Author's note: May picture note po sa gilid ng kwento para po mas maintindihan nyo po ang chapter na ito. Read, vote and comment :)
Tumakbo ng tumakbo si Bea palabas ng campus at hindi na ito naabutan pa ni Derrick. Tatawid na sana siya sa kabilang kalsada na may matandang may dalang banig at isang supot ng plastic na gustong-gusto nang tumawid pero hindi makatawid nang dahil takot sa kanyang madadaanan. Naawa si Bea sa matandang ito na tila bang wala ng pamilya at ng dahil sa gusot-gusot na damit na suot nito ay halatang palaboy na lamang ito. Lumapit si Bea sa matanda at kinausap niya ito.
“Um! Lola, gusto nyo po ba tumawid dito?” ang anyaya ni Bea sa matandang babae.
“Naku! Kanina pa hija! Kaso, natatakot ako sa mga trak na dumadaan dito at ang dami ko pang dala.”ang paliwanag naman ng matanda. “Hay! Naku! Pinapaalis na kasi ako sa pwesto na ito, at sa tingin ko magandang tuluganan ang sa kabilang kalsada para mamaya. Hay! Naku!”
“Sumabay na lang po kayo sa akin. Tatawid rin po ako, eh! Teka lang po.”ang pagboboluntaryo ni Bea sabay ayos sa bag niya. Inilagay din niya ang mga natitirang librong hawak niya sa bag niya. “Akin na po yung banig at plastic nyo po at ako na po ang magdadala.”
Ibinigay naman ng matandang babae ang mga dala niya kay Bea. “Naku! Salamat hija!!!!”
At tumawid na silang dalawa, kahit hirap na hirap na si Bea sa mga dala niya, ay nagawa pa rin niyang alalayin ang matanda. Sobrang hanga ng matanda sa kabaitan at sincere ni Bea sa kanya. Sa wakas at nakatawid na rin sila sa kabilang kalsada.
“Okay na po ba kayo dito? Baka gusto nyo pong tulungan ko pa po kayo sa paghahanap ng matutulugan nyo po para mamayang gabi.” Ang pag-uusisa ni Bea.
“Hin---,” hindi na natapos ng matandang babae ang sasabihin niya dahil nagsalita ulit si Bea.
“Ay! May nakita na po ako mula rito. Sumunod po kayo sa akin, lola.”
Maamong sumunod naman ang matanda kay Bea na parating na sa lugar kung saan matutulog ang matanda pag takipsilim. Pagkarating nila ay marahan na binaba ni Bea ang banig at ibinigay niya ang supot ng plastic sa matanda.
“Lola, okay na po ba ang lugar na ito para mamaya?” ang tanong ni Bea sa matanda.
“Oo, hija. Maraming salamat at tinulungan mo ako.”ang pangiting sagot naman ng matanda. “Napakabuti mo talagang bata!”
“Wala po yun, lola. Um! Lola, uuwi na po ako, kailangan ko po kasi umuwi kaagad, eh! Sige po!”
Akmang aalis na sana si Bea nang pinigilan siya ng matanda.
“Sandali! Alam kong may pinagdadaanan ka. Teka lang ah!” at may kinuha sa plastic na
hawak niya. Ibinigay niya ang kwintas na ang pendant ay hati na korteng puso kay Bea. “ Ito, hija! Tanggapin mo sana yan bilang kabayaran sa ginawa mo sa akin ngayon.”
“Lola, huwag na po---“
“Makakatulong sa iyo yan, makikilala mo siya, siya ang makakapagbigay ginhawa sa mga problema mo ngayon. Pag nahanap mo siya, mareresolba ang lahat ng problema mo.”
Tinaggap ni Bea ang kwintas. “Salamat po, lola. Sige po lola, aalis na po ako.”
At naglakad na papalayo si Bea sa matanda habang sinusundan naman siya ng tingin nito. Sumakay na kaagad siya sa dyip patungong ospital kung saan nanduduon ang mommy niya. Kada hapon kasi ay naka-schedule na laging bibisitahin ni Bea ang kanyang mommy at aalagaan ito bago umuwi. Pagkadating niya sa hospital ay agad sumalubong sa kanya ang kanyang Ate Yassi.
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love
FanfictionThe teen girl who meet her "No Ordinary Love" This story is being inspired by JhaBea. Yes! Isa po itong fanfic para sa JhaBea