Paparamdam na...Enrollment!

543 12 0
                                    

Maaga silang umalis ni Julian para magpunta nga ng school pero nang makarating ay naghiwalay na rin.

May iba pa daw kasing gagawin si Julian at makikipagkita naman si Oshien sa Ninang nila.

Tulad nga ng hinala ni Mrs. Floy, isang araw lang nilang nalakad ang mga kailangan ni Oshien para makapasok siya sa Feinville.

Matapos nilang tapusin yung requirements at makapag-enroll, nagstay muna si Oshien sa table ni Mrs. Floy.

“Welcome sa Feinville, Oshien. Sabi ko naman sayo, mabilis maayos ang papers mo. Hope mag-enjoy ka rito ha.”

“Siyempre naman po. Ahh, Ma’am thank you so much po talaga ha.”

“Pababayaan ba naman kita? Lagot naman na ‘ko kay MJ niyan. Speaking, hindi ka talaga sinamahan ng Pasaway ah.”

“Okay lang naman po eh, tsaka maganda na rin po yung hindi. Naku, hindi pa man ako  estudyante dito baka magkarecord na kaagad ako sa Guidance.”

“Mahilig maghanap ng sakit ng katawan eh. Don’t worry may sariling mundo yun dito kaya hindi ka na makukulit dito. Besides may usapan naman kayo eh.”

“Ewan ko lang kung matinong kausap yun, eh hindi nga marunong makipagkasundo  eh. Walang sinusunod na..”

“MA’AM N.I.N.A.N.G!!!”

Natampal na agad ni Oshien ang noo niya nang marinig ang sumigaw. Hindi pa man kasi siya tumitingin sa pinto since nakatalikod ang upuan niya roon, kilala na agad niya kung sinong dumating. Napailing-iling na lang din si Mrs. Floy.

“Sabi ko sa inyo Ma’am eh. Minsan ‘wag na nating pag-uusapan yan hah. Delikado tayo. ”

“Ma’am Ninang!” bati agad ni Julian sabay upo sa bakanteng upuan sa right side table ni Mrs. Floy. Dahil nasa left side si Oshien, magkaharapan sila ngayon. But he never look at her.

“Anong masamang hangin ang nagpapunta sayo rito? Hindi ba bawal kayong magkasama ni Oshien? Bakit ka nandito?”

“Ginagawa ko namang kunwari ‘di ko siya kilala eh. Don’t worry.” assurance ni Julian. Hindi pa rin siya tumitingin kay Oshien. Mahina lang ang usapan nila para hindi marinig ng ibang tao sa faculty. “Nga pala Ma’am, salamat po hah, tinulungan niyo si Oshien Deep...”

“Pasalamat ka’t hindi kita masasaktan ngayong ungas ka..” mumble ni Oshien sabay baling ng tingin sa papers niya.

“Oh thank you pala hah...tumira na kaya ako dito Ma’am? Para ‘di ako maabuse..”

Napapitlag sina Mrs. Floy at Julian nang naibagsak ni Oshien ang mga papers niya sa table. This time napatingin na si Julian sa kanya, ngumiti at nagwave pa ng kamay..

“Hi! Plue wag kang magwala dito. Mahal bayaran yan. Baka maisipan mo ‘kong ipambayad..”

Ang kapal talaga ng loko..Ano bang pwedeng aksidenteng ihampas sa ungas na ‘toh?” tumingin na rin si Oshien sa kaharap at gumanti ng ngiti. Super fake smile.

“Aww..nagbebenta ka ng PLASTIC de labo pang isang kilo?”

“Mamaya ka lang sa bahay ha. Promise ko sayo, ihahanda ko yung oven para mailuto kang kumag ka.Pinipika  mo na naman ako..”

“Ayos ah. Galing niyong magpanggap na ngayon lang nagkita.”

Pa’no naman kasi, nagpipikunan na silang dalawa eh kaya pa nilang ipalabas na first meeting palang nila iyon. “Kayo na mga artista. Sandali, ano ba talagang pinunta dito MJ?”

“Hmm..gusto ko lang ibigay sa inyo yung regalo ko. Kaso pilitin niyo muna ako!”

“Para ka talagang bata. Ano ba iyon?”

“Ano ba yan. Parehas kayo ni Asawa, walang ka-chweetan sa katawan. Pinagtataka ko lang, hindi naman matandang dalaga si Plue..”

“MJ!”

“JULIAN!”

Alert alert..

“Eto po oh..Token lang po yan para sa pagtulong niyo. Thank you Ma’am!” natakot kasi bigla si Julian sa mata nung dalawa eh.

Sabay ba namang pandilatan eh. Iniba tuloy agad niya yung usapan.

And there it goes, a cute smile.

Naibulong ni Oshien sa sarili habang nakaobserve lang sa kaharap.

Inabot naman ni Mrs. Floy yung binigay ni Julian.

“Baka ka-jokan na naman ‘to ah.”

“Di yan Ma’am, believe me, seryoso siya diyan.”

Maya-maya tumayo na rin si Oshien para magpaalam.

“Thanks Ma’am, hindi ako nahirapang makapasok dahil sa inyo. Aside nga rin po pala sa token ni Plue, heto rin po pala. Ayan lang po yung nakayanan ko eh. Homemade brownies. Salamat po sa lahat ha. Una na po ako sa inyo.”

“You don’t really have to do this. Pero nandito na eh. Thank you na rin.”

“Sige po.”

“Ingat sila sayo hah.”

Oshien glared at him deeply.

“Loko lang eh. Seryoso agad. Pasok ka muna sa bakery, dun sa nadaanan natin kanina. Hintayin mo ‘ko dun. Sabay tayo uuwi. Huwag kang pabida diyan ha.”

“Opo.. Bye po Ma’am.”

Nginitian uli niya yung Ninang nila. Nang malipat yung tingin niya kay Julian, inambahan niya sabay nguso.

 “Hirap pala magtago Ma’am noh?” Prenteng sabi ni Julian habang binabasa ang mga files ni Oshien.

“Akalain mong nahihirapan ka rin pala? Pero sa tingin ko mas mahirap yung sitwasyon ni Oshien.”

“Hirap naman kasi sa babaeng yun, palaging iba iniisip eh. Samantalang okay naman sa’king sabihing may asa.. Arayy Ma’am! Ba’t niyo ako binatukan?”

“Sigurado kang okay sayo hah? Alam mo namang..”

“Oo nga pala Ma’am hehe. Eh kahit na ba kasi..kaya ko yun i-handle. Hindi naman namin ginawa ‘to para mahirapan siya eh. And hindi ko hahayaan iyon.

“MJ, pano pala kung mangyari ‘yon? Na maipit na sa sitwasyon si Oshien? Pagtulungan siya?”

“Eh ibang usapan na yan. Magkalabasan na ng tinatago. Anak ng syete hindi ko siya pinakasalan para lang i-judge at pagkatuwaan ng iba. Ano sila sinuswerte? Ganda nun eh! Don’t ever blame me if something happened to them.. Kala nila, may resbak pa ‘ko.. wag sila epal.”

Napangiti na lang si Mrs. Floy kay Julian.

“MJ, matutuwa na sana ako sa reaction mo eh. Kung hindi lang nakapatong yang mga paa mo sa kabilang upuan na parang nasa bahay ka lang. Prenteng nakaupo at nagbabasa ng dyaryo.”

“Syempre Ma’am kailangan ganito ka lang sa buhay. Dapat cool ka. Cool!”

“Cool? Kamusta naman kaya yung mga nasa labas ng Faculty? Cool pa kaya sila?” paalala ng teacher niya sa kanya sabay turo sa labas.

Muntik pang malaglag si Julian sa kinauupuan niya nang maalala yung mga naghihintay sa kanya. Napatayo tuloy agad siya.

“Oh my Gosh Ma’am!”

“Bumabakla ka na naman.”

“Eh omg kasi talaga! Naku! Alis na po ako ha! Nalimutan ko pala sila! Patay ako. Sige Ma’am Ninang ba-bye na po. Salamat po hah!”

“Don’t forget, someone’s also waiting for you somewhere.”

“Copy!”

Yun lang at nagmamadali nang lumabas si Julian sa faculty. Siguradong maraming batok at kutos talaga ang premyo niya ngayong araw. Patay talaga.

cCRaYy...

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon