Your Voice is my Music

27 1 0
                                    

May mga bagay talagang bumubuo at nagpapasaya ng araw natin, ano ang sayo?

Nakikita ko ang sarili ko sa kalsada at naghihintay ng bus. Medyo dumidilim na rin ang kalangitan ng tingnan ko. Katatapos ko lang sa group study namin base sa mga nagkakapalang librong dala ko dahil kadalasan naman tuwing may dala akong mga libro eh kagagaling ko lang sa bahay ng isa kong classmate para magaral.

Habang naghihintay, nakatingala ang sarili ko may tumigil na bus sa harapan ko. Pagbaba ng mga pasahero ay umakyat na rin ang sarili ko, at hindi ko inaasahang marami akong taong makikita kahit pa may bumaba kanina.

Naghanap ako ng mauupuan at meron naman sa kaliwa na hindi kalayuan sa pintuan ng bus. Pumunta na ako doon at naupo. Ngayon ko lang napagtantong babae ang katabi ko.

May kahabaan ang buhok, nakatagilid sa bintana at nakaheadphone? Hindi ko masyado maaninag dahil nahaharangan ng buhok niya ang kanyang taenga.

"Miss?"

Tawag pansin ko sa kanya, nalaglag kasi yung panyo niya pero hindi lumilingon siguro ay dahil sa gamit niya talaga ang headphone.

"Miss nalaglag po yung panyo niyo."

Sabi ko pa, at pagkatapos non ay bigla niyang inayos ang pagkakaupo niya pero hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya, maramdaman niyang may taong nakatingin sa kanya ay unti unti na siyang humaharap sa direksyon ko--

"Andrei! Anong oras na ha?! Kumilos kana! Hindi ba't ngayon ang byahe niyo? Camp tour iyon di ba?"

"Hindi ko nakita yung babae!"

"Anong baba--anak ng! Andrei bumangon ka na!"

Sinong sumisigaw? Bakit ang ingay?

"Andrei ikaw bata ka gumising ka na! O baka gusto mo buhusan pa kita ng malamig na tubig diyan sa higaan mo?!"

Si mama ba iyon? Lintek yung camp tour!

"Hala ma! Anong oras na?" Ngayon ko lang naalala ngayon pala ang camp tour! Baka malate ako sa sasakyan namin! Ahh! Andrei naman!

"Alas nuebe na ng umaga tulog ka pa rin! Oh ayan, nagmamadali ka ngayon. Tigas ng ulo ng batang ito, oo!"

Sigaw niya. Daglian akong bumangon dahil 9:30am ang call time namin. Dumiretso na agad ako sa banyo at naligo. Buti na lang natapos kong magimapake kagabi dahil kung hindi ay maiiwan na talaga ako, ayaw pa naman sa lahat ng prof. namin yung nalalate.

"Ma alis na po ako doon na lang ako kakain."

Paglabas ko ng kwarto at sinalubong siya ng halik sa pisngi.

"Magtxt ka! Kumain ka pagdating mo doon! Malilintikan ka saking bata ka pag hindi ka kumain, magiingat rin doon! Ang hilig kasing magpuyat diyos ko!"

"Opo."

Dirediretso na ako sa kalsada at humanap ng taxi'ng masasakyan.

***

"Mr. Falcon you're 5 minutes late, alam mo namang sa lahat ng ayaw ko ay late! Ikaw na lang hinihintay 19356 ang bus number natin and get in!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon