Sam's POV
This is completely an awkward situation right here... Parang kanina, inis na inis lang 'to si Yats kay Luke aa.. Anong nangyari dito? Is this a good thing or a bad one?
Pinagmamasdan ko rin yung mga muka nila Mia at Luke.. Ganoon din.. Nagtaka din sila kasi si Yats ngayon ang parang friendly enough to even acknowledge Luke in this situation, na namamaga pa yung mga mata niya sa pag-iyak kanina..
And to kill the awkward silence.. Sumagot na si Luke.. -- "Uy, Felix.." -- Nagbigay siya ng isang mapagkunwaring 'nagulat' look para hindi halata.. -- "Anong ginagawa mo dito?" -- Very much effective naman siya.. -- "Teka.. Magkakilala kayo?" -- Bet na bet ko yung muka ni Luke ngayon.. Natatawa ako kasi ang galing niya umarte na parang walang alam kahit konti.. Best Actor talaga..
Sumagot ako.. -- "Ah, papaliwanang ko nalang-- "" -- Pinigilan agad ako ni Yats.
"Ako nang magpapaliwanag." -- Sabay ngiti sa akin..
Si Mia naman, na tumabi sa akin, hindi rin makapaniwala sa nakikita niya.. Nagkatinginan kami at parang natatawa na hindi ko ma-explain.
Natutuwa naman ako, panoorin silang naguusap tungkol kung saan-saan.. Sa school, sa basketball, kasi pareho silang magaling dun, sa DoTA, sa Chemistry na lagi 'daw' nilang tinutulugan. BAD. Naririnig ko rin silang nag-uusap tungkol sa akin, at parang lumilingon lingon din sila sa 'kin habang ginagawa yun..
Hindi ko mapigilang mailang.. Kaya kinausap ko nalang si Mia.
"Uy.. Nageenjoy ka na rin panoorin yan aa."
"Oo nga ee.. Nakakagulat naman kasi.. Kanina, inis na inis si Felix kay Luke nung nalaman niyang nadoon ka sa bahay nila, parang nagtransform nga ee, nabawasan ang kapogian.." -- Tapos tumingin siya sa 'kin. -- "Ikaw naman kasi ee. May gala tayo, tsaka ka pa pupunta dun, eh malamang sa malamang talaga, magtatagal ka dun at makakalimutan mo ang lahat. Si Luke pa."
"Baliw ka."
"Talaga no.. Pero, magkuwento ka naman tungkol kanina."
"Ay, masaya 'to.." -- Kinuwento ko ang lahaaaaaaat ng nangyari kanina. Simula dun sa encounter with Marinelle at kung paano siya napahiya kanina at siyempre, yung pag-amin ni Luke sa akin.. Halos nagbubulungan na nga lang kami para hindi nila mahalata ee. Pero hindi mapigilan mapatili ng mahina ni Mia dahil sa kilig.
"O, ikaw naman, kahit halos araw-araw tayong magkasama, may ikukuwento ka pa bang bago?"
"Ako pa." -- Tapos bigla siyang namula.
"Oy, gaga ka, may hindi nga ako alam."
"Wrong timing naman lagi kapag magkukuwento na ako sa'yo ee."
"Sorry aa. Alam mo naman.. Si Felix." -- "Pero ikuwento mo na ngayon.. NOW NA."
Na-miss ko 'tong kakuwentuhan si Mia ng ganito.. Tungkol sa buhay niya naman.. Feeling ko kasi, ako nalang lagi ang topic naming dalawa..
Oo nga, siya naman dapat..
"May nanliligaw sa akin sa classroom.."
Nanlaki ng sobra yung mata ko sa sinabi niya.. -- "ANO?!" -- Mahina pa rin ang pagkakasabi ko.
"Sino."
"Ay, sorry naman.. Oh, SINO?"
"Wag kang magagalit aa."
"Depende."
"Uy, wag na kasi."
"Joke lang, gaga ka."
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Novela Juvenil"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...