The Grad Ball

9 0 0
                                    

Dumaan ang mga araw at naging busy ang lahat para sa nalalapit na graduation. Isang gabi sa mansyon nina Nicole...

Nicole: Lolo! Ngayong malapit na ang graduation ko naghahanap na 'ko ng university...

Lolo Martin: No need for that!

Nicole: Ha? Why? Nakahanap ka na ng school na papasukan ko for college?

Lolo Martin: No! You're not going to college!

Nicole: What? Pero Lolo... wait, di ba kayo 'tong nangungulit saken na maghanap ng university? Yan ba ang punishment mo saken?

Lolo Martin: No.

Nicole: So? Anong gagawin ko? Oh no, wag nyong sabihin na diretso na 'ko sa company natin?

Lolo Martin: Lalong hindi! Anong gagawin mo dun magdedecorate ng opisina ko?

Nicole: Ha? So, anong gagawin ko? Ikukulong nyo 'ko dito sa bahay?

Lolo Martin: Bakit, kaya mo bang tumagal ng isang araw sa loob ng bahay, hindi di ba? So I've decided na ipadala ka sa probinsya after graduation.

Nicole: What? Lolo, are you serious?

Lolo Martin: Mukha ba 'kong nagbibiro? Nagkausap kami ng matalik kong kaibigan nung isang araw at napagdesisyunan ko na dun ka muna sa kanila sa Batangas. You need some fresh air, a new life!

Nicole: No! Nagdecide kayo nang hindi man lang tinatanong kung gusto ko? Lolo, kahit anong mangyari hindi ako titira sa probinsya!

Lolo Martin: Well, everything's set! Pupunta ka sa probinsya after graduation.

Nicole: No! I won't!

Lolo Martin: Yes you will and that's my punishment!

Nicole: Lolo!


Dumating ang araw ng graduation at kinagabihan ay ngkaroon ng ball and as usual stars of the night sina Nicole...


Bella: Paano ba yan Nicole, this will be the last time na makikita mo si Owen!

Nicole: Yeah... I know... kaya nga wala 'ko sa mood ngayon.

Stacey: Okay lang yan! Alam nyo kung anong dapat nating gawin ngayong gabi? Magpakalunod tayo sa wine!

Nicole: Tama ka Stace! That would be the best thing to do! So... CHEERS!

Stacey & Bella: CHEERS!

Drake: Babe! (inialok ang kamay kay Bella) Sayaw naman tayo oh...

Bella: Ahm... (tumingin kina Nicole)

Nicole: Oh, c'mon Belle! Alam naman namin na you need time with each other!

Stacey: That's right! Go dance with him

Bella: Okay! Thanks girls!


Nakipagsayaw si Bella kay Drake. Samantala, may mga lumapit namang lalaki kina Stacey at Nicole para yayain silang sumayaw pero hindi pumayag si Nicole...


My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon