15

56 2 0
                                    

[Jong In]

Siguro nga hindi talaga totoo ang "First Love never Dies." Hindi naman natin masasabi kung kailan darating at mawawala ang mga mahal natin. Pero dapat siguro maging masaya na lang ako kung masaya na siya sa piling ng iba.

"Yah!!! Kai!!!! Kai!!!!" sigaw ni Tao.

"Nakikinig ako. Di mo naman kailangan sumigaw." sagot ko

"Ah talaga lang ah! Ano ba ang pinaguusapan natin?" tanong ni Baekhyun.

"Ah..... uhmm....." Ano nga ba ang pinag-uusapan nila? Bakit ba kasi lumilipad ang isip ko e?

"Intindihin niyo na lang si Kai. Simula nang dumating yung Bryce na iyon sa klase natin, di na sumasama sa atin si YeonJi. Dahilan kaya palagi siyang wala sa sarili." sabi ni Chanyeol

"Ganyan talaga pag nagseselos." sabi ni DO.

"Huh?! Ako?! Nagseselos?! Hindi ah!!! Bakit naman ako magseselos doon?" sagot ko.

"Paano mo naman nasabi na ganyan talaga pag nagseselos, DO? Malay mo naman ay namimiss lang niya. Tsaka di hamak na masgwapo, masweet at mastalented si Kai kaysa sa lalaking iyon. " sabi ni Chen.

"Tsaka paano mo naman nalaman na pagseselos nga iyon? May pinagselosan ka na ba?" tanong ni Baekhyun.

"Oo! Nagseselos ako tuwing nakikita ko si Kai na kasama si Yeonji." sagot ni DO.

Lahat kami ay tumingin sa kanya. Ano? Nagseselos siya tuwing magkasama kami ni YeonJi? May gusto ba siya kay YeonJi?

"Ah, ang ibig sabihin ko..... uhmm.... kasi ..... diba.... ako yung palaging kasama ni Kai. E parang inaagaw na sa akin ni YeonJi si Kai. Nakakaselos kaya yun. Di ba Sehun?" paliwanag ni DO.

"Oo nga! Tama si DO. Di na nga ako nasasamahan ni Kai bumili ng bubble tea e." dagdag ni Sehun.

Sana nga totoo ang sinabi ni DO. Ayaw kong mauwi pa kaming magkaibigan sa away dahil parehas kami ng iniibig.

"Teka, e bakit ba kasi di na kayo nag-uusap ni YeonJi? Kaya napopormahan na siya ng ibang lalaki e." sabi ni Lay

"Maspinili ko na lang umiwas dahil sa nakikita ko ay masaya naman siya kahit wala ako sa tabi niya." sagot ko.

"Alam mo, naaalala ko pa nung panahong bago ka pa lang sa grupo. Ilang araw tayong nagensayo para makipagbati ka kay Yeonji. Sasayangin mo na lang ba yung pinagpaguran ng B.Wolves?" sabi ni Suho.

"Asan na kaya ang Kai na yun? At sa nakikita ko, malalim na ang pinagsamahan ni Yeon Jung at Jong In. Bakit dahil lang sa isang lalaking kulay blue ang buhok mawawala ang lahat?"dagdag ni Baekhyun.

Grabe di ako makapaniwala na sa kanila nanggagaling ang mga salitang ito. Ang akala ko talaga ay hindi sila marunong magseryoso.

"Tsaka, tignan mo naman yung itsura nung Bryce na iyon. Mukha siyang clown. Isipin mo kulay blue yung buhok. Nakakatawa kayang tignan. Mukha kayang mga ewan yung mga nagpapakulay ng buhok. Hindi naman bagay sa kanila. Si Luhan nga lang ata yung gwapo pa rin tignan kahit may kulay yung buhok." sabi ni Tao.

Binatukan siya ni Sehun.

"Aisst.... Masakit yun ah." reklamo ni Tao.

Humarap siya kay Sehun para gantihan ito ngunit hindi na niya tinuloy. Napatingin siya sa buhok ni Sehun at tsaka narealize na iba-iba nga pala ang kulay ng buhok nito.

"Ah, ang ibig sabihin ko..... maliban sa ating nandito, si Luhan lang ang gwapo ding tignan sa may kulay ang buhok. Tsaka sa iyo kaya may pinakamaraming humahabol na babae lalo nang nagpakulay ka ng ganyan." paliwanag ni Tao.

"Hay, tigil na nga iyan. Basta Kai, 'pag kailangan mo ng tulong para maibalik si YeonJi, nandito lang kami." sabi ni Suho.

"Sige. Pero sa ngayon, ako na lang muna ang mag-isang gagalaw." sabi ko.

Sigurado ako papauwi na si YeonJi. Kung aalis na ako ngayon, siguradong maabutan ko siyang naglalakad papauwi.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Lay.

"Ah, may kailangan lang akong gawin." sagot ko.

Iniwan ko na sila sa hospital kung saan nagpapagaling si DO. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang bahay ni Luhan. Wala atang tao. Bumalik na ba siya uli sa China? Wala na akong balita sa kanya.

Teka, si YeonJi nga pala ang pinunta ko dito. Asan na kaya siya? May namataan akong babaeng kakaliko lang sa kanto papunta sa amin. Si YeonJi ata iyon. Agad akong tumakbo para mahabol ko siya.

"YeonJ.......!!!!" Natigil ako sa pagtawag sa kanya. Totoo ba itong nakikita ko? Panaginip lang ata ang lahat. Hawak ni Bryce ang dalawang pisngi ni YeonJi at...... parang......... hinahalikan niya si YeonJi..... Hinahalikan niya si Yeonji!!!!

"Yah!!!" sigaw ko sabay hatak kay Bryce. Sinuntok ko siya sa pisngi.

"Jong In! Ano ba ang ginagawa mo!?" sigaw ni YeonJi. Bakit siya nagagalit sa akin? Huwag mo sabihin gusto din niya ang ginawa ni Bryce?

"Ah! Dude! What's your problem?" tanong ni Bryce.

"What's my problem? Anong ginagawa mo kay YeonJi?" sagot ko.

"Ah,.... I see..... nagseselos ka ba?" tanong ni Bryce.

"Ano?! Nagseselos?! Ako?!" sagot ko.

"Bakit ba ang init ng ulo mo Kai? Hinihipan lang ni Bryce yung mata ko kasi napuwing ako." paliwanag ni YeonJi.

"Ganun ba?" tanging nasabi ko. Kai, ba't ba kasi sumugod ka agad?

"Ano ba ang inakala mo? Hinahalikan niya ako?" tanong ni YeonJi.

"Ah,.... hindi ah....." sagot ko.

"Tsaka bakit ka naman niya hahalikan? Kayo na ba?" dagdag ko. Bakit ko tinanong yun? Masyado naman halatang nagseselos ako. Teka, wala naman akong dapat pagselosan, di ba?

"Hahahaha..... magkaibigan lang kami." sabi ni Bryce sabay akbay kay YeonJi. Sinasabi niyang magkaibigan lang sila pero parang iniisahan niya si YeonJi. Kung hindi siguro ako dumating ay paniguradong hinalikan nga niya si YeonJi. Wala talaga akong tiwala sa lalaking ito.

"Ganun ba? Uhmm.... YeonJi..... yayayain sana kitang kumain sa amin.... May bago kasi akong natutunan na recipe." aya ko.

"Wah..... kakaiba 'to a! Isang miyembro ng pinakakinakatakutang gang, nagluluto? Pwede ba akong sumama? Hindi pa kasi ako nakakatikim ng luto ng isang gangster." sabi ni Bryce.

Tinignan ko siya ng masama. Baka sakaling magbago ang isip. Pero, walang epekto.

"Syempre naman. Bilang kabayaran sa pagsuntok ko sa iyo. Pasensya na." sabi ko.

"YeonJi, tikman mo 'to. Sobrang sarap." sabi ni Bryce sabay subo kay YeonJi ng niluto ko. Ano bang problema ng lalaking ito? Inaasar ba talaga niya ako? Marami pa namang ganun sa plato ni Yeonji. Bakit kailangan pa niyang subuan siya?

Hanggang sa umalis sila ay hindi ko man lang nakausap si YeonJi. Ang tanging sinabi lang niya sa akin ay "Ang sarap ng luto mo." at "Namimiss ko na, na may nagluluto para sa akin." Pagkatapos ay biglang sisingit ang lalaking iyon at sinabi pa niyang mag-aaral siyang magluto para siya naman daw ang magluluto para kay YeonJi. Balak na ata talaga niyang tanggalin ako sa buhay ni YeonJi.

Back Away from Her! (엑소)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon