Reese

0 0 0
                                    


Reese

Pakiramdam ko na mabigat ang aking katawan dahil kahapon ay napuyat ako sa kaka-Facebook mag-isa sa aking kuwarto. Nakakaloka nga e. Ngayon ko lang kinahihiligan ang Facebook na 'yan.

Damn. Ang bilis naman ng panahon.
Parang kahapon lang kaka-start lang ng aming bakasyon. Actually, just about two months ago, nakapasa ako ng entrance exam for early admission to Stanford Academy. The Stanford Academy, the number one private high school sa kabuuan ng Pinas. Yes, you heard me right. Pasensya na sa pagiging Englisera ko, tutal, 'Stanford Warrior' naman ako. Tawag sa mga estudyante ng Stanford Academy ay 'Stanford Warriors' at ang colloquial term naman raw ay 'Stanfordian.' Ay, iba talaga si Maria Teresa 'Reese' Aguinaldo. Ang daming alam, akala mo naka-top 3 siya sa dati niyang school. Nagkaroon lang pala ito ng himala mula sa Diyos na nakapasa siya sa (napakahirap) na entrance exam para makapasok sa elite Stanford Academy. Panigurado, na-inspire lang ito mag-review dahil kasama niya naman ang crush niya mula elementary school na si Troy Valdez, at buti na lang nakapasa siya sa exam.

Edi wow, Reese. Edi wow.

Speaking of Stanford Academy, ngayon na kasi ang pasok ko sa paaralan. Lahat ni-ready ko na para chill lang si Reese Aguinaldo. Uniform ko akalain mo inspired pala sa mga dating uniform ng mga flight attendant sa eroplano---particularly Philippine Airlines. Ang bag ko kahit kabibili ko lang ito sa Divisoria noong past weekend ay matibay naman when it comes to the leather material.
Shoes ko naman gamit na gamit noong last year kaya ipinagbili ako ni mama sa high-end na department store dahil wala daw sapatos na magkakasya sa'kin kung bibilhin ko sa Divisoria. Yaman namin, ano? Hindi ko naman kasalanan kung malaki ang dalawa kong paa.

Actually, just about five minutes ago, bago lang akong gising at medyo masakit ang aking ulo dahil 'yun, nakakaadik talaga ang Facebook simula pa noong gabi. Si Troy Valdez unexpected na in-add niya ako bilang Facebook friend niya. O 'di ba? Suwerte ko!

After kong magligo at magbihis ng sarili kong uniform na malambot ang tela, bumaba na rin ako para makapag-almusal.

Kakababa ko pa lang at amoy na amoy ko ang bacon and eggs na niluto ni mama. Syempre, dahil first day ko nga sa Stanford Academy, pinaglutuan niya ako ng sosyal na pagkain. Kahit 'di man kami gano'n kayaman, at least nakaka-afford naman kami ng bacon and eggs na mabibili sa Robinson's Supermarket which is like a thousand miles from here (makapagod mag-calculate ng distansya dahil tinatamad talaga ang Reese niyo. Lol.)

"Uy, anak, kain ka na at baka ma-late ka pa sa school." Kahit hindi nakatingin si mama sa akin nagawa niya naman akong kausapin ng matino. Wow. Ang galing.

"Sige po, ma," sabi ko sa kanya at naupo na rin ako sa silya upang makakain na rin ako. "Kayo rin po, kumain na po kayo."

"Busog pa ako, anak. Mauna ka na lang." Inilapag niya sa lamesa ang bagong luto na kanin. "Kumain ka ng marami. Baka pagdating mo pa lang sa school ginugutom ka na."

"Wow, ma," kumento ko sa kanya, "grabe ka naman. Mahina kaya metabolism ko sa katawan. Kaya nga e, medyo mataba ako ngayon."

"Tama ka, ano? Kailan ka huli nag-exercise?" Tanong niya sa akin with that teasing expression on her face.

"Ma, alam niyo na 'yan. Kailangan ko pa ba sabihin sa inyo?"

###

After ko mag-almusal, imbis ako sana maghugas ng mga pinggan, kutsara, at tinidor pati na rin mga baso, si mama na nag-volunteer para sa akin dahil 'ayun nga, ayaw niya akong ma-late sa school.

Dali-dali akong nagsipilyo at sinuklay ang aking buhok ng maraming beses dahil hindi naman perfect ang pagkaka-straight ng buhok ko. Naisipan ko na lang mag-commute papuntang Stanford dahil masyadong abala si mama sa paglilinis ng aming bahay. Just recently, huminto muna siya sa pagtatrabaho sa opisina dahil sabi daw ng kanyang doktor na 'di siya puwede ma-stress gano'n.

Paglabas ko ng bahay at nakapagpaalam na ako kay mama na magpunta na ako sa eskuwelahan, maraming bata na nakakalat sa daan na naglalaro ng kung basta-basta. Maaga pa nga e, mayroon na isang tanga na gusto mag-videoke at magtagay. You know, mag-iinuman ng beer...something like that.

Dahan dahan akong dumaan sa masisikip na sulok dahil ayaw kong madumihan ang aking bagong bili na sapatos at uniform ko. Suwerte ko nga e, ang putik ng daan papuntang terminal kung saan nakaabang sayo na tricycle. Sorry pero walang magarang sasakyan ang mama ko para ihatid ako papuntang school.

Medyo natagalan lang bago ako sumakay ng tricycle dahil choosy talaga ng mga drivers sa kasalukuyan. Ewan ko nga e. As if naman may karapatan silang maging choosy sa pagsasakay ng mga pasahero.

Ang Standord Academy kasi ay matatagpuan sa Laguna, so that means malayo talaga. Wala lang, gusto ko lang mag-share sa inyo dahil masaya ang buhay pero 'di naman.

Binayaran ko ng mahigit 20 pesos ang driver pagkababa ko ng Stanford. Ang taas ng building nito akala mo shopping mall or corporate center ang napuntahan mo. Pakiramdam ko nagmumukha akong 'cheap' sa iba pang mga estudyante na hinatid pa ng mga magulang nila sakay ang kotse na dala nila. Magkano kaya ang mga allowance ng mga ito? Isang libo kaya? Wow, daig pa ng mga ito si Reese. 50 pesos lang every week kasama na ang pamasahe.

Maraming tao ang pumipila na para makapasok sa loob ng campus. No ID, No Entry. Typical high school rule.

After ten minutes sa pagpipila sa labas ng campus, nakapasok na rin ako sa loob. Wow. Gusto kong mamangha ulit. Dito ako mismo nag-take ng entrance exam kasama si Troy Valdez.

Nilibot ko ang paaralan. Karamihan sa mga estudyante ay may sari-sarili na nilang group of friends. 'Yung iba nga, sumisigaw at naghahalakhakan tungkol sa iba't ibang bagay na 'di ako pwedeng makisali dahil hindi ko naman sila kilala. Ano ako, makapal ang mukha?

Iyan tuloy, na-miss ko na ang dati kong school at mga kaibigan ko sa public school. Simula noong naka-graduate na ako ng junior high school, 'di na kami nagkita muli. May separate lives na kasi kami e. Minsan lang kasi sila maka-Facebook kaya gano'n.

Nagsisi na ba ako dahil nakapasok ako ng Stanford Academy at naging scholar pa by chance?

Hindi naman siguro. I think.

this is a high school storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon