OPERATION 3

797 27 0
                                    

-Wonwoo as Luke Evans, He's on the media section ❤

Chapter 3:

Three week has past when me and Avy since we last talked. Simula nung umamin siya sa akin na sila na ni Blake ay dun na din kami nawalan ng connection sa isa't-isa.

Miski sa bahay ay hindi niya din ako pinapansin. Hindi pa napapansin nila kuya at ng mommy at daddy namin, na hindi kami nag iimikan at nagpapansinan ni Avy. That's good thing kasi ayaw ko din mag explain para sa side ni Avy kung bakit ganon ang treatment namin sa isa't-isa.

And I know pati sa school hindi niya ako papansinin, pero laking gulat ko na pati din sila Charlie, Ferdie at Veronica ay hindi din niya pinapansin. So I tried to talk to her, but everytime I'm calling her name she's walking away immediately.

Ayaw niya talaga akong makausap and she's trying her best just to avoid me. Sige lang Avy ituloy mo lang yang ginagawa mo.

Ngayon ay na sa tambayan kami sa gazebo. Si Kevin naman ay hindi pa rin sa amin sumasama simula nung mabroken siya kay Blake. Siguro dinamdam talaga ni bading ang nangyari sa kaniya. I feel guilt dahil hindi namin siya dinamayan at kinomfort manlang. Nakakamiss silang kasama. Namimiss ko yung solid naming tawanan at uratan. Sana maging maayos na ang lahat at bumalik na kami sa dati.

"Ano na kayang nangyari kay Kevin? Namimiss ko na ang kalandian niya." Pag basag ni Ferdie sa katahimikan.

"Nagsalita ang hindi malandi." Monotonous na imik ni Charlie.

"Wag mo nga akong simulan Charlie. Mabibigwasan kita na ikamamatay mo maniwala ka."

"Magtigil nga kayong dalawa diyan! Ako bibigwas sa inyo e." pag-awat ni Veronica sa dalawa.

"Uhmm... Excuse me po kay Ash?"

Napalingon naman kami sa nagsalita. Nakita naming hingal na hingal ang isang babae na nakahawak sa kaniyang tuhod at nakayuko pa ito.

"Bakit? Anong kailangan mo kay Ash? At sino ka ha! Sino nag-padala sayo dito at-- ARAYYYYYYY!" Binatukan ko si Ferdie dahil napaka OA ng reaksyon niya.

"Bakit mo ako binatukan bakla ka!?" Reklamo nito.

"Ang OA mo kasi! At ang sakit mo pa sa tenga." 'Sabay irapan ko sakanya.

Tumayo naman ng maayos yung babae at tinignan ako ng diresto.

"Si Avy po kasi umiiyak sa quadrangle dahil nakipaghiwalay si Blake sa kaniya." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Kaya naman walang ano-ano ay agad akong tumakbo papunta sa quadrangle.

"Andiyan na ako sis..."

Nang makarating kami sa guadrangle ay napakalinis naman dito at walang katao-tao, kaya tinignan ko yung babaeng nagsabi na nandito daw si Avy.

"Akala ko ba nandito si Avy!?"

"Sure po ako nandito lang siya kanina eh!" Natataranta niyang tugon at nagpalinga linga siya sa paligid.

"Nantri-trip ka lang ata eh!" Sabi ni Ferdie na naglalakad palapit sa batang babae na tumawag samin, habang pinapatunog niya ang mga daliri niya.

"Ay h-h-hindi po! Totoo po ang sinasabi ko! Nandito lang po siya kanina."

"Ash!?" Narinig ko ang boses ni Avy sa likod kaya lumingon kami sa kaniya.

Niyakap ako bigla ni Avy ng mahigpit at humagulgol siya sa akin.

"Shhhh. Wag ka ng umiyak andito na ako sis." Hinagod ko naman ang likod niya para tumahan siya.

"Dapat nakinig na lang talaga ako sayo. Ang sakit ash! Ang sakit-sakit! I thought iba ako sa ibang naging girlfriend niya, but I was wrong." Humagulgol niyang bulalas. Agad namin siyang niyakap at inalo.

Operation: Seducing Mr. HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon