Dear: Mama
Sobra ang sama ng loob ko sainyo,Lagi nyo nalang akong pinag kukumpara sa mga kapatid ko,Lagi nyo po akong pinapahiya sa harap ng madaming tao.. Mahal nyo ba talaga ako?.
Kahit na pag may lagnat ako,Hindi nyo ako inaalagaan..Kahit na wala naman akong kasalanan lagi nyo na lang akong binubugbog..Kapag birthday ko hindi nyo ako binabati,Kapag nasa hapag kainan na ang pamilya hindi nyo ako sinasabay..
Bakit ganoon?
Minsan iniisip ko nalang na mahal mo ako, kaya ginaganito nyo ako...
Hindi ko makakalimutan yung araw na binuhusan mo ako ng mainit na tubig habang natutulog ako,sa dahilang hindi ako nakapaglaba..yung mga araw na tinutukan nyo ako ng kuyltsilyo dahil muntik ng masagasaan si bunso sa kapabayaan ko..
Alam kong malaki ang galit mo sa akin dahil nakulong ang pangalawa nyong asawa dahil sa sakin.
Sabi mo sinungaling ako..
Naalala ko nung nabubuhay pa si papa,Ang sabi nyo sa'kin BAD ang magsinungaling..
Lahat ng maling itinuro nyo sakin,hindi ko kailanman ginawa..
Galit ka dahil ayaw mong maniwala na ginagahasa ako ng bago mong asawa..
Wala akong laban,puno ako ng kalungkutan,walang matakbuhan. Pakiramdam ko,Pasan ko ang mundong ginagalawan ng mga tao.
Nasa harapan ko ngayon ang makapal na lubid,Tinatawag na ako ni papa dahil daw ayaw nya akong nahihirapan..Opo,Nakakausap ko si papa sa panaginip ko.
Mama,mahal na mahal ko po kayo kahit galit na galit po kayo sa'kin..Mahal na mahal ko po kayo,Dahil ikaw ang mama ko at ang swerte-swerte ko kahit na puno kayo ng galit sa'kin..
Kung pag bibigyan ako ng pagkakataong pumili ng magulang.. o isang ina,IKAW AT IKAW Pa din ang pipiliin ko ma.. dahil mas mahal pa kita higit sa buhay ko ma..
PAALAM MAMA,HAPPY MOTHERS DAY..ILOVEYOU.. :(
Nagmamahal, Marsha.
***
BINABASA MO ANG
Dear MAMA
HumorA very dramatic story, na kung saan ipinapakita at ipinaparamdam ng isang anak ang kanyang pagmamahal sa ina, Na kahit sobrang galit sa kanya ang kanyang ina..na nanatili pa din sya sa tabi nito at patuloy na minamahal niya ang kanyang ina.