Mahal Kita pero Hindi Tayo Itinakda

1.9K 8 0
                                    


"Mahal Kita pero Hindi tayo Itinakda"

By: Rizza


Sabihin mo nga sakin kung ilang beses ba talaga pinag bibigyan ang isang tao. Hindi kuna kasi alam kung paano ang gagawin ko.

Minsan syang nagkamali , ngunit heto ako at handa akong tanggapin syang muli. Heto ako nag mamahal kahit na pakiramdam ko tingin nang tao sakin ay nag tatanga tangahan uli.

Ni hindi kuna alam ang gagawin ko, na kung sa huling pag kakataon ay sinayang nya ito. Paalam nalang ba ang syang mamumutawi sa aking mga labi?

Pag ibig na namuo sa panahong hinahanap ko ang aking puso. Inakalang sya nanga ang pag ibig sa habang buhay, ngunit pag ibig pala na ito ay hindi totoo.

Pag ibig na mali ay pinilit na itinama kahit na alam sa sarili'y taliwas lahat nang ginagawa.

Nag pakasaya sa panahong kasa-kasama ka. Di nag tagal bigla akong natulala at napag tantong mali na ang aking ginagawa.

Na lahat ng ito'y hindi dapat itinakda. Na tayo lang ang nagdikta sa sarili nating tadhana. Nabulag sa isa't isa.
Bulong ng Diyos ay para bang wala na.

Lumipas ang panahon pag ibig sa ay nag laho nalang bigla. Tila ba oras nalang ang nagdikta kung para ba talaga sa isa't isa.

Kahit na ilang taon na siguro kung tatanungin ko sarili ko kung nakalimutan na kita. Heto lang ang masasabi ko.

Mahal kita pero hindi tayo ang itinakda ng tadhana. Mahal kita ngunit ang salitang yun ay wala nang bisa ,sapagkat ang salita nang Diyos ngayon ay narinig kuna.

Mahal kita pero hindi pwede dahil iyon ang tama. Gusto man kitang balikan ngunit sinasabi ng utak ko ay tama na.

Minahal naman kita noon bakit sinayang mupa. Ngayon sa huling pag kakataon kahit gaano kupa gustuhin na bumalik ka ay wala na talaga.

Hangang panaginip nalang lahat ng mga masasayang alaala. Paalam sayo aking sinta. Mamahalin nalang kita sa panag inip ko kung saan walang makapang huhusga.

Mamahalin nalang kita sa hangin at kakalimutan kanalang na parang bula. Sana ay kayanin ng puso ko.

Sana sa pagtagal ng panahon maghilom na ang sugat sa aking puso. Makahanap ng taong para sa akin at ibibigay ang pag mamahal ng buong buo.

Paalam sayo at paalam sa nararamdaman ko. Sana kahit manlang rito ay naramdaman mo ang pag mamahal ko na noo'y binaliwala mo.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon