi ko pa nakikita?
BINABASA MO ANG
When Malditang Amo Meets Pilosopong Hardinero
Teen FictionMabait, mapagkumbaba, matulungin, mahinhin.. yan ang mga katangian na WALA kay Tina. Ayaw nyang pinapakailaman. Ayaw nyang pinangungunahan. Ayaw nyang matalbugan nino man. She can have whatever she wants. She treats everyone as her slave. She's wic...