Chapter 1

15 0 0
                                    

Chapter 1: Meeting Gayle Kim

Gayle POV:

Ayan naaaaa! Malapit naaaa! Kikiss na ko ng bebe James Reid ko! Wahhhhh! Ayan naaaaaaaaa!

*kring* *kring* kring*

Ghad! Magkikiss na kami eh! Naman!

Agad agad akong tumayo para maghanda at pumasok sa school.
Btw, I'm Gayle Kim Salvador, 18 years old, iskolar ng Harvard University taking up Railway Engineering, 2nd year college. Yung school na pinapasukan ko ay ang pinaka mahal na school sa buong Asia, take note Asia not just Philippines hohoho pero don't get me wrong ah di ako yayamanin. Sa katunayan nga niyan ako lang nagpapaaral sa sarili ko e. My mom passed away when my father left us. She passed away with heart attack. I was just 7 yrs old that time. Kaya ganun nalang yung galit ko sa daddy ko, siya kasi yung sinisisi kong may kasalanan ng lahat. Maybe if he didn't leave us, my mom might be still alive. Pero bago mawala si mommy hinabilin niya ko sa tita ko which is na deads narin last year hayst. Buti nalang keri ko na pag aralin sarili ko hehe.

So ayun way back sa ginagawa ko ngayon. Papunta na kong school kung saan dala ko nalang na pera ay 70. Ghad di na ko mamasahe neto hahaha.

*School*

Habang naglalakad ako papuntang room 301 hindi ko parin mapigilan sarili kong mapamangha sa lahat ng nadadaanan ko. Grabe! No wonder kaya mahal dito. Daanan palang naka tiles na.

Di ko alam kung bat sila nakatingin sakin. Maybe nagagandahan sila sakin? Hahahaha charot! Alam ko namang nandidiri yang mga yan eh hahaha. Di kasi ako yung tipo na naka mini skirts kagaya nila at may suot na damit na mas mahal pa sa bahay namin! Tapos yung bag nila halatang milyones ang halaga dahil sa nagkikinangang mga bato. Tapos yung akin eto pa yung bigay ni Mayor last year hahaha.

"Look oh! May nakapasok na basura!" Bulong ni ate girl na may harina sa mukha.

"Kayanga e. Like so iwwww! Kakadiri yung suot nya! Tapos yung bag niya may tatak pa ng muka ni Mayor!" Sabi ni ate girl two na mukang paa at sabay silang nagtawanan.

Di ko nalang sila pinansin kasi malelate na ko. Ghaddd. Anong oras naaaaa!

Dali dali kong nilagpasan yung mga babaeng maarte habang patuloy na nagbubulungan. Wala akong panahon sa inyo girls sorry!

Tumakbo ako ng tumakbo dahil I only have 5 mins hoho

*room 301*

Nang makapasok ako sa room ko ay laking pasasalamat ko ng wala pang prof. duh ayoko kayang mapagalitan. 1st day na 1st day pa naman.

Dulong upuan yung pinili ko tutal wala pa naman akong kakilala. Halata sa kanila na magkakakilala na sila kasi z zzl they talk to each other mukang close na close naman sila. Balak ko pa sanang lumabas para mag sight viewing kaso biglang pumasok yung prof namin. Napaupo nalang tuloy ako.

"Okay class. I am Kenneth Lee. And I will be your prof at *something na subject. Di ko alam eh haha* I would be your adviser for the whole semester. So let's start" sabi ni sir Lee

Usually karaniwang pagpapakilala lang naman ginagawa until ako na yung tawagin

" The girl at the back. Your turn" turo nito sakin

" I am Gayle Kim Salvador, 18 years old and I hope all of you would be my friend!" Masaya kong pagpapakilala.

I was about to go to my chair pero biglang kumalabog yung pintuan.

*Boom!*

"I am sorry sir for being late" sabi nito sabay lakad papunta sa tabi ng chair ko, ni Hindi nga nito pinagaksayahan ng panahon yung prof.

"Mr. Sylvestre di porket kayo may ari ng University na to eh pwede ka na magganyan ganyan! Gusto mo ireport ko to sa mommy mo?!"

" Then go a head. Do you want me to call her? I will be the one to do that if you want. Do you?" walang galang  nitong sabi.

" Hays. Di ko na alam gagawin sayo Mr. Sylvestre"

Siyempre na shook ako sa mga nalaman ko. Pogi pogi kaso may attitude. Iww. Haha.

"Ms. Salvador you may sit down"

Di ko alam na nakatayo pa pala ko sa harapan. Napatingin ako kay Mr. Attitude at naglakad patungo sa upuan ko. Napansin ko rin na nakatingin pala siya sakin.

"Abby look oh! Nilalandi ng dugyot na yan si Kyle!" rinig kong bulong nung babae

"Aba! Subukan niya lang! Sasamplin ko talaga siya! May patingin tingin pa. Tapos uupo siya sa tabi pa ng baby ko!" reply nung Abby yata

Duhhh nauna kaya ako! Bago siya umupo sa tabi ko ako muna nauna.

Siyempre di ko na sila pinatulan which is baka makasira ng reputasyon ko at baka mapatalsik pa ko dito.

Ng makaupo na ko ay nagsimula na ang discussion pero nakita ko lang sa peripheral vision ko na naglagay lang si Mr. A short for Mr. Attitude na naglagay ng headphones then yumuko.

Discuss

Discuss

Discuss

Lunchhhhh naaaa!

Lunch na. Nilabas ko nalang yung baon kong tuyo at itlog na maalat.

"WHAT THE FUCK IS THAT?! WHAT KIND OF SMELL IS THAT?!" sigaw ni Mr. A

Nagulat naman ako kaya natalsik yung takip ng baunan ko Kung saan nakalagay yung tuyo at tumapon sa kanya.

"Ay sor--"

"WHAT THE FUCK?! LOOK! LOOK TO WHAT YOU'VE DONE! ANG BAHO BAHO PA NAMAN NG PAGKAIN MO! PAGKAIN YATA YAN NG ASO EH!" nandidiring sigaw nito.

"Hoy! Kapal naman ng muka mong sabihin yan! Porke mayaman kala mo kung Sino na!"

Pansin ko rin na may mga nakatingin at may mga natatawa na parang nandidiri at meron naman para may naawa na Ewan

"BUKAS NA BUKAS AYOKONG MAKITA KA DITO AH! NAIINTINDIHAN MO?"

Tinakpan ko nalang yung tenga ko at nagpanggap na walang naririnig. Hanggang sa napansin ko na napikon to at lumayas na sa harapan ko Kasama ng mga audience na nakikinood din.

Natapos ko ang unang araw na walang kakwenta kwenta. Kaya eto ko, naglalakad patungo sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Kahit pagod na ko sa skwela Hindi parin maaaring magpahinga, dahil kundi Wala kong pangkain nito.

"Good morning Ate Joyyyy!" masayang bati ko dito.

Siya kasi yung may ari nitong coffee shop pero kahit ganon, pantay pantay yung tingin niya saming mga empleyado nya. Walang lamangan kahit manager pa yung position mo.

"Goodmorning Gayleeee! Kamusta first day?" tanong nito.

"Ok lang naman, maaarte pa rin mga estudyante." kwento ko sa kanya

"Well, Harvard eh hahaha. Osge na mag trabaho ka na diyan. May gagawin lang ako sa office"

Nagsimula na nga kong magtrabaho. Tuloy tuloy lang.

Hanggang sa dumating yung uwian.

"Oh Gayle di ka pa ba uuwi?" tanong ni Ate Tin

"Pauwi na nga po eh." -ako

"Osge. Ingat." -sila

Ng makauwi na ko sa bahay ay agad akong nagpahinga dahil SA sobrang pagod.

*ZzzzzzZzzz*






STUCK IN THIS ILLUSION CALLED US Where stories live. Discover now