"Oh musta lakad??"
bungad agad ni Oshien kay Julian pagkapasok nito sa bahay.
"Cute ng apron mo ah? Uso pala yan sayo?" katatapos lang kasing magluto ni Oshien nang dumating siya kaya yun, nakasabit pa sa kanya yung apron.
"Yung tinatanong ko sagutin mo pakilamerong 'to."
Sagot naman nito sabay balik sa kusina. Tinanggal na rin niya yung apron tapos kinuha yung pagkain doon saka dinala sa dining area. Sumusunod nalang si Julian sa kanya.
"Anong klaseng asawa 'to. Pagpasok na pagpasok ko pa lang tanong na agad sa iba bungad. Walang pakialam sa'kin. Nakakatampo."
"Hoy Loko ka! Wag ka nga. Andami nitong arte."
"Cold. Teka Plue..diba diba? May ginagawa yung mag-asawa kapag sinasalubong nila yung each other?"
"Oh ano yon? Mapagbigyan ka lang. Bata."
"Diba? Nagbebeso sila diba diba?? Kiss pa nga yung iba eh. Answeet. Eh kaso.. Bakit ikaw hindi ganun nung dumating ako? Hindi ka sweet hindi ka sweet! Bakit? Asawa mo naman 'ko ah! Dapat ganun ka dapat ganun!" nabatukan na naman tuloy siya ng isa. Hindi rin kasi makulit!
"Ipukpok ko sayo 'tong sandok makita mo. Tumino ka nga Julian. Nagpapa-cute ka na naman."
"Oy di kaya, natural na yan! Ikaw ah.. Lihim ka palang na-cu-cute-an sakin!"
"Julian wag na makulet. Ang bangag mo na naman. Wala ka pang sinasagot sa tanong ko."
"On Monday punta kang school. Nakausap ko na si Ma'am Ninang, siya ang mag-aasist sayo since itinatakwil mo ko. Tampo tuloy ako. Amuhin mo 'ko bilis bilis!" Kulit ni Julian habang nagtutulungan sila sa pag-aayos ng lamesa.
"Yan. Kainin mo nang umamo ka. Amuhin ka diyan. Upo na."
"Walang lason 'to?"
"Wag ka na kaya kumain gusto mo?"
"Ay sooo. Sama, wala ka man lang sweet bones sa katawan mo."
"Hay nako nakakaloko ka rin eh. Pag ako napika tutusok ko 'tong tinidor dyan sa sweet bone mong kumag ka!" Winave-wave na lang ni Julian yung kamay niya saka sumubo ng lasagna. Yan hilig iluto ni Oshien, and at the same time, paborito rin ng pasyente niya. Umupo na rin siya pero hindi muna kumain. Pinanood niya muna kumain si Julian.
"Hindi po ako pagkain, wag mo ko titigan Plue." Sita ni Julian habang busy kumain. Ni hindi nga nag-abalang tingnan yung isa.
"Ganyan ka naman eh. Pag may kinakain walang pakialam."
"Uyyy..nagtatampo siya. Bakit? Ngayon ko lang 'di pinuri luto mo ah. Tsaka tatampo pa kaya ako!"
"Bwisit ka, hindi yon ang dahilan.. sarap mo kasi titigan kapag kumakain." Natigilan si Julian sa sinabi ni Oshien saka tumingin ng nakakaloko dito.
"Ikaw Plue hah. Siguro lagi mo 'ko pinagpapantasyahan habang kumakain noh?"
"Makapal ka talaga."
"Pshh. Alam kong gwapo ako pero wag naman wagas ang tingin. Pahalata pa. Ayokong matunaw."
"Eh di ko mapigilan eh. Kapag kasi nakikita kitang kumakain , di ko mpigilang matuwa. Lagi kong iniisip kung anong or anu-anong mga putahe yung pwede kong gawin sayo eh. Ang dami kasing pwede magawa sa katawan mo, yung laman mo pwedeng gilingin tapos ihalo sa lasagna, yung mga hita mo mo pwedeng patatim. Kaso ang payat kasi eh. Pwede na nga yan. Tapos yung sa laman–loob naman, yung bituka mo pwedeng iadobo yan! Kasama yung atay at balunbalunan. Oh di kaya dinuguan. Naku grabe nakakatuwa talaga! Di ako makapagdecide! Pataba ka lang Plue ha!"
BINABASA MO ANG
Let's Play! Husband and Wife!
RomanceI'm Bored "Let's play" "No idea." "Let's Sing" "Not interested" "Let's talk" "No topic" "Let's make" "No Thoughts" "I have" "Spill it" "You're bored?" "I am" "Go to church" "Then pray? " "And Marry Me Later."