Book II: Chapter 11

1.7K 78 38
                                    

"I love you Caleb, pero siguro hanggang dito na lang talaga tayo. Wala eh mukhang pati yung stars sa kalawakan ay tutol sa ating dalawa." Sabi ko kay Caleb. At kumalas na ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Fvck shit naman Alex! Kung ipaglalaban natin to parehas, walang imposible." Sabi sa akin ni Caleb.

"Hindi ka ba nakakahalata? Kahit anong timing at effort natin mukhang wala talaga. At ang masakit pa don of all people, si Hanna pa talaga. Bestfriend ko siya Caleb. Naging malaking part siya ng buhay ko kung bakit ganito ako ngayon, siya lang  yung taong lumapit sa akin para makipagkaibigan noong time na nag-iisa lang ako. Kaya hindi ko kayang gawin to kay Hanna." Naluluha kong sabi kay Caleb.

"Bakit hindi mo iexplain, sabihin mo sa kanya na mahal mo ako. Sigurado akong maiintindihan ka naman niya." Pagpupumilit sa akin ni Caleb.

Hindi na ako umimik sa sinabi ni Caleb. Kung alam mo lang Caleb kung gaano ko kagustong ipaglaban kung anong mayroon tayo. Pero bumabalik sa ala-ala ko yung time na kinukwento ka niya sa akin. Ang saya saya niya non. Kinikilig pa nga siya noong unang beses na nagkasundo kayo. Mukhang nahanap na niya yung happiness niya sayo Caleb, kaya sino ba naman ako para sirain yon.

"Mahal kita Alex, pero kung hindi mo naman ako kaya ipaglaban siguro nga tama ka, pinagtagpo tayo pero hindi tayo itinandhana para sa isa't isa. Sana lang wag mong pagsisihan yung naging decision mo ngayon." Sabi sa akin ni Caleb. Sabay talikod sa akin at lumabas ng c.r.

Gusto ko siyang yakapin pero para akong nastunned sa kinatatayuan ko.

Habang nakatulala ako ay unti unti ng pumapasok sa kokote ko yung effect ng naging decision ko.

Kaya ko nga bang makita siya sa piling ng iba, sa piling ni Hanna.

(30mins later)

Tumingin ako sa salamin, at nakita kong namamaga yung mga mata ko.

King ina naman kasi bakit napaka iyakin ko.

Naghilamos na lang ako baka sakaling umimpis yung maga sa mga mata ko, at mabura yung alat sa mga pisngi ko.

Lumabas ako sa c.r. at dumiretso sa elevator para bumaba.

Nang makababa na ako ay hindi ko naman alam kung saan ako makakabili ng pagkain na masarap dito.

Palibhasa kasama ko lagi si Caleb kapag kumakain kami ng lunch tuwing break.

Kaya napadpad ako sa isang burger stand.

Masarap naman pala yung burger dito, bakit kaya hindi ko napansin na may ganito dito.

After kong kumain ay bumalik na ulit ako sa office.

Kung hindi ka nga naman minamalas, makakasabay ko pa si Caleb. At ang awkward pa dahil dadalawa lang kaming nakasakay sa elevator.

Kaya medyo yumuko ako at dumistansya sa kanya. Baka kasi mahalata niyang umiyak ako.

Nakita ko siyang sumulyap sa akin, inaasahan kong kakausapin niya ko pero hindi niya ko pinansin.

Hindi na ko magtataka dahil mukhang galit siya sa akin at sa decision na ginawa ko.

Nakahinga na lang ako ng maluwag nang makarating na kami ng 69th floor.

Agad agad namang siyang lumabas at saka naman ako sumunod.

Lumipas ang ilang oras na wala kaming imikan. Hanggang sa time na mag-uuwian na.

Kaya nagpaalam na ako sa kanya na mauuna na akong umuwi.

"Ahmmm Sir. Caleb, uwi na po ako." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Ok" tipid na sagot ni Caleb.

Umuwi tuloy akong mag-isa sa bahay. Alangan namang magpahatid pa ko sa kanya.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon