Jaldix's POV
Ako nga pala sa Jaldriz Mabini! Hindi ko alam kung sino o ano ba talaga ako! Basta ang alam ko ay nag-bago ang buhay ko simula nung pumasok ako dito.
~Flashback~
Kasalukuyan akong nag-gagala kasama ang mga kapat ko na sina Clyde, Jaldren, Noah, Caren, Joshua, Aean at Yuan. Kasama rin ang kaibigan ko na si Patrick. Pati narin ang girlfriend ko na si Lorraine.
"Bal! Saan tayo ngayon?" Tanong ng kambal ko na si Jaldren. Nag-kibit-balikat nalang ako dahil wala akong maisip na lugar.
Nag-lakad nalang kami ulit. Bahala na kung saan kami mapadpad basta magkakasama kaming lahat pwede na.
Napahinto ako sa pag-lalakad nung nabunggo ako sa likod ni Kuya Noah. Hinaplos ko ang ulo ko bago i-angat ang tingin. Nakita ko siyang parang manghang-mangha sa isang bagay.
Hinawi ko siya at may nakita akong isang pintuan. Mukhang parang biro lang dahil nasa gitna siya ng dinadaanan namin. Nag lakad ako ng diretso at nung lalagpasan ko na ang pinto ay nauntog ako.
Parang may force field. Pinilit kong makadaan pero ayaw parin. Namumula na siguro ang noo ko dahil sa ilang beses kong pag-bunggo sa pintuan.
"Pasok kaya tayo." Suggest ni Joshua kaya nag-tanguan naman ang lahat nagsi-lapitan sa pinto. Hinawakan nila ang doorknob at isa-isa pumasok sa loob.
Naiwanan naman ako dito sa labas ng pinto. Uuwe nalang ako, isip ko pero nung aalis ako bigla namang may humila saakin kaya bigla akong napapasok sa loob nung pinto.
Pagka-pasok ko sa loob ay nabighani ako. Napaka-ganda ng lugar pero hindi naayon sa panahon ngayon. Nagulat na lang ako nung biglang sumarado ang pinto.
Nagulat ulit ako nung may humawak sa kamay ko. Hindi ko kilala yung Babae kaya tinitigan ko lang siya.
"Kamahalan! Tara na po! Kanina pa kayo hinahanap ng mahal na Hari!" Sabi nung Babae kaya nanlaki ang dilat ng mata ko.
"Tara na po!" Sabi niya sabay hila saakin papunta sa isang lugar. Binalikan ko ng tingin ang pinto at wala na yung pinto.
~End of Flashback~
I knew it. Once I come here I won't be back.
BINABASA MO ANG
Back In Time
Historical FictionJaldrix Mabini... Siya ay isang Normal na lalaki na galing sa NOW time... Kasama ang mga Kaibigan,Kapatid at Girlfriend niya ay may biglang nangyari... Sa hindi inaasahan... Sa kanila na nag-tatapos ang lahat... Ang kanilang lahi... Mapuputol dahil...