The Promise

21 1 0
                                    

Naglalakad ang isang babae papasok ng kaniyang eskuwelahan nang biglang may tumalon sa harapan niyang lalaki na kaniyang ikinagulat. "Tulungan na kita" sambit ng lalaki sa kaniya. Mas lalo pa siyang nasindak sa mga pangyayari dahil sa mga inaasal ng lalaki, hindi ito makapagsalita at napatitig na lamang siya sa binata. napabalik sya sa wisyo ng mapagtanto niya na ang lalaking kaharap niya ay ang lalaking kaniyang hinahangaan. Upang maitago ang pamumula ng kaniyang pisngi ay umiwas na lamang siya dito at hindi pinansin pa. "Tol, wala ka pala e." narinig pa niyang sabi ng kaibigan ng lalaki bago pa siya makalayo ng tuluyan.

Dumaan ang mga araw at patuloy pa rin siyang kinukulit ng lalaki. Hindi man niya aminin sa sarili niya. Pero mas nahuhulog na ang loob niya sa lalaki. Nanligaw sa kaniya ang lalaki at labis niya itong ikinatuwa. Hindi niya gustong mahulog ng tuluyan sa lalaki dahil mahilig itong makipag-away. Siya bilang isang tipikal na estudyante ay hindi bagay sa isang lalaking mahilig makipagbasag-ulo.

Isang araw ay nakita niya ang kaibigan niyang dali-daling naglalakad papalapit sa kanya. "Iya! si Harvey nakipag-away na naman. Andami niyang pasa sa mukha. " Sabi ng kaniyang kaibigan. Dali dali silang nagtungo sa silid kung saan naroroon ang lalaki.

Naiwan na lamang silang dalawa sa silid at pilit na itinatago ng babae ang kaniyang inis dahil sa nangyari. Kumuha siya ng paunang lunas at kaniyang ginamot ang sugat ng lalaki. Pero sa bawat paglapat nang bulak sa mukha ng lalaki ay ramdam ng lalaki ang inis nito dahil sa diin nito. "Ah!" daing ng lalaki ngunit hindi siya pinansin.

"Iya kelan mo ba ako sasagutin?"

Napatingin lamang sa kaniya ang babae at ibinalik nito ang panggagamot sa kanya. "Sige ayos lang naiintindihan ko. " malungkot na sambit ng lalaki.

"Mangako ka. " sabi ng babae

"Mangako ka lang, sasagutin na kita." sambit ulit ng babae.

"Mangako ka na hindi ka na makikipag-away pa. "

Tumayo ang lalaki at niyakap niya ang babae dahil sa tuwa nito na sya namang ikinagulat ng babae. "Oo pangako! Pangako ko yan!" napangiti ang babae at gumanti na din sya ng yakap dito.

Sa lumipas na anim na buwan ng kanilang relasyon ay naging maayos ang lahat. Tumigil na din ang lalaki sa pakikipag-away gaya ng ipinangako niya sa babae.

Tuwing nasa canteen mag-isa ang babae bigla na lamang itong natabi sa kaniya at sasabay sa pagkain.

Kapag malungkot ang babae ay sya ang nagiging sandalan nito. Balikat niya ang nagiging unan nito kapag ito ay pagod na pagod.

Sa simbahan habang ang babae ay nakapikit at nananalangin. Nakatitig lamang sa kaniya ang lalaki at napapangiti ito.

Madalas din niyang binibigyan ng chocolate ang babae ng may kasamang bulaklak. Kinakantahan ng lalaki ang babae. Pinipisil niya lagi yung pisngi ng babae.

At ang ugali niyang gawin ay ang yakapin ang babae mula sa likod nito.

Talagang tinupad nang lalaki ang kaniyang pangako na hindi na makikipag away pa.

*Unang Anibersaryo*

"Iya! Iya!" aligagang aligaga ang kaibigan nang babae kasama ang kaibigan ng lalaki habang magkahawak ng kamay at kita mo ang pag-aalala ng mga ito sa mukha nila.

"Bakit? Anong nangyari?! " natataranta niyang tanong dahil masama ang kutob niya. "S-si H-Harvey! " hindi na niya pinatapos pa ang kaibigan sa pagsasalita "Nasan siya?! dalhin niyo ako sa kaniya" agad silang nagtungo kung saan nakita niya ang kumpulan ng kalalakihan na tila ba may away. Agad siyang tumakbo doon at nakita niya na pinagtutulungan ng kalalakihan ang lalaki. Halos puno na ng pasa ang mukha ng lalaki. At nang akmang sisipain ng isa sa kalalakihan ang lalaki ay agad naman humarang ang babae at niyapos ang lalaki kaya naman siya ang nasipa sa kaniyang tagiliran pero kaniya itong ininda at agad na tumayo upang pumagitna at pigilan na ang kalalakihan. Tumalikod sya sa mga ito upang tulungan ang lalaki pero nagulat sya nang mabilis na tumayo ang lalaki at agad syang niyakap nito mula sa likod.

Biglang syang nagulat ng may tila ba may malakas na pwersang tumama sa ulo ng lalaki dahil napatama ang ulo ng lalaki sa kaniyang ulo. Biglang bumagsak sa sahig ang lalaki at nagtakbuhan na ang kalalakihan dahil dumating na ang kaniyang kaibigan at ang kaibigan ng kaniyang kasintahan.

"B-bakit di ka lumaban? " maiyak-iyak na tanong ng babae. Hinawakan ng lalaki ang kaniyang pisngi "Ayoko kasing magalit ka sa akin. Dahil takot akong mawala ka sa akin kasi mahal na mahal kita. " habol hiningang sambit ng lalaki.

"Mahal na mahal din kita. Wag kang bibitiw parang awa mo na." sambit ng babae habang umiiyak

Ibinaba ng lalaki ang kaniyang kamay at may kinuha siyang box sa bulsa niya at iniabot ito sa kamay ng babae na patuloy pa ring umiiyak. Muli niyang hinawakan ang pisngi ng babae. "Hindi ako lumaban kasi nangako ako sayo. " Lalong humagulhol ang babae dahil sa tinuran ng lalaki. "Pero lumaban ka, wag kang bibitaw. Di ko kakayanin ng wala ka . " ngumiti lamang ang lalaki sa kaniya at unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata kasabay ng pagbagsak ng kaniya mga kamay.

*sa hospital"

Patuloy pa rin sa pag-iyak ang babae sa labas ng O.R. habang yakap-yakap siya ng kaniyang kaibigan. Lumabas ang doktor sa loob ng silid ng may lungkot sa mukha. Unang lumapit ang mga magulang ng lalaki ngunit hindi siya sumunod dahil nanghihina na siya. Nag-iyakan ang kamag-anak ng lalaki kaya naman napaiyak na din siya.

*sementeryo*

Nakatingin lamang ang babae sa lapida ng lalaking unang nagpatibok ng kaniyang puso. Ilang taon na din ang nakalipas ngunit nakaukit pa rin sa kaniyang isipan ang nangyari.

"Iya" sambit ng lalaking pangalawang nagpatibok ng kaniyang puso. Tumayo sya at lumapit dito upang yakapin. "Salamat" sambit ng babae at hinalikan naman ng lalaki ang kaniyang ulo. "Sigurado ako na masaya na ang Papa mo kung nasaan man siya ngayon." sambit ng lalaki. Ngumiti sya dito at inakap niya ang lalaki. "Salamat dahil lumaban ka at hindi mo ako iniwan."

*Simbahan*

"Your cup will never be empty, for I will be your wine, with this ring I ask you to be mine. " sambit ng lalaki sa harap ng altar. At isinuot na niya ang singsing sa babae

" With this hand, I will lift your sorrows, with this candle I will light your way in darkness. And with this ring symbolizes that I'm all yours. " sambit ng babae at isinuot na niya ang singsing sa lalaki.

"You may now kiss the bride." sabi ng pari

Hinawakan ng lalaki ang kanang pisngi ng babae at unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa babae.

*WAKAS*

Vows credited to Corpse Bride.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Promise (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon