CHAPTER 15

37 2 1
                                    

~~HIS POV

Sinusundan ko parin siya hanggang dito sa parking lot. Mukhang wala talaga siyang balak kausapin ako.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nakakainis hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Bahala na" - Sa isip ko

Binilsan ko ang lakad ko para maabutan siya at bigla kong hinawakan ang kamaya niya.

"Bitiwan mo nga ako"
- Pagpupumiglas niya

Mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sa kamay niya at nagtungo sa sasakyan ko.

"Bitiwan mo ako sabi. Hindi ako sasama sayo" - Galit na sigaw niya.

"Sasama ka sakin whether you like it or you like it" - Nakangisi kong saad at sininyasan ko siya pumasok sa kotse ko.

Nakakonot ang noo niya. Mukhang hindi niya gusto ang sinabi ko or baka hindi niya lang maintindihan

Ayok******

"Gusto mo bang buhatin pa kita?"
- Putol ko sa sasabihin niya and give her a cold look. Para malaman niyang hindi ako nagbibiro

"Fine! " - Galit na saad niya at pumasok na sa konste. Napangiti na lang ako sa itsura niya at pumunta na sa driver seat.

"Saan mo ba ako dadalhin?" - Tanong niya habang nasa biyahi kami. Nakataas pa ang isang kilay niya.

Sinulyapan ko siya at nginitian.

"Hindi ngiti ang gusto kong sagot" 
- Sigaw niyang saad. Kaya napatawa ako sa sinabi niya.

"Ang daldal mo rin no?"  - Nakangisi kong tanong

"Bahala ka" - Narinig kong bulong niya. Hindi na muling nagtanong

Ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay.

"Nandito na tayo" - sambit ko at tumingin sa katabi ko.

Kaya pala hindi na siya dumadaldal nakatulog na pala. Bumaba ako at pumunta sa pinto na sa tabi niya para buksan ito.

"Mukhang magbubuhat ako ngayon"
- Nakangiti kong bulong sa sarili ko

Binuhat ko nanga siya papunta sa kwarto ko.

"Kumakain pa ba ang babaeng ito?"
- Tanong ng isip ko.  Ang gaan kasi niya. Nagpasya akong hayaan na   muna siyang matulog.

Pinagmasdan ko lang siya sandali at lumabas na ng kuwarto.

~~~

WHETHER YOU LIKE IT OR YOU LIKE IT(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon