I am CRAVING for LOTS of FEED BACKS! Those are HIGHLY-APPRECIATED, you know=)))
---
"Hoy Ynna, mauna na kami sa labas ah. Sunod ka na lang sa cafeteria. Babush!" sabi ng mga best friends kong sina Jacque at Monique. Recess na kasi at dahil kumakalam na ang kani-kanilang mga sikmura, nauna na sila sa pagpunta sa cafeteria. Hindi pa naman ako masyadong gutom since fully-loaded 'yung almusal ko kanina. Nginitihan ko lang sila at saka nag-wave. Mga cookie monster talaga 'yung mga 'yun. Kinuha ko 'yung ilan sa mga notebooks at libro ko doon sa bag ko upang itago doon sa locker. Masyado na kasing mabigat 'yung backpack ko eh. Baka mamaya, makuba pa ako nang wala sa oras. Kinuha ko na rin 'yung phone ko at umalis na ng classroom papunta doon sa locker room.
Ang ingay masyado dito sa corridor kung saan ako naglalakad ngayon. Mga estudyanteng nakakalat kung saan, hawak-hawak ang kanilang mga gadgets. Hay naku, sila na talaga ang mga rich kids. Napadaan ako sa hallway sa tapat ng classroom ng section B ng Fourth Year. Nasilip ko sa bintana ang magulong arrangement ng mga upuan pati ng teacher's table. May mga graffiti letterings din doon sa blackboard nila. Nakagrupo 'yung mga estudyante. Hay naku. Kaya madalas na stressed 'yung mga teachers ng section na 'to eh.
"Whoo! Tangna mo, pards! Ang dali-dali, hindi mo man lang nagawa!" sigaw ng isa sa mga lalaki sa loob ng classroom. May beanie siya at nakasuot ng nerdy glasses na sa tingin ko ay pamporma lang. Napailing lang ako. Nasa section na 'to kasi 'yung sikat na boy band dito sa campus namin, ang Fifth Symphony. Nasa section na 'to rin ang mga tinitiliang campus heart throbs, at mukhang mataas ang standards ng section na 'to pagdating sa looks. Halos lahat kasi ng most good-looking faces ng school ay nasa section B.
"Gagu! Kung walang time limit edi sana natapos ko! Gagu talaga!" mura naman ng isa pang lalaki na may kagat-kagat na panyo sa bunganga. Nisilip ko ang ginagawa ng mga maiingay na lalaking 'yun sa bintana at nakitang naglalaro sila ng spelling bee. Muntik na akong humagalpak sa tawa nang makita ko kung anong dahilan ng mga malulutong na murang binibitiwan ng mga bunganga nilang maiingay. Seriously? Kailangan talagang magmura pag naglalaro ng spelling bee? Nakakatawa sila.
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. At sa di inaasahang pagkakataon, bumangga ako sa isang poste. Teka, kailan pa nagkaroon ng poste sa gitna ng corridor? Dumilat ako at nakitang bumangga ako, smack-dab, sa isang chest. Hindi treasure chest, kundi isang HUMAN chest. Iniangat ko ang tingin ko at nakita ang isang Griyegong diyos na nakangisi. Takte! Bakit ba pakalat-kalat ang mga gwapong nilalang dito sa hallway ng section B-IV? 'Yung buhok niyang itim na itim ay parang sinadya ang pagkakagulo, at may nakasabit na head phones sa leeg niya. Sheez! Ang gwapo, ang sexy at ang hot talaga niya lalo na kapag nakangisi. Agad naman akong umayos ng tayo at saka pinulot 'yung mga libro kong nakakalat.
"Tss. Buti at hindi natuloy ang pagtulo ng laway mo, Castellana," sabi niya at saka tumawa nang mahina. Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko, kaya pinulot ko na lang 'yung mga gamit ko imbes na pagtuunan pa siya ng pansin. Yumuko siya at pinulot 'yung notebooks na nahulog malapit sa kanya. Tumayo ako at tinignan siya nang masama, kahit alam kong namumula at kinakabahan ako. I need cover-ups, you know, lalo pa't sikat ang lalaking 'to sa kanyang buhawi at feelingero syndrome.
"Akin na 'yan, Villanueva," malamig at matigas kong utas sa kanya habang nakalahad ang kamay ko. Napataas naman ang kilay niya at nakita kong nagtinginan ang lahat ng estudyante sa amin. Bihira lang naman kasi akong mapadpad dito at sa bihirang 'yun, hindi ko pa nakakadaupang-palad ang diyos na kanilang tinitilian. Ngumiti siya nang mala-demonyo at sinenyasan 'yung isa sa mga lalaking naglalaro ng spelling bee kanina.
BINABASA MO ANG
Spell Mahal Ko... (One-Shot)
Teen Fiction❝ I-K-A-W. 'Yan na ba ang spelling ng "mahal ko" ngayon?! ❞