"Mukha ba akong nakikipagbiruan?"
Hindi ko mapalagay kung seryoso ba si Choa o talagang masyado siyang trying hard sa pananakot sa akin. Kasalukuyan kaming nasa byahe ng tren papunta sa bahay nila dahil ngayong araw na 'to. Babayaran ko na ang utang ko sa mama niya makalipas ang halos isang taon na rin.
"Ito na nga, di ba. Magbabayad na ako. Bawal ba akong magjoke kapag may utang ako sayo, ha?"
Pinanliitan niya ako ng mata at tumawang halatang sarkasmo "Ayan na. Nakakatawa na. Pero hindi pa rin mababawasan utang mo kaya wag mo akong daanin sa joke."
Mula sa pwesto ko na kaharap ang upuan niya, gusto ko siyang dambain at hilahin ang mata niya pero napakasama ko naman kung ganon. Kaibigan ko siya, dapat sa kanya pinagtitimpian at saka na lang sakalin kapag nasa mood na ako.
--✹
Hinala ko ang saktong 180 pesos na utang ko mula sa bulsa ko at saka inabot na nakangiti sa mama ni Choa. "Nako, iha. Nakakahiya naman sayo. Isang pirasong bangus lamang iyon.. Hindi mo na dapat bayaran."
Winawagay-way niya ang kamay na parang hindi niya talaga 'to matatanggap. Pero dahil napakaimpakta ni Choa, siya ang kumuha ng pera sa kamay ko at tsaka marahan niyang binigay sa mama.
"Ma, 'wag ka ng mahiya.. Kailangan mo ng perang pambili para sa akin di ba? Tanggapin mo na."
Huminga ako ng malalim habang nakangiti pa rin sa mama niya at pinigilan ang sarili ko. "Tita, pasenya na po at inabot ako ng isang taon. Ngayon na lang din po kasi ako nagka-extrang pera."
"Hindi ba't ikaw na lang ang namumuhay sa sarili mo, iha? Mas kinakailangan mo ang perang ito kaysa sa amin.. Kahit papaano ay kumikita ako sa pagbebenta ng bangus para kay Choa. "
"Ayos lang po talaga.. Marami pa naman po akong ipon." Kahit di totoo. Para mapagaan lang loob niya.
Tumayo si Choa mula sa kinauupuan niya at lumapit sa pwesto ko. "Ma, ihahatid ko muna si Hyejeong."
"Ha? Teka, hindi pa ako uuwi--" Hinila na ako ni Choa bago ko pa matapos ang sasabihin ko kaya wala na akong ibang choice kundi ang magpahila sa kanya.
Nakalabas na kami sa bahay nila pero hindi pa rin siya tumitigil sa paglalakad. At dahil hila hila niya ako, patuloy lang kaming naglalakad sa gilid ng daan. Kahit wala akong ideya kung saan talaga kami pupunta.
Nakakailang minuto na rin kami sa paglalakad kaya huminto na ako sa pwesto ko na siyang napahinto rin sa kanya sa paglalakad. Nakatalikod pa rin siya sa akin at kitang kita ko kung paano na yinuko ang ulo niya.
"Chows, ano ba. Kahit kailan ka talaga. Hindi pa ako nakakapagpaalam sa mama mo. Hihilahin mo ako bigla bigla ng di ko man alam saan pupuntahan natin.."
"Gago ka na ba talaga?" Tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa akin ng mangiyak-ngiyak ang mukha niya at ako naman is nabigla.
"Nakalimutan ko, bebe Hye.. Hindi ko man naisip na ikaw na lang pala. Tapos.. siningil pa kita. Hindi ko man naisip na pinaghihirapan mo yung pera tapos.." Nagsimula na siyang umiyak kaya tinakpan niya ang mukha niya.
"Drama mo." Tinawanan ko siya.
"It's okay, mah prend. Hindi 'yun labag sa loob ko. Uuwi na ako ah. Fix your face, please." Natawa naman siya ng konti.
Naglakad na ako patalikod kay Chows pero tinawag niya ako kaya tiningnan ko siya.
"PAKIBAYARAN DIN PALA YUNG PAMASAHE NATIN KANINA!"
Bago pa niya ako maabutan ay tumakbo na ako palayo.
--✹
Pasalampak akong umupo sa upuan ng tren. Sakto namang umaandar na ito paalis kaya wala sa sarili aking ngumiti na parang tanga.
11:48 PM.
Binabawi ko na ang ngiti ko. Baka hindi pa ako makapasok sa dorm nito. Wow, as in. Kingina. Ang saya naman. Ang swerte ko talaga ngayon. Sobra.
Sinalampak ko na lang ang earphones sa tenga ko at may ipe-play na sana ako ng kanta ng biglang may pangalan na lumitaw sa screen ng phone ko.
Budhi ng kasamaan calling..
Wala pa bang mas mamalas sa araw ko ngayon?
--✹
Uhm ew. HAHAHAHAHAHA. Idk anong ginawa ko. I'm sorry kung ganto. Hindi ko na alam sinusulat ko. Bastang ginawa ko na lang siya. Kung ano na lang ang pumasok sa utak ko, help me ㅠㅠ
BINABASA MO ANG
Microwave food
Krótkie Opowiadania[07/02/17 (12:31 A.M)] Dear day-ry, Ginabi na ako ng uwi sa dormitoryo dahil binayaran ko pa ang utang ko kay Choa na bangus nung isang taon. Hindi pa ako nakakain simula umagahan kaya pinigilan ko ang sarili kong hindi gastusin ang pera para ipamb...