CHAPTER 42: Princess not Princess Nerd

150 2 0
                                    

"Hay. Monday na naman." nakapikit na sabi ko at uminat. Tinanggal ko na rin ang aking morning glory at pagkamulat ko...

"Goodmorning."

"Ay monday na epal!" napabangon ako at lumayo sa kanya ng konti. "Anong ginagawa mo dito?!" gulat na gulat na tanong ko.

Sa halip na sagutin nya ako, tumayo siya at nagpamulsa.

"Buti naman at hindi mo hinahanap ang nerdy glasses mo, pinatago ko na sa mama mo yun. Magayos ka na at sa school na lang tayo magbreakfast. Hihintayin na lang kita sa baba." atsaka siya umalis ng room ko. What the hell is that?! Nanaginip ba ako? Err.

Wala na akong nagawa kundi magayos na. After 30 minutes, ayos na ayos na ako. Dati 10 or 15 minutes lang ay ayos na ayos na ako pero ngayon ibang iba na.

Humarap ako sa body mirror.

Ito na talaga. Hoo! Inhale. Exhale. May maayos na uniform, yes. Hindi na katulad ng dati na maluwang na blouse at mahabang palda, ngayon tamang-tama lang sa akin, binili kasi ako ni mama. Yung dating hindi nakasuklay at nakaipit na dalawang pababa, ngayon ay nakalugay na ang mahaba kong buhok at syempre nakasuklay na din. Wala na din akong nerdy glasses. Naglolotion na din ako, nagpupulbo, at naglipgloss ng kaunti. Pero syempre flat shoes pa din ang suot ko hehe.

Ano kayang magiging reaksyon nila no? Tatawagin pa din kaya nila akong ugly nerd? Nerdy girl? Hm siguro si epal ganun pa din ang ---- HALA! Oo nga pala nandyan si epal at naghihintay sa akin. Sht! Sht! Patay na naman ako dun.

Kaya dali-dali kong kinuha ang backpack ko. Bago ulit ako lumabas tiningnan ko ng madali ang sarili ko sa salamin and then smile.

"Epaaaal!" sigaw ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Nakita ko naman si epal at kausap si kuya. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila ah. Hindi niya narinig ang sigaw ko, hindi man lang lumingon eh.

Naalala ko tuloy bigla ang sinabi ni kuya kagabi pero mabilis ko yun binura sa isip ko. Ugh. Not now Princess.

Pumunta na lang muna ako sa kitchen kung saan nagbebreakfast sila mama, papasok na din kasi sila for work.

"Goodmorning Mom." "Goodmorning Dad." kumuha ako ng isang bread.

"Goodmorning our Princess." nakangiting sagot nila.

"Ang ganda mo talaga anak." puri ni mama.

Ngumiti na lang ako. Ang sarap pala sa pakiramdam pag sinasabihan ka ng maganda no? Specially your parents.

"Nerdy girl! Woah." see? Nerdy girl pa din. Tsk tsk.

"Teka, ikaw ba talaga yang girlfriend ko? Princess Ann Ramirez?" hinawakan niya ang dalawa kong braso at pinaharap sa kanya.

"Tss. Tara na nga. Alis na po kami." nauna na akong lumabas, narinig ko pa kasi siya nagpapaalam. Aish! Hinampas-hampas ko ng mahina ang ulo ko. "No. Ano ba Princess! Huwag ka nga agad kiligin." nakakainis. Nakakainis talaga ang epal na yun napakalakas ng mood swings ugh.

Pagdating naming school, as usual pinagtitinginan na naman kami. Ikaw ba naman kasama at kaholding hands ang isa sa minamahal nila sa Prince 3? Sinong hindi maiinis? Tss.

"Parang mali ata na pinaganda kita Princess Nerd ah." tiningnan ko siya ng masama. "Sabi ko nga, maganda ka na." and he pinch my nose. Hindi naman kasi yun e bat kasi Princess Nerd pa din tawag sakin ng lalaking to, wala na naman akong salamin at hindi na naman pangmanang suot ko. Ays. Pangasar talaga siya!

"Ohemg! Sino yang maganda na kasama ni Papable Chad?"

"Akala ko ba sila na nung nerd?"

"Bago na naman kaya ni Prince Chad yan?"

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon