CHAPTER 9
TERRENCE POV
Halos manlaki ang mata namin pareho ng babaeng mukhang taong kalye nang nakita namin ang isa't isa. Di ako makapaniwala na sya ang tinutukoy ni Charmel at Clifford sa akin na matalino, at magaling na bagong hire na empleyado namin.
Sa pag kwento sa akin ni Charmel at ni Clifford about sa kanya ay iniimagine kong maganda sya, sexy, at kamukha nya si Angel Locsin o si Liza Soberano. Di ko na rin natanong kina Charmel at Clifford kung maganda ba yung bagong hired baka isipin nilang napaka subjective ko pagdating sa mga tauhan. At dahil sa kanilang sinabi na matalino, magaling at lahat-lahat na ng positive adjectives about kay Victorina ay naisip kong mala anghel ang kanyang mukha, kahit kay bantot ng kanyang pangalan.
"magkakilala kayo?" saad ni Charmel nang nagkaharap kami ni Victorina.
"huh? Ahh, hindi po" mabilis na pagsagot ni Victorina at syang pag iling ng kanyang ulo.
"ahh akala ko magkakilala kayo, kase grabe ang tingin nyo sa isa't isa ehh"
Tumayo ako sa aking kinauupuan at humarap kay Charmel, sabi ko ay lalabas na muna ako saglit. Next time ko nalang haharapin at kakausapin ang bagong hired na si Victorina Kampupot, na akala ko ay mala Angel Locsin ang mukha.
"sige Miss Victorina" pag harap ko sa kanya [kay Victorina].
"ayy its not Victorina, its Yna" pabebe nya sa akin.
"ahh ganun ba? Gumanda bigla pangalan mo ahh" turan ko habang naglalakad palayo sa harap nya. "next time nalang kita kakausapin" turan ko sabay labas ng office ni Charmel.
Di na ako nagtagal pa sa office ni Charmel nang nagkaharap kami ni Victorina Kampupot, di naman sa napapangetan ako sa kanya kundi iniiwasan ko lang na matawa sa harapan nya. Grabe kase sya kung makatingin sa akin, yung tinging nalilibugan este tinging di makapaniwalang ako ang boss ng kompanyang pinag ta trabahuhan nya. Ako yung boss nya na binabangga-bangga nya sa labas, sinasagot nya ng pabalang, at laging tumatawid ng wala sa tamang lugar na syang kamuntikan ko ng mabangga.
Lumabas ako sa office ni Charmel at tumungo kay Clifford. Gusto kong malaman kung ba't nya tinanggap ang babaeng yun.
Pagdating ko sa HR department ay tumungo ako sa kanyang office. Naka panikwatro pa sya habang nag fi-facebook.
"good afternoon" bati ko sa kanya.
Mabilis syang tumayo at syang harap nya sa akin. Mumuntikan pa nga syang malaglag mula sa kanyang kinauupuan dahil sa kanyang pagkagulat.
"ikaw naman boss, di ka nag papa excuse, di ba nakalagay sa labas ng pinto na knock before you enter?"
"ako pa talaga sinasabihan mo ng ganyan ahh" sabi ko sabay lakad papunta sa kanyang kinauupuan. Umupo ako sa bakanteng upuan na kaharap sa kanyang table
Ganyan kaming dalawa ni Clifford hindi dahil sa walang galang sya sa akin kung sumagot, kundi yung kinakapatid ko sya. Ninang nya ang mama ko, at tiyahin ko din ang mother nya, so sa madaling salita mag pinsan kaming dalawa kaya ganun kami ka close sa isa't isa. Pero walang bromance na nagaganap sa aming dalawa ahh!!! inuunahan ko na kayo!
"cous!! yun ba yung Victorina Kampupot na sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"bakit? Nagkita na kayo?" ngisi nya.
"oo... at sheett!!! Iniimagine ko pa namang kamukha sya ng magagandang artista habang kinukwento mo sya sa akin, at nang nagkita kami kanina, damn bro!!! subrang sakit nya sa mata."
KAMU SEDANG MEMBACA
Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)
HumorChaka ako sa kanilang paningin. Mula nang isinilang ako ay tinalikuran na ako ng mundo at puro kamalasan lang ang napunta sa akin. Siguro nung umulan ng kamalasan ay sinalo ka lahat! OO!! ang hirap maging panget! mahirap kapag chaka ka, lahat na ng...