Isang sabado ay ginulat si Elize ng kaibigan. Katutulog lang ni Gabrielle ng kumatok si Aling Bising sa kuwarto.
"Elize anak, may naghahanap sayo, kaibigan mo daw kaya pinapasok ko na" nakangiting sabi ng matanda.
"Sige po. Salamat" nagtatakang sabi ng dalaga at dumiretso na sala. Di nya alam kung tatakbo o magsisisigaw ng makita ang bestfriend nyang si Edna.
"Kumusta!?" halos patili nyang sabi."Loka! Ikaw ang kumusta?, walang paramdam 'teh. Kaya naglakas loob na ko kumatok dito buti na lang di ako mukhang masamang tao pinapasok agad ako"natatawang sabi ng kaibigan.
Dahil Sabado, nasa bahay din si Fernan ng araw na iyon. Mabilis naman nakita ng dalaga ang lalake habang kausap si Aling Bising. "Saglit lang Edna ha, ayan si Fernan lapitan ko lang" halos takbuhin na nya si Fernan at di na inantay pang sumagot ang kaibigan.
"Elize sinabi ko na anak kay Fernan na pinapasok ko ang kaibigan mo" nakangiting sabi ni Aling Bising sa kanya.
"Okay lang ba?" yung na lang ang nasabi sa lalake
"Oo naman" nakangiting sagot nito. "Palit lang ako ng damit lapitan ko kayo dun ha" dagdag pa ng lalake. Nakasando lang kasi ito at malamang naiilang syang humarap sa kaibigan ng dalaga ng ganun ang itsura.
Bumalik din agad si Elize sa kaibigan. "Yun ba ang boss mo?" tanong ni Edna
"Yup, punta daw sya dito mamaya" nakangiting sabi. At di nga nagtagal ay tanaw na nilang palipit si Fernan.
"Naku...malamang matutuluyan na to" todong ngiting sabi ni Edna na tila ba kilig na kilig
"Ang alin daw?" nagtatakang tanong ni Elize
"Mahulog yung panty ko..ang gwapo kasi sa malayuan eh..pano na lang sa malapitan" natatawang sabi ni Edna
Napalakas ang tawa ni Elize "Baliw ka talaga hahaha"
"Hi" kaswal na bati ni Fernan.
"Hi Fernan, Edna here" maarteng pagpapakilala ni Edna sa lalake
Natawa naman sina Fernan at Elize sa inasal ni Edna
"Hi Edna, it's nice to meet you. Anong plano nyo?" nakangiting tanong ni Fernan sa dalawa "Saan ang lakad?" dagdag pa nito
"Pwede?" parang kinilig pang sabi ni Edna
"Oo naman, magready ka na Elize at ihahatid ko na kayo. May pupuntahan din ako eh" sabi ni Fernan kay Elize
"Ok, diyan ka na muna ha...mag-behave ka" sabi ni Elize sa kaibigan at kinindatan pa ito.
"Ako na bahala sa kanya interviewhin ko muna" tumatawang sabi ni Fernan sa palayo ng si Elize. "Matagal na kayong magkaibigan" baling ni Fernan kay Edna
"Magkababata kami at nung college isang dormitory lang ang tinuluyan namin" bahagyang kwento ni Edna
"Ahhh so partners in crime kayo" tumatawang sabi ni Fernan
"Parang ganun na nga" natawa narin si Edna sa sinabi ni Fernan.
Marami pa silang napagkwentuhan ng lumabas si Gabrielle na pupungas pungas at tumakbo palapit sa ama.
Nagulat naman si Edna ng makita ang bata "OMG! magkamukhang magkamukha nga kayo ni Ysa!" sabi nya sa bata na di pa rin makapaniwala. Tumingin sya kay Fernan "Nasabi ba sayo ni Elize na para silang kambal"
"Hmmmnn sabi nya magkamukha nga daw ang dalawa" sabi ni Fernan kunwari'y di nababahala.
"Wait ha, may bagong pic si Ysa sa FB ni Elize eh" sabi ni Edna. Saktong paglabas naman ni Elize
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomanceSadyang mapaglaro ang tadhana. Tinadhana nga ba sa isat isa sila Fernan at Elize. Si Gaby nga ba ang ticket to their destiny