REVISED VERSION
Copyright © 2017
girlinparis
All rights reserved.————
"Where have you been? Kanina pa akong nag-iintay dito," sabi ni Jax pagkarating ko sa may waiting area namin. Malayo pa lamang ako ay kitang-kita na ang nakakunot niyang noo.
"Sorry. Nagpatulong pa kasi ako sa—"
"Ang kupad mo. Nagugutom na ako," sabay tayo niya at talikod sa akin.
Tumakbo naman ako palapit sa kanya at sinabayan siyang maglakad palabas ng gate. Hinawakan ko ng mahigpit ang shoulder bag na kakabili ko lamang kahapon. Hindi ko maiwasang malungkot no'ng hindi niya ito kinuha sa akin. Akala ko pa naman ipagdadala niya ako ng bag.
"Nandiyan sina Zeke," banggit niya. "Ayusin mo nga 'yang buhok mo. Parang hindi ka babae."
Napatingin ako sa kanya nang sabihin iyon. Sinundan ko pa ang tingin niya sa unahan na nasa mga kabarkada niya noon. Naglabas naman ako kaagad ng suklay at pinasadahan ang buhok ko. Nagulat na lamang ako nang biglaan niyang higitin ang bag sa akin at siya mismo ang nagdala.
"Ang sweet naman. Kailan kaya kayo maghihiwalay?" pang-aasar na sabi ng dating kabarkada ni Jax nang mapadaan kami sa tapat nila. Narinig ko pa silang nagtatawanan.
"O ano Jax! Naka-score ka na ba kay Kari?" pahabol pa niya.
Bigla namang tumigil sa paglakad si Jax kaya napatungo na lamang ako. Nahiya tuloy ako dahil medyo maraming taong naglalakad sa paligid namin.
"Hindi pa? Ang bagal mo naman. Naunahan pa kita," sabi niya sabay akbay kay Erin at hinigit pa niya ito palapit sa kanya.
Napatingin ako sa nanginginig na kamao ni Jax. Bago pa may magsimulang gulo, hinigit ko na siya palayo sa kanila.
"Bitawan mo ko."
Agad akong napabitaw nang dahil sa malamig niyang boses. Medyo malayo na kami sa puwesto nila.
"Nawala na ko sa mood. Uuwi na ako."
Hindi na ko nakaimik nung ibinagsak na niya ang bag ko sa lupa at iniwan akong nakatayo doon.
Napahawak ako sa pisngi ko nang may maramdaman akong luha na pumatak. Hanggang kailan ka magiging ganito sakin, Jax? Kailan mo kaya ako mamahalin?
....
"O, bakit ngayon ka lang?"
"Sorry, Mama. Na-traffic kasi ako pag-uwi," sabi ko habang tuloy-tuloy ang paglakad sa may hagdanan.
"Akala mo ba hindi ko mababalitaan na binagsak mo na naman ang isang subject mo sa school?"
Napatigil ako sa paglakad.
"Ano? Tumigil ka na lang kaya sa pag-aaral? Bakit kasi hindi mo gayahin 'yang ate mo?! Ang tataas ng grado! Paano kasi pagb-boyfriend ang inaatupag mo kaysa magbasa ng libro mo!"
"Hindi naman po kasi ako di ba matalino katulad ni ate. At saka hindi ko naman po binagsak 'yon. Ginawa ko naman po lahat," halos pabulong kong sagot sa kanya.

BINABASA MO ANG
Everything I'm Not (One-Shot)
Short Story"Loving someone who doesn't love you?" Cliché 'di ba? Paano kung pati sarili mo hindi mo na rin mahal?