EGOM: Chapter 04: Soul transport and The Academy
3rd Person's POV
Nang natapos ang digmaan, napagpasyahan ng mga Diyos na magsagawa ng Soul Transport bago sila magpahinga at mapalitan ng mga kasalukuyang Guarduans.
Ang Soul Transport ay isang paraan para mabuhay ang mga nasawi sa digmaan sa ibang katauhan. Sa ganun ay maililipat ang isang kaluluwa ng isang taga Misca sa Mortal na tao. Ganun din sa mga kapangyarihan nila. Layunin nitong irestore ang mga kapangyarihang nawala upang hindi ito tuluyang mawala.
"Bakit kasi Soul Transport ang gagawin natin eh pwede namang buhayin na lang natin ulit sila" iritang saad ni Kiera, ang Air Goddess."Oo nga, saglit lang yun at mabubuhay na sila" sang ayon ni Astrid, Earth God. "At tsaka para wala ng hassle. Makakapagpahinga na tayo ng maaga at yayayain ko pa na magdate kami ni Kiera. Diba? Kiera?"dagdag ni Astrid na may ngisi sa labi.
"Spell ASA, Astrid. Wag ka ngang assuming" sabay batok sa ulo ni Astrid.
"Napakasadista mo talaga, matapos mo kong pagsamantalahan yan labg ang igaganti mo,huhuhu" kunwaring naiiyak na sabi ni Astrid. Bigla naman namula ang mukha ni Kiera dahil sa sinabi ni Astrid. Dahil sa hiya at galit ginamitan ni Kiera si Astrid ng simpleng wind magic dahilan para mapatalsik at bumalandra sa pader. Makikita sa mukha ni Kiera kapulahan ng pisngi hanggang leeg dahil sa pahiya at iritasyon.
"Kahit anong pananakit ang gawin mo sakin tatanggapin ko, pumayag ka lang na maging girlfriend ko" madramang sabi ni Astrid ng makatayo ito.
"Ewan ko sayo" sabi ni Kiera at bumalik na sa kinauupuan.
Humagalpak naman ng tawa si Acapell, water God dahil sa nasaksihang asaran ng dalawa. Irita na tumingin si Kiera kay Acapell na tuloy tuloy parin ang pagtawa. Matalim nitong tinitigan si Acapell.
"At anong tinatawa tawa mo jan? Gusto mi ikaw ang isunod ko ki kay Astrid nang manahimik ka" pagbabanta nito kay Acapell.
"Sabi ko nga tatahimim na" ani Acapell.
"Dapat nga panindigan mo ako eh"bulong ni Astrid, pigil naman ang pagtawa ni Acapell. "Anong sabi mo? Ulitin mo nga?"gigil na sabi ng amasonang diyosa.
"Wala, wala akong sinabi"maangmaangang sabi ni Astrid.
"Che! Hambalusin kita jan eh" Kiera.
Napapailing na lang si Sirius, Fire God sa tatlo.
"So,yun nga Soul Transport ang gagawin natin. Alam nyo namang kahit mga Diyos na tayo hindi tayo pwede bumuhay ng patay. Ipinagbabawal ang salamangkang bumuhay ng tao. Kaya ito ang gagawin natin dahil magpapatayo rin tayo ng akademya para sa mga mortal na mabibiyayaan ng kapangyarihan. Sa akademyang iyon, dito natin sila sasanayin at para magamit nila ng maayos ang kanilang taglay na kapangyarihan. Ang objective ng paaralang ito ay upang mapaghandaan ang pagbabalik ng Dark King."litanya ni Sirius. "Nagbanta ang Dark King na babalik ito upang maghiganti. Hindi natin alam kung kailan ang muling pagkabuhay nito."dagdag pa nito.
"Kung sa bagay mas mainam na tayo ay handa"saad ni Acapell. At sa huli ay sumang ayon na rin ang dalawa.
"Kakausapin ko si Pyro tungkol sa plano natin. Bibisita ako sa panaginip nya"ani Sirius.
6 months later...
Ang kaharian at ang buong Misca ay nakarecover na sa naganap na digmaan sa pagitan ng Darkvine Kingdom at ang kaharian ng Vercan. Lahat ay matiwasay ng nabubuhay. Lahat ay masaya. Pero lingid sa kanila ang nakaambang panganib. Hindi parin maalis sa isipan ng hari ang tungkol sa sinabi ng Dark King bago ito matalo. Hanggang ngayon ay bumabagabag ang mga salitang iyon kay King Pyro.
"Sa ngayon kayo ang nanalo pero ito ang tatandaan nyo babalik ako upang maningil. At siuguraduhin kong ako naman ang mananalo."
Iniisip ng hari kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Alam nyang ang kasiyahan at kapayapaan na nakikita nya ngayon sa buong Misca ay panandalian lamang. Hindi nya lang ito pinapakita at pinaparamdam sa ibang taong nakakakuta sa kanya.
"Anong iniisip mo? Iniisip mo ba yung huling sinabi ng Dark King"tanong ni Aero.
"Hindilang talaga natanggal sa aking isipan. Inaalala ko lang ang hinaharap. Ano kaya ang mangyayari sa hinaharap?"tugon ni Haring Pyro.
"Kung ano man ang mangyari mapaghahandaan natin yun. Wag kang mag alala magiging maayos din ang lahat" pampalubag loob na saad ni Aero.
"Sana nga Aero, sana handa na ang Misca sa panganib na nagaabang."nag aalalang sabi ni Haring Pyro.
***
Sana magustuhan nyo 'tong kwento ko. I really enjoy typing every words of my stories. Salamat sa suporta. This is one of my way of lure out my stress. Stress releaver. And to express my thoughts and feelings. So yeah, hope you enjoy reading!! Till the next update.
blue_colonello
BINABASA MO ANG
Elemental Guardians Of Misca
FantastikThis is about a world of magic who wants to conquer by a dark kingdom to rule over. Elemental guardians to the rescue, in order to save their own world and the human world. Magtatagumpay kaya sila o hahayaan na lang nilang masakop ang pinakamamahal...