Chapter 50: Sand box II

4.3K 134 22
                                    


Chapter 50: Sand box II

Daphnie Kisha's Point of View

"Bago po inumpisahan ang giant swing, hindi ako nagkulang sa paalala na hindi ito biro. Sa oras na umandar ay hindi kaagad maaaring itigil kaya pasensya na po talaga kung---" paliwanag ni kuyang nag-ooperate pero inepalan ni Chikito na hangga ngayo'y namumula pa ang mga mata.

"Pasensya? Ano bang magagawa ng sorry mo? Sabi ko tama na kasi nahihirapan na ko pero anong ginawa mo? Pinanood mo lang ako---!!" Kekem covered Chikito's mouth gamit yung tissue'ng hawak niya upang matigil ito sa pagsasalita.

"Tigilan mo nga kakangawa mo dyan, nakakahiya ka," bulong niya sa kaibigan na halos rinig naming lahat then he faced kuya operator and bowed down, "sorry din po sa kalat, medyo quits lang tayo hehe" aniya

Napakamot na lang ng ulo si kuya operator habang pinagmamasdan ang kalat ni Chikito. That monkey! Nilabas niya ata maski balun-balunan niya. Haha! Hindi ko tuloy alam kung pagtatawanan ko siya o ano eh. Lakas ng loob magyaya dito tapos ganyan pala.

"Sorry po, kuya.." kumaway ako kay kuya bago nagpahatak kay Bentot, "Ikaw, okay ka lang?" tanong ko habang naglalakad kami.

Tumango-tango siya at nag-umpisang dumaldal, "Bago mag-umpisa nagbigay paalala naman si kuya kaso yang ugok na yan panay ang 'oo na kuya, gets na gets! Ulit-ulit ka daming satsat!' tapos maya-maya lang hilong-hilo na para tuloy umuulan ng suka kanina tae na kadiri.."

Napangiwi ako dahil naimagine ko yung nangyari sa isip ko.

"Daph!" inakbayan ako ni Jerome, "panoorin mo to uupload ko sa youtube tapos title maligno, nasuka sa giant swing!"

"Abnormal ka talaga eh no? Iuumpog ka talaga ni chikito kapag nagtrending yan!" medyo natatawang sabi ko

"Baka pasalamatan niya pa nga ako kapag sumikat siya. Hindi man sa kahanga-hangang paraan, dun naman sa katangahang paraan, atleast may napatawa siya! Hahaha!"

Ay ewan ko sa lalaking to. Napailing na lang ako at nilayasan sila. I saw Anthony and the other guys in front of the milkshake stand. So I ran to them. Sinalubong ako ni Luke sabay abot nung isang chocolate milkshake na may strawberry stick-o and pretzels sa ibabaw.

"Thank you.." I murmured

"You're welcome." Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya at niyaya ako dun sa may naglalakihang boxes at sand, umupo kami sa may bench since mahangin at hindi naman mainit ngayon. Tropa rin talaga kami ni haring araw eh, marunong makisama. Hehe.

Di na maalala

Pa'no nagsimula

Ikaw ay laging nasa isip ko bawat araw

Laging ikaw

Aking nakikita

Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?

"Ayaw mo?" I asked him, referring to his winter melon milkshake. Hindi niya kasi iniinom eh. Pinagmamasdan niya lang akong lumalamon! Parang baliw.

"Gusto." he answered while staring at me, "Gustong-gusto ko.."

Kita mo to! Gusto raw pero sa akin nakatingin, "Milkshake o ako?" natatawang tanong ko habang hawak yung milkshake niya with my left hand. He grabbed it using his hand kaya naman ang ganap, hawak namin pareho yung milkshake. His hand covers mine. Parang may dumaloy na kuryente sa akin at hindi ko maigalaw yung kamay ko.

Ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay, "Milkshake."

"Hala sige, yang milkshake na lang ligawan mo!" Tumawa ako tsaka pilit na inaalis yung kamay ko sa pagkakahawak kaya napahalakhak siya at mas lalong hinigpitan.

Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon